twenty

1386 Words
Kagagaling ko lang sa klase, nag paalam ako sa nanay ko na ma-le-late ako ng uwi. Bakit? Pinapapunta kasi ako ni Chad ipagluto ko daw siya, lagi na niya hinahanap hanap ang luto ko. Naging kusinera na rin niya ako bukod sa pagiging parausan. Tatlong buwan na ang nakalipas. Ito pa rin ang trabaho ko, nagsisilbi para kay Chad pero maraming nagbago. Naging matalik na kaming mag kaibigan ni Chad, sobra sabi nga niya best friend na niya ako. Pero kahit ganoon ay hindi parin nawawala ang palitan namin sa isa't isa. Palitan kung saan bibigyan ko siya ng sarap at kapalit ay babayaran niya ako. Yung mga kaibigan ni Chad pinakiusapan ko na tumigil na sa pagbibigay dahil kuntento na ako sa binabayad sa akin ni Chad. Maniwala man kayo sa hindi, noon din sa simula hindi ako makapaniwala sa inabot na pera na natanggap ko. Lagpas na ng sampung milyon ang kaban ko, ibig sabihin lang nito ay ahm... madalas kaming nag aano. Alam niyo na. Biro nga ng mga kaibigan ni chad ay namumulubi na sila sa akin. Hindi lang ang samahan namin ang nagbago. Ang buhay ko. Hindi na kami sa maliit na bahay naninirahan, sa malaking bahay na ni Sebastian. Inaalagan niya kami lalo na si Nanay. Nai-spoil na rin kami ni Joshua sa totoo lang. Ansaya ng buhay ko ngayon kahit na nananatili ako isang bayarang babae. Alam ko naman na hindi masamang tao si Chad at kahit binabayaran niya ako inaalagan niya ako na parang hindi ako mababang klase, tinatrato niya akong kaibigan. Dahil dito, napag-isipan ko na na itigil na niya ang pagbayad sa akin. Masyadong malaking halaga na ang natatanggap ko, sapat na ito. Ngunit, kung kailangan niya ang katawan ko handa ko ibigay sa kaniya dahil... Kaibigan ko siya? Ulul. Matapos ko ilapag sa lamesa ang kaserola na mainit at may lamang bilo-bilo ay mag nasalita mula sa telephone door. "Chad?" Boses ng babae ang narinig ko. Tumungo ako sa pinto at binuksan ito. Sa tapat ko ay may babaeng buntis. Nakasuot ito ng maternity dress, nakatali ang buhok at bagamat may katabaan ito marahil dahil sa pagbubuntis ay hindi mapagkakaila ang kagandahan nito. Napatigil ito at nakatitig lang sa akin habang ang kamay ay na sa maunbok na tiyan niya. Ilang saglit lang ay tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. "Who are you?" Nakataas ang kilay nito. Imbis na sagutin ko siya ay sinabi ko na lang kung nasaan si Chad. "Wala pa si Chad, mga eight pa makakarating. Pasok ka po muna." Binuksan ko ng malaki ang pinto at tumabi. Mukha namang kilala niya si Chad at katiwatiwala naman siya. Nagdikit ang mga kilay niya na para bang nainsulto ko siya. "Who are you?" Pagmamataray niya. Napalunok ako. "Kaibigan niya po..." bulong ko. Nakaka intimidate siya. "Friend? What kind of friend are you staying at his place without him?" Sinagot ko naman ang tanong niya bakit parin siya galit? "S-sino po ba kayo?" Sinigurado ko na hindi opensibo ang sinabi ko. "Christina." Maikli na sabi nito. Napakurap ako. Christina, siya ang may-ari ng  pangalan na ayaw  na marinig ni Chad. "His girl... ex-girlfriend." Paglilinaw nito. Nako Chad, kailangan kita ngayon din. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Are you his w***e?" Alam ko na iyon ako pero paano niya nalaman? "Don't worry, hindi siya ang nag sabi sa akin. His friends did." Sila Erone? Bakit nila sinabi? Akala ko ba kaibigan nila si Chad,bakit naman niya sasabihin kay Christina...teka. bumaba ang nga mata ko sa tiyan ni Christina. Kung hindi ako nagkakamali sa kutob at hinala ko ay may relasyon sila ni Chad. Ibig sabihin ba nito ay si Chad ang ama ng sinapupunan niya? "K-kung gusto mo po kausapin si Chad na sa opisina po siya o hindi po kaya ay tawagan niyo po." Wala akong nagawa, hindi ko alam ang sasabihin ko. "The problem is he doesn't answer my calls." Inis na sagot nito. Dinukot ko ang phone ko sa shorts ko. "Tatawagan ko po siya baka sakaling sumagot." Inikutan niya lang ako ng mata. Hinanap ko sa contacts ko si Chad at tinawagan ko. Isang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko. "Yes cutie?"   