" Bru, sure ka na dito ka na muna talaga kina tita wena? kailangan ko na bumalik sa pasig. alam mo naman di ba! balik pabrika na kailangan natin kumayod." wika ni julie dahil babalik na sya sa kanila at nag desisyon ako na maiwan dito sa Quezon " Oo naman sigurado ako bru, pangako magiging ok lang ako rito, mabait naman sina tita wena mo at si girly. " sabi ko " wag ka nang mag alala julie, kami na bahala kay candice dito. kapag may nangyare babalitaan ka namin agad." sabi naman ni tita wena " oo nga naman ate julie mabuti nga may makakasama kami rito ni mama, kase naman minsan nakakaboring kasama si mama sa bahay laging tahimik." sabi naman ng pinsan nyang si girly at tumawa pa " basta bru kapag ready ka ng bumalik magsabi ka lang ha susunduin kita, o siya sige na mag iingat kayo rit

