Maaga ako nagising hindi dahil sa maaga ang schedule ko sa OB ko kundi dahil sa morning sickness ko. Nagtoothbrush na ko at naligo na rin ako. 7 pa lang ng umaga at malamang tulog pa si Kristian. Bumaba na ko sa kusina para magluto ng agahan. Hindi ako nagluluto ng fried rice kasi iba talaga amoy nun sakin, di ko pa rin talaga kaya yung amoy nun. Hotdog,ham, bacon at toasted bread lang ang inihanda ko para sa breakfast. Dahil tulog pa si Kristian ay nauna na lang ako kumain, ano siya chiks para antayin? manigas siya diyan. Pagtapos ko kumain nag-iwan ako ng note sa may ref na maglalakad lakad muna ako para daw hindi ako mamanas sabi ni mommy kathleen. Wala pang masyadong araw kaya magandang maglakad-lakad ngayon. Buti na lang at may malapit na public park dito kaya dun na lang ako pu

