Maaga pa lang ay bumiyahe na kami pauwe sa bahay ng mga magulang ko. dahil sa kinakabahan ako ay napahinga ako ng malalim. " kinakabahan ka pa rin ba? " tanong ng asawa ko. " oo eh! medyo. nahihiya din kase ako kina tatay nagpakasal tayo ng hindi man lang muna natin ipinaalam sa kanila, parang hindi natin sila nirespeto" pagtatapat ko sa kanya. hinawakan nya ang kamay ko at pinisil. pagkarating namin ay naabutan namin sina nanay at tatay na nanonood ng tv at wala raw si Kate dahil nasa school pa.agad akong nag mano sa mga magulang ko." mano po tay, nay " at nag mano din si marvin sa kanila." hindi nyo man lang sinabi na ngayon na ang dating nyo para naman nakapagluto ako " sabi ni nanay " kumusta ang byahe nyo, nag enjoy ba kayo sa batangas? " tanong ni tatay. at nagtinginan kami ni Marv

