five

1552 Words
DEANNE Nakatingala ako at nakatitig sa mga malalaking letra na nakalagay sa gable ng roof. [De Bon Goût] Binaba ko ang ulo ko at tumingin sa harap. May iilang pumapasok na nakasuot ng mga mahahaling kasuotan at napaka pormal nito. Tumingin ako sa bintana at nakikita ko ang mga babae na may suot na mahahaba at makikinang na kwintas at hikaw, samahan pa nila ng mga singsing na kapag tumatapat sa ilaw akala mo kukunin ka na ni Lord. Tumingin ako sa suot ko. Naka t-shirt ako na puti na may print na [Beh.] Na ginaya ang iconic supreme shirt. Naka shorts ako at nakatali ng mataas ang buhok. Yung bag ko pa ang chaka, pekeng Chanel kasi double 'n' saakin. Channel. Ang masaklap yung bag ko pa bagpack na malaki kasi nga pinag dala ako ng damit,may Chanel ba na parang jansport? Wala naman diba? Peke rin yung shoes ko, Vans dapat kaso ang tatak Buns. Ako rin ang nag make up sa sarili ko nahiya ako kasi sila ang gaganda ng mga kutis nila kaya hindi nag me-make up. Napalunok ako. Ito ba talaga yung tagpuan? Tumingala ulit ako para tiyakin kung ito nga pero ito nga talaga iyon. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya agad ko itong kinuha sa aking bulsa at sinagit ang tawag. "Hello?" "Hello, this is one of the guys who rented for you." Rent, parang bagay lang ako. "Ah, he-hello po." "Where are you?" "Ah! nasa tapat na po ako." Bigla akong ninerbyos. "Okay, just mention the surname Soria to the host." "S-sige po." In-end call na niya. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa lalaki sa labas ng restaurant. Nang makarating ako sa harap niya ay dumapo saakin ang kaniyang tingin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako dahil alam ko na jina-judge niya ako. "May nag punta na kaninang kasama mo dito, hindi ako bibili ng pabango mamaya mag ka-allergy pa ako sa binebenta niyo." Mataray nitong saad saakin. Napa kurap ako sa sinabi niya. "Huh?" Ayon na lamang ang lumabas sa bibig ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit, soap ang binebenta mo? Nako hindi niyo ako maloloko." Mariin na sabi nito. Akala niya ba manggagancho ako? "Ay hindi po, ano may kikitain po ako." Binigyan niya ako ng tingin na para bang sinususpetyahan niya ako. "Nako miss tigilan mo ako, sa itsura mong iyan?" Napakagat ako ng ibabang labi. Medyo nainis ako sa kaniya pero hindi ko naman siya masisi. "Ano, paki check na lang kung may pangalan na Soria diyan." Tinuro ko yung reservation and guests book niya. "Miss ang kulit mo, umalis ka na may costumer pa." Lumingon ako pero wala namang nakapila. "Wala naman eh." Bulong ko at nag pout. "Mamaya meron na, alis shoo shoo." Tinataboy niya ako na para bang asong gala ako. Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh meron nga akong kikitain kuya!" Pumadyak ako sa inis at masama siyang tinignan. Napanganga siya at namilog ang mga mata. "Ah, are you glaring at me?" Di makapaniwalang saad nito. "Oo bakit?" Matapang na sagot ko. "Get out ayan may costumer na sa likod mo." Ngumuso siya sa likuran ko. Ulul. "Wala naman, ano ba check mo na lang yung pangalan na sinasabi ko. May kikitain nga ako sabi eh!" Pagpupumilit ako. "Do I really need to witness this tiff?" Lumingon ako ng may narinig ako ng mababang boses na alam mo na galing sa isang lalaki. Napalitan ng gulat at halong kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko inaasahan kung sino ang nasa likod ko. Kahit siya nag bago ang ekspresyon nang makita niya at unti-unting matandaan ang mukha ko. "You are..." tumapat ang hintuturo niya sa akin habang kunot noong nagsasalita. Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay humarap ako sa sa lalaki. "Bakit mo ba ako pinipilit na nag pa-reserve ako!" Bulyaw ko. Ito na ata ang defense mechanism ko, ang baliktarin ang sitwasyon. "Huh?" Naguguluhan siya sa inakto ko. Dinuro ko siya. "Sa tingin mo ba ang isang tulad ko ay makakapasok sa mamahalin na restawran na iyan? Bakit babayaran mo ba kakainin ko?! Napadaan lang eh!" Bulyaw ko. Kuya pasensya na kailangan ko lang talaga itong gawin kasi may dignidad din naman ako inaalagaan sa labas ng trabaho ko. "Anong pinag..." "Pang jollibee lang ang kaya ko. Bwisit makaalis nga dito istorbo." Bulong ko at nag simulang mag lakad ng mabilis palayo. "Miss!" Napakagat ako ng labi at umilis. Shet ano ba hindi ayaw ko makita ako ng mga dati kong costumers. "Miss!" Tinatawag niya ako at sinusundan. Lumiko ako sa may eskinita kung saan ang daanan ay puro basura at grasa. "Hey!" Nakaramdam ako ng malaking kamay na pumulupot sa punyos ko. Napasinghap ako at napa harap sa likod. Nakaramdam ako ng kaba. