EnjoyReading Third Person's POV "Ainsley magpahinga kana." Sabi ni Crakky at pilit na nilalayo ang can ng beer na nakalahati na niya. Hindi na niya alam kung pang ilang in can beer na ang nainom niya. Masyado na silang nagkalat sa mini bar nila Crakky. "Oo bud magpahinga kana. Kagagaling mo lang sa isabela." Mahinang sabi din ni Twain. Nandito sila sa bahay nila Crakky. "Akala ko ayos na kami. May nangyari sa amin. Pero bakit magpapakasal padin siya kay Gio?" Puno ng hinanakit na turan niya. Hindi niya maintindihan si Yna. Akala niya ay sumusunod na sa gusto niya ang nangyayari sa pagitan nila ni Yna. Pakiramdam niya ay unti unti ng umaayon sa kanya ang tadhana. "Bud kausapin mo." Mahinang sabi ni Twain. "Ang gulo gulo niyong dalawa ni Yna. Hindi mo pa nga siya nakakausap dahil duon

