Pagpasok ko sa loob ng pabrika ay nakita kong nag uusap na ang tatlong bruha kong kaibigan at ng mapansin nila ako ay ngitian naman nila ako at sabay-sabay pang kumaway na ikinatuwa ko paglapit sa kanila.
"Malapit ka na namang ma late bruha, limang minuto na lang magsisimula na ang trabaho natin tapos ngayon ka lang dumating. Napapadalas na yan, sigurado ako napuyat ka na naman sa panonood mo ng teleserye noh?" sita sa akin ng kaibigan kong si Julie.
"Alam mo na naman pala eh! bakit nagtatanong ka pa?" nakangiti kong sabi sabay irap naman sa kanya.
"Ang sarcastic mo talaga Candice, kahit kailan." na puna naman ni Donna sa akin.
"Kayo naman di pa kayo nasanay sa kasungitan ng babaeng 'to." pagtatanggol sa akin ni Rizza na umabrisyete pa sa braso ko at ikinaapir naming dalawa sabay hagikhik.
"Nagkampihan ang dalawang pasaway!" saad ni Julie.
Sila lang naman ang mga kaibigan ko dito sa garment factory na pinagtatrabahuhan namin. Pare-pareho kaming mananahi ng mga damit na ini-import pa sa ibang bansa.
First year college lang ang natapos ko sa kursong Educational, gusto ko kase sanang maging guro. Pero na stop ako sa pag aaral ng magkasakit si nanay at kailangan maoperahan.
Malaking halaga ang kinailangan sa pagpapagamot sa ina ko, kaya naman di na ko nakabalik pa sa kolehiyo. Nag aral na lang ako sa Training Center na malapit sa amin at pananahi ang skilled ko, kaya ito dakilang mananahi ako ngayon dito sa pabrika. Hindi na rin naman masama at maayos naman ang buhay namin. Nakakatulong ako sa pag aaral ng kapatid kong si Kate na malapit ng mag graduate sa kursong Accountancy.
"Tara na sa mga pwesto natin at baka umusok na naman ang bumbunan ng terror nating supervisor na ka apo- apuhan pa ata ni Gabriela Silang. Aakalain mong nagmemenopause na kung mag sungit." litanya ni Donna.
"Maganda naman, sobrang taray nga lang kaya walang maglakas loob na manligaw sa kanya eh, kahit may asim pa! Sayang ang ganda niya." dugtong pa ni Julie na ikinahampas ko sa balikat niya at sinamaan ako ng tingin na binalewala ko lang kase papalapit na sa amin si Ms. Dimaano ang supervisor sa Department namin.
Tumunog na ang bell hudyat na oras na naming magsimula sa trabaho.
Lunch break at sabay-sabay kaming nagpunta ng canteen ng mga kaibigan ko. Si Donna at Rizza ang pumila sa counter at kami naman ni Julie ang naghanap ng mapupwestuhan upang doon kumain. Ganito ang madalas na routine namin magkakaibigan kapag magkakasama kami sa pabrika man o sa galaan.
"Food ninyo mga reyna." nang iabot ni Donna ang dala-dala niyang tray na puno ng pagkain.
"Thank you bruha, ang bait mo talaga!" sabi ko sa himig namang mapang asar.
"Mga bruhilda, nabalitaan n'yo na ba na magkakaroon ng temporary stop operation ang pabrika kase marami raw aayusin na makina at ang gusto raw ng bagong may ari ay iparenovate ang buong garment factory?" pagpapabatid ng balita sa amin ni Julie.
"Ay oo narinig ko nga yan kanina sa pila na pinag uusapan nga nila yan." singit namang sabad ni Donna.
"Tsismosa ka talaga, napaghahalataan ka na naman ah! Kaya siguro ang tagal mo sa pila." turan ko na ikinaawang ng bibig niya na bigla namang sinalpakan ni Rizza ng tissue na sinamaan niya ito ng tingin.
"Ano ba, bakit ba? Para ka na naman sinasapian Rizza, nananakit ka na naman. Uminom ka ba ng gamot mo kanina, hindi siguro kase sinasaltik ka na namang babae ka?!" asik ni Donna kay Rizza na tinawanan lang namin dahil napikon na naman siya kay Rizza.
"Para hindi ka na makapag ingay, Ang ingay mo kase eh, nakakahiya sa kabilang mesa oh! Tignan mo pinagtitinginan tuloy tayo ngayon. Wag ka nang maingay." palusot na ani ni Rizza sa kanya. na ikinangiti namin ni Julie sa bangayan ng dalawa.
"Sumeryoso na tayo mga bruhilda pwede ba? Nagsisimula na naman kayong dalawa sa asaran ninyo eh!" si Julie na naiinis na rin ata sa mga kasama namin.
"Balik tayo sa topic." na ikinabehave na namin dahil kilala namin si Julie na mahilig mag walk out kapag naiinis. Mahirap pa naman kapag siya ang nagtampo matagal ka niyang hindi papansinin.
"Magkakatanggalan ba raw?" tanong kong sumeryoso na.
"Ang sabi depende sa trabahador kung mag re-resign para makahanap ng ibang mapapasukan o magwilling to wait daw." sagot naman ni Julie.
"So, anong desisyon ninyo? kase kung ako ang tatanungin maghihintay na lang ako. Wala naman silang balak na tanggalin tayo sa work at makakapagpahinga na rin tayo di ba! tutal naman ilang weeks lang ay back to normal na rin ang operation. At'saka maganda naman ang pamamalakad ng kumpanya, minimum na rin ang pasahod sa atin. Hindi tulad sa ibang garment factory, provincial rate pa rin o kaya naman ay pakyawan. Higit sa lahat malapit lang ang pabrika na ito sa atin kaya hindi ako madalas late, muntik-muntikan lang naman." mahaba kong litanya sa kanila.
"Tama nga naman, kase kung maghahanap ka ng bagong mapapasukan na minimum ang sahod ay mapapalayo ka at sigurado ng late ka palagi di ba Candice?" pang- uuyam ni Donna na tinawanan ko lang.
"Eh kayo ba, anong gusto n'yo? sa panahon ngayon think before you click, meaning pag isipan mo na munang mabuti na ng sa ganoon ay hindi ka magsisi sa bandang huli." saad ko na wala naman ni isa sa kanilang tatlo ang nagreact.
Napagkasunduan naming apat na maghihintay na lang kami kaysa maghanap ng bagong mapapasukang trabaho.
"May naisip ako," masiglang sambit ni Rizza habang kumakain kami.
"Ano naman kaya yan aber?" curious kong tanong.
"Bakit di tayo magplano ng bakasyon, habang naghihitay tayo na magbalik operation ang pabrika? Deserve naman na natin siguro ang makapamasyal at magliwaliw sa dagat kahit na ilang araw lang. Pagkakataon na natin ito mga bruha, di ba?!" suhestiyon niya.
"Kung sabagay may point ka diyan sa naisip mo, maganda nga yan makakapagbakasyon tayo na magkakasama. Ang tanong saan naman kaya?" pagsang-ayon naman agad ni Julie.
"Game ako diyan sige-sige sasama ako. Bakit di na lang tayo kina Rizza sa Batangas magbakasyon?" wika naman ni Donna.
"Sige, dun na nga lang tayo mag stay kina lola para free lodging na tayo at free food na rin di ba. Makakatipid tayong lahat." sang ayon ni Rizza sa sinabi ni Donna na galak na galak pa sa kanyang isinaad.
"Oo nga noh! tama dun na nga lang tayo." nagagalak na pag sang ayon na rin ni Julie.
"Sasama ka ba sa amin, Candice?" tanong ni Rizza sa akin.
"Of course, kasama ako noh! Alangan naman na kayo lang ang magtampisaw sa dagat at ako ay mabuburyong lang sa bahay namin hindi pwede yon!" Ang sabi ko at tuwang-tuwa kaming nag apirang apat sa planong napag usapan namin.
Balik trabaho na uli ng matapos ang lunch break.
Nang pumatak na ang alas sais ng hapon ay uwian na namin, pero nag aya naman si Julie na kumain na muna kami ng Goto sa paborito naming gotohan na malapit lang naman din sa pabrika.
Nang sa pagtawid namin ay muntik na talaga akong mabundol ng isang puting kotse dahil naramdaman ko ang pagdikit ng hamba ng sasakyan sa tagiliran ng aking kaliwang hita at sa sobrang takot ata na aking naramdaman ay bigla na lamang akong napabagsak sa semento ng kalsada at nawalan ng malay.