MARVIN ALMEDA'S POV
After ng meeting ko with Mr. Romero at Architect Ocampo sa Taytay Rizal ay inimbitahan niya akong bisitahin na muna ang bago niyang ipinapagawang condominium na malapit lang naman raw kung saan kami nag lunch meeting para sa ipapagawa niyang mall na bagong project para sa DCEC (Dela Cerna Engineering Companies).
Pumayag na rin ako at baka sakaling magustuhan ko ang lugar ay maaari naman akong mag invest.
Plano ko rin naman noon pa na bumili ng bahay na malapit lang din naman sa manila.
Maganda ang lugar ng condominium na pagmamay ari ni Mr.Romero ang Joyous Condominium na minamanage ng anak niyang panganay na si Jerilyn Romero de Tomas na ipinakilala niya sa akin at asawa pala ni Adrian de Tomas na barkada ko nung college. Kilala ko si Jerilyn dahil sikat siya sa University na aming pinapasukan noon. Isa kase siyang varsity player ng school.
Joyous Condominium is Quite good place, Maganda ang ambience, Ang simple at ang modern ng design na nakakaattract sa mga gustong manirahan sa condo at may maayos na facilities na malapit lang sa mga establishment na madalas puntahan ng mga tao.
Pagkatapos namin mag libot sa buong condo ay nag paalam na akong kailangan ko ng bumalik ng opisina dahil may mga kailangan pa kong tapusing papeles na pipirmahan. Dahil kailangan na raw sa Accounting Department at urgent na.
Nung isang araw pa kase yon pinapapirmahan sa akin ni Sandra na nakalimutan ko namang gawin dahil may mga naunang paper works at biglaang meeting na sunod sunod nitong mga nagdaang araw. At nang malapit na ko sa Cainta ay tumawag ang sekretarya kong si Ms. Pereira
"Hello, sir Marvin." bungad niya ng sagutin ko ang call.
"Yes Sandra, What is it?" tanong ko sa kanya dahil para siyang naiinis habang kinakausap ako.
"Umm..sir, kase po nandito si Ms. Dela Torre sinabi ko naman pong nasa meeting ka pa sa labas with Mr. Ocampo sa Taytay para sa viewing ng site na bagong project ninyo. Nangungulit na naman, maghihintay na lang po raw siya dito sa opisina n'yo, kahit na sinabi ko na hindi ko alam what time kayong makakabalik. Hindi n'yo raw kase sinasagot ang mga tawag niya pati raw po mga message niya iniignore n'yo lang, kaya naman maghihintay na lang daw siya sa loob ng opisina nyo hanggang sa dumating kayo." pahayag pa ng secretary ko.
Napamassage ako ng batok ko dahil sa mahabang lintanya ng secretary kong si Sandra. Halatang hindi talaga niya gusto si Jen.
Jenylyn Dela Torre is a daughter of Mr. Frederick Dela Torre one of the board members in Dela Cerna Engineering Companies na pinag trarabahuhan ko bilang Engineer at CFO na pagmamay ari naman ng pamilya ng bestfriend kong si Arnel Dela Cerna na CEO ng kumpanya.
She is my f*ck buddies in bed for almost a year, pretty, sexy, sophisticated and liberated, a modern type of a woman. We did a nasty thing to pleasure each other but no string attached.
"Sir Marvin, hello po, sir, are you still on the line, naririnig n'yo po ba ako? " dinig kong paulit ulit na pag hello ni sandra
"Yes, narinig ko sandra." seryoso kong sambit ng mahimigan kong para siyang nagtatakang di maware dahil sa hindi ko pagsagot agad sa sinabi niya.
"Let her do what she wants to do. and please tell her im on my way Ms. Pereira." dugtong ko pa.
"Okay sir, noted!" dinig ko pang sagot ni sandra sa kabilang linya at ini off ko na ang cellphone ko.
"Mapapalaban pa ata ako mamaya nito kay Jen." Sabi ko pa sa sarili ko.
Nang bigla akong napapreno dahil muntik na kong makasagasa ng may mga babaeng tumawid sa daan na tinutumbok ng aking sasakyan.
Napansin kong bigla na lamang bumagsak ang isa sa kanila kaya naman dali dali akong lumabas ng kotse at hindi na nagdalawang isip na buhatin ang babae at isinakay sa sasakyan ko na ikinasunod ng pasok din nung mga kasama niya na hinayaan ko na lamang.
Mabilis ko namang pinaandar na ang sasakyan ko. habang sa likuran ko ay hindi naman magkamayaw ang mga kasama ng babaeng nahimatay at naririnig ko pa ang pag aalala sa kaibigan siguro nila na pilit naman ginigising.
"Bru, gumising ka!" ang sabi nung isa na tinatapik tapik pa ata ang pisngi ng tinawag nilang bru.
May nadaanan akong clinic kaya naman doon ko na lamang sila dinala. Binuhat kong muli ang babae upang maipasok sa klinika na ikinasunod naman din ng mga kasama niya.
dinaluhan naman agad kami ng mga nurse at iniutos sa akin na ihiga siya sa isang ospital bed na malapit sa nurse station na itinuro naman ng isang nurse at pinalabas na muna ako.
Susulyapan ko na sana ang mukha ng babae dahil hindi ko naman nakita kanina nung buhat buhat ko siya dahil natatabingan ng kanyang buhok ngunit isinara na ang kurtina kaya hindi ko rin nakita.
Nakaramdam naman ako ng panghihinayang dahil may iba kase akong naramdaman nung binuhat ko siya, it's something weird or strange na pinagwalang bahala ko na lamang.
Naisipan ko na munang lumabas ng klinika upang doon na lamang maghintay sa kung ano ang magiging pagsusuri ng Doctor.
Alam kong hindi ko siya nasagi man lang pero may kung ano sa loob ko na gusto ko siyang makita o makausap. Tinulungan ko na rin naman sila kaya lulubusin ko na. Gabi na rin naman at ihahatid ko na rin sila.
Nag ring ang phone ko at nakita ko ang name ng secretary ko. napapalatak ako na nakalimutan ko na kailangan ko nga pala bumalik ng opisina at naghihintay si Jen sa'kin.
"Sir, malapit na po ba kayo?" tanong ni sandra.
"Sorry Sandra, nagkaroon lang kase nang emergency. Pero okay naman ako, don't worry and please don't tell Jen, Ms.Pereira. iwan mo na lamang ang mga papeles sa table ko at ako na ang bahala saga yan!" ang sabi ko pa at habilin sa kanya.
"Paano po si Ms. Dela Torre? nasa loob pa po siya ng opisina n'yo naghihintay!" saad niyang muli.
"Don't mind her Sandra, tatawagan ko na lamang siya." bigay imporma ko pa.
"Sir, gabi na po kase, baka pwede na po akong umuwe?" pagpapaalam niya.
"oh sure, sandra you can go home now." sagot ko na lamang.
I was about to call Jen nang mapansin ko ang isa sa mga babaeng kasama ko na nagpunta rito sa clinic.
"Sir, salamat nga po pala sa pagtulong, kung gusto nyo na pong umalis ay okay lang po, masyado na po namin kayong naaabala. Ang sabi naman po ng doktor na tumingin sa kaibigan ko ay nahimatay lang po siya mamaya maya ay magigising na po siya." ang sabi niya pagkalapit sa akin.
"Im Marvin Almeda miss." pagpapakilala ko.
"Julie Pescante, sir!" balik pagpapakilala din naman niya.
"Huwag mo na akong tawaging sir, Marvin na lang Julie. Okay lang hihintayin ko na lang kayo at ihahatid mamaya." saad ko naman.
"Sigurado ka? grabeng abala na ang nagawa namin sayo, baka may pupuntahan ka pa o gagawin, ay ayos lang naman kaming magkakaibigan, hindi mo na kailangan gawin pa yon." paniniguradong sambit niya
"Oo, sure ako. Sige na pumasok ka na uli baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo dito na lamang ako maghihintay sa inyo " sabi ko sa kanya na ikinapagkibit balikat na lang niya at umalis na para balikan ang kaibigan niya sa loob.
Ilang minuto rin ang lumipas ng balikan ako ni Julie at inaya na muna akong pumasok ng clinic dahil gising na raw ang kaibigan niya kaya naman sumunod na rin ako sa kanya.
Pagpasok namin sa loob ay naabutan pa naming nagkukwentuhan at nagtatawanan sila kaya naman hindi nila agad kami napansin na dumating.
"Hi Sir, dito po kayo maupo." alok sa akin ng kasama ni Julie ng napansin na ang presensya namin na inilingan ko ng ulo.
Humarap sakin ang babaeng nahimatay kanina dahil nakatalikod siya sa akin. Hindi ako makapaniwala nang makita ko siya at bumilis agad ang pagtibok ng puso ko.
"I i..ikaw?" bulalas niyang tanong na mababanaag din sa kanyang mga mata ang gulat sa pagkakita niya sa'kin.
"Wait, teka lang ha Candice ibig bang sabihin kilala mo siya, magkakilala kayo?" usisang tanong ng kaibigan niya na hindi niya sinagot
"Yes, She's my girlfriend." sagot kong bigla dahil ang totoo wala naman nangyare na break up sa pagitan namin noon.
"Correction, Mr. Almeda Ex girlfriend." ang sabi niya na ikinaekis pa ng braso niya at ipinakita sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot pero masaya akong nakita ko na siya.
"Sasabihin mong girlfriend mo ko, eh ang kapal naman ng mukha mo noh! after what you did to me, yan ang sasabihin mo talaga?" singhal niyang muli sa akin na narinig ata ng ibang tao na narito sa clinic kaya mga nagtinginan sa pwesto namin na nahalata rin ata niya kaya naman bigla siyang yumuko.
"Umm sir, pasensiya na po baka po pwedeng umalis na kayo." ang sabi ni Julie na halatang nag aalala para kay Candice.
"Makakaalis ka na Mr. Almeda. Okay na ko nakikita mo naman na siguro kaya maari ka ng umalis." mahinahon niya ng usal.
Pinakatitigan ko na muna siya ng matagal bago ako nagpasya na umalis na muna.
Ngayong nagkrus ng muli ang aming daan kahit na alam kong galit siya sa akin ay gagawin ko ang lahat mapatawad lang niya ko.