Hindi ako nakapasok sa unang subject namin dahil nga sa pagiging haliparot ko. Hinatid ako dito ni Chad at nakita ko naman ang mga iba't ibang kahulugan ng mga titig sa akin paglabas ko sa magarang kotse. Hindi ko na lang sila pinansin. Heto ako, kasalukuyang hinihintay si Sherlie na natatangi ko na close. Na sa canteen ako naka upo sa two seats table. Second semester na pero siya parin ang tanging kasama ko. Nakikipag usap naman ako sa iba kaso puro related sa school lang. Nahihiya kasi ako, hindi ko alam pero kay Sherlie magaan ang loob ko.
Kamusta na kaya si Nanay? Nag text ako kanina kay Aling Esa, hanggang ngayon hindi pa ako nakaka tanggap ng reply. Pero kanina ko lang kasi siya tineks.
"Ate!" Luminga-linga ako para hanapin kung saang direksyon nagmula ang boses no Sherlie. Na sa kanan ko siya at nagmamadaling naglakad patungo sa akin. Napansin ko ang ngiti niya na may kakaibang kahulugan.
"Ate." Malamnbing niyang sabi at tumabi sa akin habang niyakap ang braso ko. Nag beautiful eyes ito.
"Balita ko may boypren ka ng yayamanin ah. Uy may lovelife na siya." Panunukso nito habang sinusundot ang tagiliran ko kaya napapabalikwas ako.
"Uy ano ba." Pinalo ko ang daliri niya. Umupo siya ng tuwid. "Iyong may-ari ng kotse na 'yon hindi ko boypren. Wala akong boypren!" Depensa ko.
"Sause ng pekpek, doon din naman patungo iyon. Siya na ang maglalagay ng icing sa cupcake mo." Namilog ang mga mata ko dahil sa mga terminolphiya na ginagamit niya.
"Huy ito, bibig talaga nito."
"Oh ano meron sa bibig ko, may bulbol ng jowa ko?" Mataray na pagbibiro nito. Nalukot ang mukha ko sa pandidiri. Napaka ano talaga ng lumabas sa bibig niya pero mas okay na iyon para hindi ako mukhang tanga. Ito ang gusto ko sa kaniya.
"Luh, pa-virgin gagawin mo rin ang..." pinabilog nito ang kamay at umakto na parang may pinapasok at nilalabas sa kaniyang bibig. "Para mapasaya siya."
Napakunot ang noo ko dahil naguguluhan ako sa ginagawa niya.
"Ano 'yan? Mukha kang unggoy." Kumento ko. Naging straight face ito.
"Niloloko mo ba ako? Edi BJ, blowjob. Oh alam ko na alam mo iyon, kinwento ko na sa iyo kung paano iyon diba?" Pagpapaalala nito.
Halos malaglag ako sa kinauupuan at namula ang mukha. Balang araw? Nagawa ko nga kanina iyang inakto niya. Kung alam mo lang, hindi ako ang iniisip mo Sherlie. Maniwala ka, lahat ng mga sinasabi mo ay na-a-apply ko na.
"Ikaw talaga." Ninenerbyos akong tumawa at tinusok ang tiyan niya.
"Oh bakit?" Bigla naman kasi itong natahimik at napa simangot. Hinawakan nito ang likod ng palad ko at tumingin sa akin.
"Ililipat na ako ng parents ko ate." Bulong niya. Ngayon alam ko na kung bakit ito malungkot. Parehas na kaming nabalutan ng depressing atmosphere.
Hindi kami parehas ni Sherlie. Salat siya sa yaman kahit na sa public school siya. Kaya lang naman siya andito dahil andito ang crush niya. Sabhin na natin si Sherlie ay naliligaw pa ng landas, hindi siya droga girl. Hindi lang niya alam kung ano ang gusto niya sa buhay kaya ang sinusundan niya ay ang 'taong' gusto niya pero iyon na iyon, hindi dahil para sa kinabukasan niya. Sa totoo lang naiingit ako sa kaniya, may pera ito pero hindi pa malinaw ang daan na tatahakin. Habang ako,malinaw na malinaw.
Malinaw na wala na akong ikauunlad, ang tanging kaya ko lang ay ang mag survive ngunit hanggang doon na lang iyon. Ang pag-asa na lang talaga ng pamilya ko ay si Joshua pero paano iyon mangyayari kung sarili niyang ina hinihila siya pababa sa murang edad pa lamang. Imbis na pinapalaki niya ito ay pinapahamak lamang niya. Alam ko na ina ko siya ngunit hindi kaya ng sikmura ko ang ginagawa niyang pagmamaltrato sa kapatid ko, matuto muna siyang ituwid ang sariling moralidad.
