"Anak..." hindi ko kinibo ang nanay ko na mahinang binanggit ang aking pangalan. Patuloy parin ako sa pag i-impake.
"Anak huwag mo naman gawin sa akin ito..." pag mamakaawa niya at tumayo sa tabi ko. "Anak-"
"Tama na!" Napatingin ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng boses. "Pakod na ako Nay, pagod na ako na intindihin ka!" Singhal ko. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkabigla pero hindi ko ito pinansin. Bumalik ako sa ginagawa ko. Patuloy ko lang iniimpake ang gamit ko.
"Hindi mo dapat siya kinakampihan." Bulong nito.
Hindi na lang ako nagsalita dahil napapagod na ako. Ilang beses ko ba ipapaalala sa kaniya na kailangan niyang tratuhin ng tama si Joshua. E hindi na nga dapat pinapaalala ang ganiyang bagay dahil isa siyang ina ng dalawang anak- ako at si Joshua.
Napauwi ako kaagad dahil sa natanggap ko na tawag mula sa kapit bahay namin. Nakakarinig na naman ng sigaw mula sa bahay namin at iyak. Sinusubukan nilang pumasok pero parang wala daw naririnig si nanay. May susi ako kaya ako nakapasok pero nagulat ako sa aking nasaksihan.
Basang basa si Joshua at nasa lapag habang umiiyak. Si nanay ay may hawak na takuri at naabutan ko ang senaryo kung saan binato niya ng takuri si Joshua na napadaing sa sakit. Noong lumapit ako sa kapatid ko ay napagtanto ko na mainit ang tubig. Agad kong dinala si Joshua sa ospital.
Nang tanungin nila ang nangyari at pinagtakpan ko si Nanay kahit na masakit sa kalooban. Baka makulong ang nanay ko.
"Aalis na ako." Tumayo ako at binuhat ang apat na bag. Tatlo saakin at isa ay mga damit ni Joshua. Lumabas ako ng kwarto at sinundan ako ni Nanay.
"Anak paano ako?" Naririnig ko ang basag na boses ni Nanay pero wala akong naramdaman na awa.
Lumingon ako. "Paano ang bata kong kapatid?" Malamig na balik tanong ko sa kaniya.
"E-edi paampon natin siya p-para hindi ko na siya masaktan..." nahihibang na suhistyon niya.
"Ang kitid ng utak mo." Nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya.
"Walang utang na loob, paano mo nagagawang pag salitaan ng ganiyan ang sarili mong ina?!" Bulyaw nito. Nag dikit ang mga kilay ko.
"Paano mo nagagawa ito sa sarili mong anak?" Dumilim ang kaniyang mukha.
"Hindi ko siya anak."
Ayaw ko na.
Umiling ako. "Una sa lahat may utang na loob ako kaya nga ako nag sasakripisyo para sa iyo. Pero nay, nakakasuka na nakakapagod na, may moral ka pa ba? Bata lang si Joshua." Hindi nag bago ang ekspresyon niya. Wala na talaga akong magagawa.
"Bahala ka sa buhay mo." Iniwan ko siya at lumabas ng bahay.
Nakita ko si Aling Esa na malungkot at nag-aalalang nakaabang saakin.
"Aling Esa, kayo na lang po muna bahala kay Nanay. Lahat ng gastusin i-text niyo saakin babayaran ko." Pasuyo ko sa kaniya.
"Babalikan mo pa ba siya hija?" Tumango ako.
"Imposibleng hindi Aling Esa, nanay ko iyan e, kaso kailangan niyang mag tanda. Kung gusto niya akong bumalik tratuhin niya ng tama ang sarili niyang anak."
* * *
Sabi ng doktor ay walang degree burn ang kapatid ko namula lamang ito dahil medyo may kainitan ang tubig pero suspeksyon nila ay hindi daw bagong pakulo ang tubig. Kung baga warm ang tubig. Naiirita lamang ang balat ng kapatid ko kaya namumula ito ngunit nagkaroon ng pasa ang kapatid ko sa braso nito ngunit hindi naman ito kailangan ng medisina para gumaling.
Maayos ang kapatid ko masya ako doon pero kung ano ano ng mga senaryo ang nalilikha ng utak ko. Mas malalang senaryo na pinapakaba ako.
Na sa waiting shade kami nakaupo at hindi alam kung saan patungo ngunit walang marka ng bagsisi sa akin.
Tumingin ako sa walang imik ko na kapatid na akbay ko. Hanggang ngayon ay akap parin niya ang sarili habang tahimik at malalim ang iniisip.
"Nagugutom ka ba?" Malambing na tanong ko. Tumingala sa akin ang kapatid ko. Napagmasdan ko ang namumugto nitong mga mata at labing nanginginig.
Parang may pumisil sa aking puso. Hindi ko napigilang lumuha.
