EnjoyReading Third Person's POV Napaupo si Ainsley bigla ng tumakbo sa kanya si Kyla. Nandito siya ngayon sa opisina niya at pinasundo niya sa secretary niya si Kyla sa school. Nagaaral na ito ngayon. Grade 1 na at matalino ito kaya lahat ng hilingin ay binibigay niya. "Kamusta ang school anak?" Tanong niya dito at hinalikan ito sa noo. "Sobrang saya daddy!" Nakangiting sabi nito kaya napangiti na din siya. Masaya siya dahil kahit papaano ay nakakalimot si Kyla. "Look daddy sobrang dami kong star!" Nakangiting sabi nito at pinakita ang mga star na tatak nito sa kanang kamay. "Very good naman pala ang prinsesa ko. Saan mo gustong kumain ng ice cream ngayon?" Tanong niya dito dahil alam niyang gustong gusto yun ng anak niya. "Hmm jan po sa harapan ng building niyo daddy masarap po ang