"Ano ka ba..." niyakap ko ito at hinimas ang braso. "Lahat ng ginagawa ng iyong magulang sa iyo ay para sa kinabukasan mo. Atsaka kung ako lang din ang magulang mo hindi kita papayagang mag-aral dahil lang sa dahilan mo na ito ang kurso at nandito ang crush mo." Saad ko.
Natahimik ito, bumagsak ang mga balikat ko at napabuntong hininga ako. Dapat nga nag-aaral siya sa pribadong eskwelahan, dapat pre-med o kaya engineering or architecture ang kinuha niya tutal may pera naman sila. Alam ko na hindi maganda ang opinion ko sa buhay pero para sa akin, ang magandang kinabukasan ay pinagkakagastusan. Sabi rin ito ng isang Pilosopo, dapat pinagkakagastusan ng sobra ang edukasyon.
"Wala rito ang kinabukasan mo. Gamitin mo iyang pera niyo sa pag-aaral mo." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Pero hindi ko pa alam kung anong gusto ko sa bahay." Marahan akong tumawa. Tumingin ako sa kaniya.
"Diba magaling ka mag drawing? Pwede ka namang kumuha ng course na puro drawing ah! Cheer up." Humaba naman ang nguso nito.
"Sige na nga sasabihin ko na lang kila mama." Sagot nito.
Bahagyang umalis sa isa't isa ang atensyon namin nang may isang lalaki at may kasama ito sa 'di kalayuan na mga tatlo niyang kaibigang lalaki. Parang ninenerbyos ang lalaki sa harap namin.
"Ahm... Sherlie." Kinakabahan ito, ang boses niya nanginginig. Nahihiya rin ito, nakahawak sa batok at sa iba nakatingin.
"P-wede ka bang m-makausap." Napangiti ako at tumingin kay Sherlie na naiilang.
"Ha?" Sikat si Sherlie sa mga kalalakihan dito. Paano ba naman, sobrang kinis at maputi ito para siyang marshmallow na puti. May halo kasi ito, Korean at Russian.
"Sherlie!"
Lahat ay napalingon nang may malalim at nakakatakot na boses na lalaki ang malakas na bumanggit sa pangalan ni Sherlie. Nanigas ako sa kinauupuan namin nang makita kung sino iyon. Lumakas ang t***k ng aking puso sa halong kaba at takot.
"Erone?" Napatayo si Sherlie.
Isa ito sa mga kaibigan ni Chad, isa siya sa kumakausap sa akin. Nang dumako ang mga mata niya sa akin ay bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Parehas kaming napakurap.
"Erone, ano bang ginagawa mo dito!" Sabi ni Sherlie habang naglalakad patungo sa kaniya. Bumalik kay Sherlie ang atensyon niya. "I told you don't come here!" Nanggigil na sabi nito at hinila palabas ang lalaki.
Napalunok ako nang lumingon ito para bang kinukumpirma niya kung tama ang nakikita niya. Basta may takot at kaba akong naramdaman, kinahihiya ko kasi ang trabaho ko. Kinahihiya ko. Labag sa kalooban ko ito, aminado ako.
Matapos noon ay hindi na muling bumalik pa sa next class at last class si Sherlie. Paglabas ko ng campus ay nanatili ako. 'Yung lalaki kanina ay na sa tapat ko at naka sandal ito sa kotse. Deretso sa mga mata ko ang titig niya para bang naiinis siya o nagagalit.
"Miss, we need to talk." Utos nito pero nanatili parin ako sa kinatatayuan ko at umiling. Nainis lalo ito. "You want us to talk here ah?" Hamon nito.
Namilog ang mga mata ko at tumingin sa paligid, labasan na ng mga estudyante marami ang nakatingin sa amin dahil napukaw ng lalaki nito ang atensyon nila.
Humakbang ito papalapit sa akin. Nanigas ako sa takot nang na sa tapat ko na siya at mababa ang tingin sa akin habang ako ay nakatingala sa kaniya. Ang mga asul na mata nito na nanlilisik ay parang nilalamon ang tapang na natitira sa katawan ko. Ang panga nito na nagtatagis at ang mabigat nitong paghinga. Lahat ay nakakatakot.
