EnjoyReading Yna's POV Nakatingin ako sa anak kong naglalaro sa kwarto namin ni Ainsley. Loading padin ang utak ko sa nangyayari. Pinigilan kong umiyak sa harapan ng anak ko. Hindi pwede, ito na yung kinatatakutan ko. Hindi ko alam kung ano ng sunod na gagawin ko. Ngayon buntis si Annika. Malaki ang posibilidad na kay Ainsley ang dinadala nito. Napayuko ako ng maramdaman kong namamasa masa ang gilid ng mga mata ko. Napakagat labi ako at napatingin sa pinto namin. Gusto kong bumaba para marinig ang pinaguusapan ni Ainsley at Annika. Pero natatakot akong umiyak sa harapan ni Annika at Ainsley. Makikita nanaman ni Ainsley at Annika kung gaano ako kahina pagdating sa lalaking yun. Iiwan nanaman kami ni Ainsley para kay Annika. Iiwan nanaman niya ako kasama ang anak ko na nangungulila oadi

