Chapter 4

978 Words
Kinakapos na naman kasi ako sa paghinga. Nakakainis! Paano kasi'y napanaginipan ko na naman sya. That guy with the blue eyes! It's been six months since the last time I saw him, yet I still couldn't forget him. Tuwing sasagi sya sa isip ko ay umaatake ang asthma ko. "Anak, anong nangyari?!" nag-aalalang bungad ni Mama sa akin nang buksan nya ang pinto ng aking kwarto. Umiling ako habang sapo ko ang aking dibdib. "O-okay lang po ako." May hika ako, pero hindi naman ako madalas atakihin. Kapag sobrang init lang. Kapag sobrang pagod lang. Pero nitong nakaraan ay napapadalas na. "Anong okay, eh hayan at namumutla ka!" Hinagod ni Mama ang likod ko. "Baka nagkikilos ka na naman? Di ba sinabi ko nang hayaan mo nang kami ang kikilos dito sa bahay!" Sa likuran nya ay kasunod na nya si Amang na kandarapa habang may dalang isang basong tubig. Nilagok ko iyon nang iaabot nya sa akin. Ganito sa akin ang mga magulang ko. Hindi nila ako pinakikilos sa bahay, inaalala nang sobra, at parang ako ang bunso kung ituring nila. Noong sanggol pa lang kasi ako ay nagkaroon ako ng komplikasyon, dahil doon kaya ganito nila ako alalahanin. Mahirap lang kami pero para akong prinsesa, kaya siguro lumaki ang ulo ko. Nakakalungkot na ngayon lang ako nagising, na imbes magtampo sa kanila dahil sa kahirapan namin, ay dapat ko silang intindihin. Hindi sila perpekto pero mahal nila ako sa sarili nilang paraan. Ngumiti ako sa kanila nang unti-unti na akong makasagap ng hangin. "Ma, okay lang ako. Hindi pa ako mamamatay. Matagal pa ako sa inyong magpapasaway..." biro ko sa kanila. Nagsalubong tuloy ang makakapal na mga kilay ni Amang. "Tapusin mo muna ang pag-aaral, Chloe." "Kayo naman, Amang, di na kayo ma-BJ." Halos tapikin ko pa sya sa braso. Lalo tuloy syang napasimangot. "Ma-BJ?" Shet! "Biglang Joke po ang meaning niyon." "Hay naku, anak, matulog ka na nga at maaga pa ang pasok mo bukas!" palatak ni Mama. Lumabas agad sya ng kwarto. Hinagkan ako ni Amang sa noo. "LOL ka talaga, anak..." pagkatapos ay lumabas na rin sya ng pinto. Nang nag-iisa na lang ako sa kwarto ay kinuha ko agad ang aking cellphone at nagtipa ng numero. Kailangan kong malibang. Kailangan kong makalimot kahit saglit lang. Sumagot naman agad ang tinatawagan ko. "Hello, Chloe?" "Hello, Migs..." Limang buwan ang nakararaan mula noon nang makilala itong si Migs. Same university, same year, and same course. Sinimulan nya akong ligawan last month. Wala sana akong balak sagutin sya, pero masigasig sya. Ang sabi nya, okay lang daw kahit hindi ko naman sya mahalin. Basta bigyan ko lang sya ng chance na mapatunayan sa akin ang feelings nya. Unfair iyon sa kanya tumanggi ako. Tinapat ko rin sya sa aking tunay na nadarama, pero hindi pa rin nya talaga ako sinukuan. Subukan ko pa rin daw sya, bigyan ko raw sya ng chance kahit trial relationship lang. Nangako sya na lalo akong mai-inspire sa buhay kapag naging kami, kaya ayun, dahil masigasig ay sinagot ko na sya noong aking 22nd birthday. "Chloe, may problema ba? Okay ka lang ba? Madaling araw pa lang, ah." Sa pagkapaos ng boses ni Migs ay mahahalatang nagising lang sya sa aking tawag. Huminga muna ako nang malalim. "Wala naman... naisipan lang kitang tawagan..." Napahagikhik sya sa kabilang linya. I know... Kinilig na naman ang tumbong nya. "Goodnight, Migs. Kita na lang tayo bukas." Pagkasabi ko'y ibinaba ko na ang telepono. Nahiga na muli ako at pilit ipinagsiksikan sa isip ko ang mukha nya. Kung may dapat akong isipin ay si Migs iyon dahil sya ang boyfriend ko. Gusto ko syang matutunan ng mahalin, kahit pa sabi nya ay okay lang naman daw anytime. O di ba ang bait nya. Bonus na lang na guwapo sya, may sariling kotse, at laging may panis na laway. Panis na laway? Napatirik ang aking mga mata sa isiping iyon. Iyon lang talaga kasi ang turn-off sa kanya. Lagi kasing may namumuong bumubulang laway sa gilid ng kanyang mga labi sa tuwing magsasalita sya. But all in all, perfect sya. Wag lang talagang mapapatingin doon sa parteng sulok ng bibig nya. Pero okay lang din, di naman ako masyadong judgemental. "CHLOE, HINTAYIN MO naman ako." nagrereklamong humahabol sa akin si Fau-fau dahil sa malalaking paghakbang ko. Tagaktak ang pawis nya nang maabutan nya ako. "Chloe, ano ba?! Can you just... just... blah! blah! blah!" Meron na naman syang hindi mapunto. "Slow down?" tugon ko sa kanya habang lumilingap ako sa paligid. "Oo, iyon nga... S-slow down." Hinihingal sya. "Bakit ka ba kasi nagmamadali?" Hindi ko sya inimik. Nagpatuloy lang ako sa paglingap sa paligid. Napakarami kasing estudyante ang nagkalat dito sa university. Yes, back to school na ako at nagsisikap nang mag-aral nang mabuti at mamuhay nang normal. Hopefully, maka-graduate na rin nang kahit paano ay mapaligaya ko naman ang mga magulang ko. Looking forward to a brighter future! Fau-fau rolled her eyes. "Don't tell me, iyong BF mo na naman ang hinahagilap mo?" Sakto naman na nakita ko na si Migs na papalapit sa amin. "Chloe!" sigaw ng binata. "Hi..." Mahinhin ko syang kinawayan. Papalapit na sya. "Chloe!" Kailangang sumigaw ng bongga? Heto na nga at ang lapit na? "Chloe!" Inulit pa! "Chloe!" tumalsik tuloy ang laway nya. Nakailag ako at si Fau-fau ang nasapol sa ilong. "May problema ba, Migs?" tanong ko sa kanya. Ito na nga si Migs, ang new BF ko. My inspiration next to my family. Pero minsan, napapaisip na rin talaga ako. Makipagbreak na kaya ako? Parang hindi naman kasi siya nakaka-inspire. Hinila niya ako sa pulso. "'Lika... marami akong ikukuwento sa'yo." Siguradong bubula na naman ang laway niya habang nagkukuwento. Pero ayos lang, kapag tumalsik, iilagan ko na lang. Nilingon ko muna si Fau-fau. "BBFF." Bumagsak ang kanyang balikat matapos kumaway sa akin. "BBFF..." BBFF means Bye BFF.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD