Chapter 34 Naka-ilang inom si Luna dahil panay kabastusan at mahahalay ang mga tanong sa cards na nabubunot niya. Mas gusto na nga lang niyang kumanta o sumayaw. Gagawin niya ang lahat ng mga nakakahiyang dare, huwag lang ang mga tanong na halos si Martin lang din naman ang isasagot niya. Si Martin naman ay walang pinalagpas sa lahat ng tanong o dare na nabubunot niya. Napansin niyang nakasandal na si Luna sa upuan at mukhang nakaka-idlip na. Lumapit siya rito para akbayan ito at isandal ang ulo nito sa balikat niya. Hindi na sila naglalaro ngayon. Nag-iinom at nagku-kwentuhan na lang sila ngayon habang bagsak na ang isang kasama nila. "Iuwi mo na kaya si Luningning, Martin?" Tanong ni Ivan. "Hindi ba ako papagalitan ni Auntie kapag inuwi ko si Luningning na lasing? Alam mo namang main