Masigla na pagbati niya. Nakaramdam ako ng pagkahiya at alam ko na umunit ang pisngi ko. Napasulyap ako kay Christina, nairita ito sa nakita niyang reaksyon ng mukha ko. Baka inisip niya na pabebe ako. "Chad, may naghahanap sa iyo dito. Pwede ka bang umuwi na dito?" Hiling ko. "If you say so, I couldn't wait to eat you- the food that you cooked pala. My bad." Narinig ko ang paghalakhak nito. Hay nako, si Chad nga naman. "Sino ba yan?" "Christina daw." Mabilis akong tumingin kay Christina. Namuno ang pananahimik ni Chad sa kabilang linya, tanging paghinga lamang nito ang naririnig ko. "Tell her that meet me at the lobby." At tinapos na niya ang tawag. "Pinapasabi po niya na magkita daw po kayo sa lobby." Walang kahit anong reaksyon ay tinalikuran niya ako kaagad. Alam ko na may galit siya sa akin at naiintindihan ko ito. Sinara ko ang pinto saktong nag ring ang phone ko. Lumabas ang pangalan ni Chad. "Hello? Kakaalis lang niya. May ihahabol-" hindi niya ako pinatapos dahil nagsalita siya. "I will be late okay? But that's not mean I will not eat you- I mean the food." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya na may halong pang-aasar. "Chad naman. Sige na." Nahihiyang saad ko. "Christina, she's my ex and if you are thinking that I am the father of the kid that she's baring, I am nowhere near to that. Hmm? " Hindi ko alam kung anong interpretasyon ko sa kung paano siya magsalita pero walang halong inis, galit, pagkalamit ang boses niya. Malumanay ito sa totoo lang. Bakit? Bakit Chad? Bakit ansaya ko at naging panatag ang loob ko na hindi ikaw ang ama ng bata sa tiyan niya? "B-bakit mo saakin sinasabi?" Bulong ko. Kaibigan ka lang. Kaibigan mo ako. Kaibigan kita. Magkaibigan kami, ano ba itong nararamdaman ko sa kalamnan ko na parang kinikiliti ako. "Nothing, just want you to catch up on what's happening." Sagot nito. "Bye." Napalagat ako ng ibabang labi at kusang tinapat ko ang kamay ko sa aking dibdib. Sobrang bilis nito parang lalabas na sa ribcage ko. Ayaw ko mangyari iyon, baka mamatay ako. Minabuti ko na aliwin ang sarili ko. Nanood na lang ako ng teleserye habang hinihintay si Chad. Dalawang oras ang nakakalipas ay bumukas ang pinto. Napaupo ako ng tuwid at lumingon sa direksyon ng pintuan. Si Chad ito na parang wala sa sarili. Naglalakad ito ng mabagal at sa lapag nakatingin. Hindi niya ako napansin o hindi niya ako pinansin? Dirediretso lamang ito sa kwarto nito. Hindi nga nito sinara ang pintuan ng bahay niya. Tumayo ako at sinara ang pinto ng bahay niya at sinundan siya. Naabutan ko siya naka upo sa higaan, nakapatong amg dalawang siko sa magkabilang tuhod niya habang magkadikit ang mga dailiri. Ang mga mata niya ay nakatitig sa lapag. Madilim ang kwarto niya ngunit naiilawan ito at siya ng ilaw galing sa labas kung na saan ako. "Kamusta?" Pumasok ako at tumbi sa kaniya. "I don't know." Malungkot na sabi nito. "I don't know anymore how am I? How do I feel? What do I feel? What suppose shall I feel." Dagdag nito. Nanatili akong tahimik. "Kumain ka na Deanne." Tumingin ito sa akin. "Tara sabay tayo?" Binigyan ko siya ng ngiti. Umiling ito, napakunot ang noo ko. "No. You eat alone and leave after." Unti-unting nawala ang kunot ng noo ko. Nanlamig ako. Umiwas ito ng tingin. "Don't comeback tomorrow, the next day. Don't ever comeback." Bakas sa boses niya ang kalungkutan. Parang may bala na tumagos sa puso ko. Nalungkot ako at nasaktan sa inuutos niya sa akin pero hindi ko hinayaan na kainin ako nito. Hindi ako nag salita. Hindi ako lumingon. Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto niya, nilagpasan ang malamig na ulam na hinanda ko, at lumabas sa tinitirahan niya. Lumabas ako ng walang luha ngunit mabigat ang balikat at nanghihina ang mga tuhod. Lumabas ako sa building ng condominium. Alam ko sa oras na tumapak ako sa labas ng building niya hindi na ako pwede bumalik... hindi na ako babalik. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD