ANO KAYANG ORAS na? Napahaba pala ang tulog ko. Pagod na pagod kasi ang buong katawan ko—hindi dahil sa kung ano mang iniisip ninyo, pero dahil magdamag kami kagabi ni Cade. Magdamag na nagtitigan. Syempre, na-miss namin ang isa’t isa. Matagal na hindi nagkita. Matagal na hindi nagkasama. Kaya kahit walang halikan o lambingan na lampas sa yakap, sapat na. 'Yung presensya pa lang ng isa’t isa, punong-puno na. Pagdating namin sa place niya, agad niyang sinuot ang maskara sa mga mata niya—yung usual black satin one na parang pang-Venetian ball. Kapalit ng shades niya. Hindi pa rin buo ang tiwala niya sa sarili. Sa kabila ng pagiging malamig niya sa panlabas, alam kong ang puso niyang durog pa rin. Nangangailangan pa rin ng lakas. Nang yakapin niya ako nang mahigpit, parang sinasabi ng bu