"Stay away from my Sherlie. Whatever you are planning I swear to God don't you dare to do it or else I will make you suffer." Madiin na sabi nito. Litong lito ko siyang tinignan.
"Anong ibig mo sabihin?" Bulong ko. Nauutal ako at buong katawan ko ay nanginginig sa takot.
"Stop acting--" hindi nito natapos ang sasabihin nang may sumingit.
"Dude, don't scare her para mo siyang kakaining buhay." Lumipat ang mata ko sa nagsalita. Si Chad na hawak ang braso ng lalaki ako nilayo ito sa akin. Pumunta sa harap ko si Chad ngunit ang nakaharap sa akin ay likod nito.
"Pagsabihan mo 'yang babae mo Chad na lumayo sa pinsan ko na si Sherlie." Hindi ko man siya makita pero ang boses nito ay malamig.
Tumaas ang dalawang kamay ni Chad kalebel ng dibdib nito.
"Woah dude, hindi ko siya babae chill ka lang. Umalis ka na bago ka pa gumawa ng eskandalo dito." Mahinahon na sabi nito. Natatawa pa nga siya na parang biro lang ang mga ito.
"Tsk, enjoy that pussy." Sabi nito na nagpainit ng pisngi ko at napahilamos ng mukha.
Tumingin ako sa paligid, mukhang hindi naman nila narinig. Nakahinga ako ng maluwag. Narinig ko na ang umaandar na kotse. Humarap sa akin si Chad, na nakapustura ng mamahalin. Naka office suit ito. Nakakunot na ang noo nito at naguguluhang nakatingin sa akin.
"What's the deal with that guy? Kay Erone? Paano mo siya nakilala?" Halos bumaba sa paa ko lahat ng dugo ko.
"H-huh?"
Sumulyap ito sa mga taong nakapaligid sa amin. Bumalik sa akin ang tingin niya at hinawakan ang wrist ko. Hinila ako nito patungo sa magara niyang kotse. Nakayuko lang ako dahil naiilang at nahihiya ako sa mga titig na natatanggap ko sa mga estudyante na 'curious'.
Ini-start nito ang kotse at umandar na.
"Paano mo nakilala si Erone at si Sherlie?" Kalmado ang boses nito pero parang may tono na gustong gusto niya malaman ang sagot.
"Si Sherlie ano... kaklase ko siya." Sagot ko. "At si Erone..." sumulyap ako sa kaniya nahuli ko siyang sumusulyap din sa akin. "Ano..."
Ano ang pwede ko na alibi? Hindi ko naman pwedeng sabihin na nirentahan nila ako para bigyan siya ng serbisyo. Anong sasabihin ko?
"Naging costumer mo?" Agad akong tumingin sa kaniya at marahas na umiling.
"Hindi, hindi ko siya naging costumer." Sagot ko.
"Ah..." ito na lamang ang sinabi nito. "Good, it's disgusting to think that we f**k the same hole." Nag chuckle ito. Uminit na naman ang pisngi ko.
"Pero 'di nga, paano mo siya nakilala?"
Bahala na.
"Ah, ano kasi doba nung gabi tayong unang nagkita umalis ako? Bumalik kasi ako noon at naabutan ko siya. Nagkita lang kami pero hindi nag-usap." Sabi ko. Napasulyap ito na parang gulat.
"Bumalik ka? Sayang umalis na rin ako kasi umalis ka na, iniwan ko mga kasama ko." Parang nanghihinayang ito. "Teka,why did you rush out?"
Napatikom ang bibig ko at mukhang napansin nito ang pananahimik ko.
"It seems like personal na masyado. Sige you don't have to say it." Sabi nito.
"Salamat." Sabi ko na lang. Naalala ko si Joshua na muntikan ko ng makalimitan.
"Ano..."
"You can call me Chad." Ngumiti ito sa akin.
"Ahm, Chad. Pwede ba na sunduin natin ang kapatid ko?" Nahihiya ako.
"Sure." Masigla na sabi nito.
Medyo namroblema ako. Hanggang ngayon wala pa kaming tirahan, kailangan ngayon mismo makaalis na kami ni Joshua sa tinitirahan ni Chad. Hindi pwede na maging dalawang araw ang pananatili namin doon. Hindi ako komportable.
"Chad,pwede ba na tulungan mo ako makahanap ng matitirahan? Hindi naman pwede na sa iyo kami manuluyan." Sabi ko na may halong kapal ng mukha. Ngumiti ito at tumango.
"Sure." Mahaba nitong sabi.