"Ate bakit ka umiiyak hindi naman ikaw ang inaway ni Nanay." Pinunasan niya ang mga luha sa aking mga pisngi. Umiling ako at pinilit na ngumiti.
"Ikaw talaga." Hinalikan ko ang noo niya at pinigilang lumuha. Napag-alala ko ata siya.
"Ate umaambon." May bumabagsak sa bubong ng kinauupuan namin. Tumingin ako sa makulimlim na kalsada. Unti-unti ng lumalakas ang pagbagsak ng tubig mula sa kalangitan.
Napaka dramatic naman nito.
"Minamalas ka mga naman,wala pa naman tayong payong. Hindi pa tayo nakakain mag hahapunan na." Sadd ko. Siguro mga 6 na ata, kakalubog lamang ng araw. Baka nagugutom na ang kapatid ko.
Ilang minuto lumipas mula ng bumagsak ang malakas na ulan ay sumunod na ang malakas na hangin. Nag hintay kami na lumipas ito, ilang mga behikolo na ang dumaan pero lalo lamang lumakas na ikinabahala ko.
"Ate anlamig." Yakap ni Joshua ang sarili. Nangangatog ito sa lamig, tanging tisert at basketball shorts ang suot nito. Ako naman ay ang suot ko kaninag umaga, tshirt din at pantalon.
Nagkalkal agad ako ng gamit at inilabas ang nag-iisang jacket ni Joshua. Ipinasuot ko ito sa kaniya.
"Ay..." nagulat kami ng kapatid ko na may matingkad na dilaw na kotse ang tumigil sa tapat namin.
Baka mag tatanong ng daan ito. Bumaba ang bintana nito ngunit hindi ako naniwala sa sarili kong mga mata nang makita ko kung sino ang tao sa loob ng sasakyan.
"Hop in." Malakas na sabi nito upang matalo ang maingay na ulan at hangin. Ako naman ay natuod dahil hindi ako makapaniwala.
Siniko ako ng kapatid ko kaya naman naputol ang pagtanga ko.
"Ate kilala ka ba niya? Anong hop in?" Tanong nito. Napalunok ako.
Bakit ko ba siya nakikita? Naiirita na ako ayaw ko nakikita ako ng nakikita ako ng kliyente kahit pa dalawa lang naman sila naging kliyente ko. Nakakaramdam ako ng hiya.
"A-ano hindi ko siya kilala." Sagot ko sa kaniya.
"Miss,hop in!" Tinawag muli ang aking pansin ng lalaki na kanina kong nakasaluhan sa malambot na kama.
"Ate miss daw, hindi ako iyon mister ako lalaki ako eh." Napakamot ako sa ulo. Padabog akong tumayo at kinuha ang mga gamit.
"Joshua isuot mo ang hood mo." Utos ko at agad niyang ginawa. "Pag bilang ko ng tatlo tatakbo tayo papunta doon." Ngumuso ako upang ituro ang kotse. Saktong bumukas ito.
"One... two... three!" Sinugod namin ang ulan at mabilis na tumakbo. Unang pumasok si Joshua na medyo nahirapan dahil may kalakihan ang kotse. Ako naman ang sunod na nagpasikip sa kotse dahil sa dala kong gamit.
"I'll take this." Kinuha nito isa isa ang bag namin at itinapon sa likod.
"Hey kiddo, do you mind if you sit at the bag?" Turo nito sa upuan sa likod kung nasaan din ang mga bag namin. Lumingon sa akin ang kapatid ko na nasa pagitan ng aking mga hita.
May lito sa kaniyang mukha. Hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi ng binata.
"Upo ka daw sa likod okay lang?" Sumilip ito sa likuran ko at bumalik ang tingin saakin. Tumango ito.
Tumjngin siya sa lalaki. "Opo." Sagot nito. Maikli at mahina itong tumawa.
"Okay kid." Binuhat niya ang kapatid ko. Pinihit niya ang katawan upang lumingon at inilapag doon ang kapatid ko.
"Wear your seatbelt." Turo nito sa gilid ko. Kinuha ko ito at pinahaba at ikinabit.
Nag simula ng umandar ang kotse. Tahimik ang namuno sa loob ng kotse.
"Your son?" Pagbabasag ng katahimikan nito.
"Hindi, bunso ko na kapatid." Sagot ko.
"Ah." Yoon na lamang ang lumabas sa kaniyang bibig.
"Bakit andami niyong dalang bags, are you moving?" Ano bang pakialam nito? Gusto ko sana siyang tanungin pero baka masaktan siyakaya hindi ko na lang sinabi.
"Nilayas namin ang nanay namin at huwag ka ng mag 'why' kasi mahabang istorya at personal iyon." Inunahan ko na siya.
Nakapa ata niya na hindi ko gustong makipag-usap dahil tumigil na siya sa pagtatanong.
Buong byahe ay nanatili akong tahimik at hindi iniisip kung saan kami patungo.