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin saakin. "What are you doing there?" Tanong nito. Napalunok ako at inaayos ang paghinga. "B-bakit? Bawal porque mahirap bawal pumunta sa restaurant na iyon?" Alibi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "I thought you were just passing by?" May agam-agam sa pananalita ako. Kung saan saan pumunta ang tingin ko pwera lang sa kaniya habang nag-iisip ng dahilan. "Ano... ano..." utak gumana ka. "Ano kasi boypren ko iyon nag-away kami e ." "Your conversation does not make any sense." Sabi nito. Nako huwag ako ini-english- english nito sumasakit ulo ka. "Ayaw mo maniwala? Come with me." Dahil nakahawak parin siya sa punyo ko ay hinila ko siya pabalik sa lalaki na parang si McDonalds kasi nasa labas. Kinuha ko kamay ko mula sa kaniya at tumingin sa lalaki. Nagtataka siya kung anong ginagawa ko. Hindi ko alam ang tumakbo sa isip ko pero ginawa ko na lang ang naiisip kong paraan para makaligtas sa kaigipitan. Hinila ko ang pulang necktie ng lalaki at napa lean forward siya. Sa harap ng dati kong kliyente ay hinalikan ko siya. Natuod ang lalaki sa ginawa ko at uniti-unting pinag hiwalay ang mga labi. Bakas sa mulha niya ang pagdidiri ngunit bago pa magsalita ang lalaki ay binantaan ko na siya. "Subukan mong magsalita myembro ako ng pabebe girls hawak ko buhay ng pamilya mo." Bulong ko at sinigurado ko na siya lang ang makakarinig. Uto-uto siya at tanga tanga dahil natakot sa ginawa ko. "Sorry mine kung inaway at sinigaw sigawan kita huh?" Nilalambing ko siya ngunit parte ito ng palabas. "Nako pawis na pawis na ang chupachups ko." Hinaplos ko yung pisngi niya at pinunasan ang mukha gamit ang kamay. Pinipigilan niyang mandiri. Lumingon ako at binigyan ng pilit na ngiti ang lalaki na nakangisi lang saakin at parang may kakaiba sa tingin niya. "Diba?" Napapiyok ako. Bumaba lang ang gilid ng kaniyang labi at tumango tila hindi siya kumbinsido "Let's just say I am gullible and naive to believe your act, so, yes I do believe that he is your boyfriend and that he is not gay." Kaswal nitong saad. Napa sapo ako sa noo ko. Napansin ko na ang mga titig ng ibang tao. Curious sila kung anong nangyayari at hindi ko gusto ang kahit anong atensyon dahil nahihiya ako at kinakabahan. "Sige na palabas lang ito pero pwede ba..." lumapit ako at tumingala sa kaniya. "Kunwari hindi mo ako kilala, kunwari hindi tayo nagkita at nagkita muli. Hindi ko gusto na nakikita o nakakausap ko ang dati kong costumer." Bulong ko. "I see." Tumango siya. "Are you going inside?" Umiling ako. "Hindi, kakain na lang ako sa jollibee. Bye." Sabi ko at nilisan na ang lugar. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si HandsomA ng Mukha. "Hello sir..." "Don't worry we saw and hear everything. We weren't actually inside the restaurant, we just..." tumigil ito at nakarinig ako ng bulungbulungan na hindi ko maintindihan. sa kabilang linya. "Hello? Kakarating lang namin kaya nakita namin." Tumawa ito pero hindi na siya ang nagsasalita. "Anyway, we will meet your later na lang because something came up. For now, go to La Perfeccion condominium and ask the hotel desk clerk for a spare card. Just tell your name and you're acquaintance with Chad Chavis Romeo okay?" Ano daw? Andami ata niya pinautos hindi ko alam nabibigla ako sa English nila. "H-ho? Hindi ko po gets." Napakamot ako sa ulo. "Ite-text ka namin..." Nakarinig ako ng panibagong boses. "Dudes, I saw the girl on the strip club..." "Hey, I have to hang up. Bye!" Narinig ko na ang tunog na nag cut na ang call. Kunot noo akong tumingin sa cellphone ko. "Ano daw?" Napakamot ako sa batok ko. "Oh ngayon, saan naman ang condominium na sinasabi nila?" Napa buntong hininga ako. Nag vibrate ulit ang phone ko pero isang shake lang ibig sabihin message lamang. May nag pop up na text at pinindot ko iyon. Sa tapat lang ng restaurant yung hotel. Pumunta ka sa desk clerk at sabihin mo name mo and yung name na Chad Chavis Romeo. Got it? Kung kanina pa siya nag tagalog mabilis ko siyang naintindihan. Tumingin ako sa kabilang side ng street dahil sakop ng malaking condominium ang kabilang kalye sa haba nito. Hinanap ko ang pangalan ng condominium. La Perfeccion. Ngumiti ako. "Ah ito na iyon." At tumawid. *************** Nagkaproblema si w*****d kahapon walang nakakuha ng notification. Okay na ba? Idk if mababasa niyo ito kung nababasa niyo na rec
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD