Kabanata 7: Picture

2096 Words
Yngrid MALAKAS AKONG NAPAUBO ng maramdaman ko ang paglabas ng napakaraming tubig na nainom ko ng mahulog ako sa pool. Ang kaninang naninikip kong dibdib na nawalan ng hangin ngayon ay naging maluwag na. Miski ang t***k ng puso ko ay bumalik na sa normal. Akala ko ay mamamatay na ako. Mabuti naman at hindi pa. May pangarap pa ako sa buhay. Naririnig ko na rin ang mga nagkakagulong boses pero mas nangingibabaw ang boses ni Señorito. Ramdam ko rin ang mahihina niyang pagtapik sa pisngi ko pero hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko dahil muli na namang bumibigat ang talukap ng mata ko. "Wake up, Yngrid. Wake up. You're safe now." 'Yun na lamang ang huli kong narinig bago nandilim ang lahat. Ramdam ko na rin ang malambot na bagay na pumalibot sa katawan ko pati na rin ang pag-angat ko.  "You're safe now." Dugo. Puro dugo ang pumapalibot sa amin ng bumagsak kami sa malamig na tubig ni Papa. Ang kanyang katawan na puro tama ng baril ngayon ay unti-unti ng hinuhugasan ng tubig na lumukob sa katawan namin.  Kahit maliit pa lang ang katawan ko ay nagpumilit akong igalaw ang mga paa at kamay ko para umangat sa tubig pero hindi ko magawa dahil sa bigat ng katawan ni Papa. Ramdam na ramdam ko na rin ang pagluwag ng yakap sa akin ni Papa hanggang sa mabitawan niya na lang ako. Dahil sa takot na mawalay sa kanya ay sinikap ko muling lumangoy palapit sa kaniya.  Pero hindi ako nagtagumpay dahil sa lakas ng agos ay unti-unti na kaming lumalayo sa isa't-isa. Pero kahit ganun ay pinilit kong abutin ang mga kamay niya na ngayon ay unti-unti na ring nawawala sa paningin ko. Unti-unti na rin akong nauubusan ng hangin dahil sa lakas ng impact ng tubig. Ang paningin ko ay unting-unti na ring nanlalabo at naramdaman ko na lamang ang malakas na pagtama ng katawan ko sa isang bato kaya tuluyan na akong napahiwalay kay Papa. Papa. “Yngrid!”  Malakas akong napasinghap ng marinig kong may sumigaw sa pangalan ko. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil bumalik na naman ang bangungot na pilit ko ng kinakalimutan. Kasabay ng pagmulat ng mga mata ko ay naramdaman ko ang malambot na kamay ng kung sino. Sa una ay malabo pa ang paningin ko hanggang sa nag-adjust ito ay si Senorito agad ang bumungad sa harap ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya at ang unti-unti nitong pag-pungay ng tuluyan ng magtama ang mata naming dalawa. Noong una ay nalilito pa ako dahil hindi ko alam kung anong nangyari. Hanggang sa mariin kong ipinikit ang mga mata ko at doon ay unti-unti ng luminaw ang lahat sa akin. Ang pagke-kwento sa akin ni Gelene kung bakit ‘di pwedeng magkita ang mag-asawang Buenavista. Ang pagsugod at pag-sabunot sa akin ni Aubrey na humantong sa pagkalaglag ko sa swimming pool at muntik ko ng pagkalunod. Panghuli ay ang pagsagip sa akin ni Senyorito at ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Teka, nagdampi ang labi naming dalawa ni Senorito Devron?! Siya ang first kiss ko?!  Kaya bago pa ako maghisterikal ay pinakalma ko ang sarili ko at dahan-dahang bumangon. Mabilis naman akong dinaluhan ni Senorito sa pag-upo at ng nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ay mas lalo akong nanlamig ng malaman kong nasa kwarto ako ng Senorito. Bakit dito pa niya ako dinala? Paniguradong lalong iinit ang dugo sa akin ni Aubrey kapag nalaman niyang dito ako napunta sa kwarto ng Senyorito. Bumalik na lang ako sa sarili kong maramdaman ko ang paghawak ni Senyorito sa kamay ko at ang pagsasalita niya. "Are you feeling well now, Yngrid?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala kaya pinilit kong ngumiti at dahan-dahang inaalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko dahil naiilang ako.  Siguro ay napansin niya ang ginagawa ko kaya siya na mismo ang nagtanggal ng kamay niya at naupo na lang sa tabi ko. Dahil sa ginawa niyang 'yon ay naamoy ko ng malapitan ang pabango niya kaya kumalabog ang puso ko sa kaba. "Salamat po pala sa pagligtas sa akin kanina, Señorito. Pasensya na rin po kung nagkagulo po kami at naabala ka pa namin. Pangako po na hindi na po mauulit ang ganoong gulo." Saad ko sa mahinang boses at narinig ko naman ang pagtawa niya dahilan para natulala ako sa kanya.  Miski sa pagtawa ay ang gwapo niya. Aminin ko man o hindi ay nakaramdam ako ng atraksyon kay Señorito. Kaya nga minsan ay lumalayo ako dahil baka lalo pang lumala ang nararamdaman. Hindi ko naman kasi akalain ganito ka-gwapo ang Amo ko. Sabagay, kasalanan ko rin naman dahil hindi ako naniniwala kay Aly na gwapo nga ang magiging Amo ko. "Yngrid, you're spacing out. May masakit ba sa'yo? Nilalagnat ka pa rin ba?" Rinig kong tanong niya at halos mapasok ako ng maramdaman kong dumampi ang kamay niya sa leeg ko.  Dahil doon ay libo-libong boltahe ang naramdaman ko sa katawan at 'di ko na maiwasang hawakan ang kamay niya at inilayo ito sa akin. "Okay lang po ako, Señorito. Ganito po talaga ako kapag bumabalik po sa akin ang trauma. Nilalagnat po." Paliwanag ko at umalis na sa kama niya.  Nakita ko naman ang pagtayo niya at pinanood niya ang ginagawa kong pag-aayos sa kama niya. Nang matapos na ako ay yumuko ako at hindi makatingin sa mga mata niya dahil sa labis na kabang nararamdaman ko. "Aalis na po ako, Señorito. Thank you po ulit sa ginawa mo." Tipid kong saad at mabilis na tumalikod para umalis na. Paglabas ko ay nagkagulatan pa kami ni Manang dahil kakatok pala siya sa pintuan ng Señorito. Nakita ko namang dala niya ang damit ko kaya kumunot naman ang noo ko. "Manang, bakit mo po dala ang damit ko? Ako na po ang bahala diyan," aniya pero ngumiti lang siya at ngumuso sa suot ko dahilan para tingnan ko ito. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko kung kaninong damit ang suot ko ngayon. “Kay Senorito ang damit na suot mo Yngrid ng dalhin ka niya dito.” Paliwanag ni Manang at hindi na ako nakapag-isip ng ayos at basta na lamang siyang hinigit palabas ng kwarto ng Senorito. Tumingin muna ako sa paligid at nakahinga na lamang ako ng maluwag dahil kaming dalawa lang ni Manang ang tao ngayon. “Manang, lalabhan ko na lamang po itong damit ni Senorito kapag ayos na po ako.” Natataranta na saad ko kaya umiling lamang si Manang at hinawakan na ang braso ko para ihatid na ako sa kwarto.  “Saka mo na isipin iyan, Yngrid. Sa ngayon ay magpagaling ka muna, ang taas na naman ng lagnat mo. Bakit ka ba bigla na lang umalis sa kwarto ng Senorito? Dapat ay doon ka muna hanggang sa uamyos na ang nararamdaman mo.” Aniya kaya muli na naman akong napapadyak dahil sa sinabi niya. “Manang naman, mainit na nga ang dugo sa akin nila Aubrey dadagdagan niyo pa. Paano kung ibang tao po pala ang nakakita sa amin kanina, edi titindi lalo ang away.” Hindi ko na mapigilang bulalas ng tuluyan na kaming nakapasok sa kwarto ko.  Umupo muna siya sa kama ko at saka ako seryosong tiningnan. Dahil doon ay hindi ko maiwasan ang kabahan sa paraan ng pagtitig niya sa akin. May hindi ba akong nasabi na maganda? O baka naman ay sumobra ang pagkakasabi ko. “Alam mo ba noong narinig ni Senorito na sinisigaw ni Gelene ang pangalan mo ay wala siyang pag-aalinlangan na nilagay na lamang ang kape niya sa ibabaw ng lamesa. Natapunan pa nga siya dahil sa taranta ng malaman niyang nalulunod ka na pala.”  Bigla akong natahimik ng magsimulang mag-kwento si Manang sa nangyari kahapon. Umiwas agad ako ng tingin at tahimik na umupo sa tapat niya kaya nagpatuloy siyang muli.  “Kakauwi niya lang galing sa trabaho niya. Sa katunayan nga ay hindi pa siya nakakapagpalit ng tumalon siya sa pool para lang sagipin ka, Yngrid. Nang iahon ka niya ay kitang-kita ko ang panginginig ng kamay niya at pagkataranta dahil wala ka ng halos na kulay. Kitang-kita ko kung gaano siya kataranta habang nire-revive ka niya.” Tumigil saglit si Manang para huminga ng malalim habang ako naman ay tuluyan ng hindi nakaimik. Kung ganun pala ay noong mga oras na nalulunod ako at nagkakagulo ay kararating lang pala ng Senorito sa trabaho niya. Imbis na pagpapahinga ang inuna niya ay mas pinili niya akong iligtas sa bingit ng kamatayan. Kaya napanguso ako at nakaramdam ako ng guilty dahil basta-basta na lamang akong umalis sa kwarto niya at hindi lamang nakapag-pasalamat ng ayos sa ginawa niya. “Saka lang siya kumalma ng makita na niyang ayos ka na. Galit na galit nga siya sa ginawa ni Aubrey. Akala ko ay paaalisin niya na ito sa trabaho pero isang linggo niya itong sinuspinde. Para magtanda na raw sa ginagawa niya sa mga kasamahan niya na katulad mong marangal na nagtatrabaho dito sa loob ng mansiyon.” Dagdag pa ni Manang at tumayo na kaya tumayo na rin ako.  Bago pa siya tuluyang umalis ay muli siyang lumingon sa gawi ko at pinagsabihan ako. “Bukas na bukas ay ayusin mo ulit ang pasasalamat kay Senorito, Yngrid. Sige na, magpahinga ka na muna. Bukas mo na isipin kung paano magpasalamat kay Senorito,” aniya ni Manang at tuluyan na akong iniwan sa kwarto ko.  Tulala akong napahiga sa kama ko ng marinig ko ang lahat ng nangyari kay Manang. Huminga na lamang ako ng malalim at muli ko na namang naamoy ang pabango ni Senorito dahil suot ko pala ang damit niya. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na lamang ang pagpula ng pisngi ko. Miski sa tiyan ko ay parang may kumikiliti sa akin. Hanggang sa hindi ko lang namalayan na nakangiti na pala ako na akala mo ay kinikilig ako. Kaya malakas kong sinampal ang sarili ko at kinausap. “Yngrid, alam kong gwapo ang Amo pero alalahanin mo na maid ka lang. Bawal kang magkagusto o mahulog sa isang kagaya niya. Hindi kayo bagay na dalawa. Kaya ayos lang na magkaroon ng atraksyon sa Amo mo pero huwag mong hahayaang lumalim ang nararamdaman mo sa kaniya. Ikaw lang ang mahihirapan sa huli.”  Matapos kong sabihin iyon ay tuluyan ko ng ipinikit ang mga mata ko at pinag-isipan muli kung paanong pasasalamat ang gagawin ko kay Senorito bukas. Kailangan kong magpagaling para makabawi kay Senorito sa ginawa niyang pagligtas sa akin at pag-aalaga. ... KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Pagbaba ko sa kusina ay naabutan ko si Manang Lordes at Gelene na nag-uusap. Dahil nakatalikod sa gawi ko si Manang ay si Gelene ang unang bumati sa akin na binati ko rin.  “Kumusta na ang pakiramdam mo, Yngrid?” Bakas sa boses niya ang pag-aalala kaya nginitian ko siya at kumapit naman siya sa braso ko ng makalapit siya sa akin. Nang tingnan ko si Manang ay nakangiti na siya sa akin ngayon.  “Ayos na ako. Huwag ka ng mag-alala. Buhay pa ako.” Nakuha ko pang magbiro kaya mahina niya akong hinataw sa braso at pareho kaming natawa.  “Muntikan ka na ngang mamatay ay naggagawa mo pang magbiro. Ibang klase ka talaga.” “Siyempre, ganyan talaga ang maganda, Gelene. Mga mahilig magbiro.” Gatong ko pa kaya napailing na lamang siya at tuluyan na akong lumapit kay Manang na ngayon ay nagkakanaw na ng kape. “Good morning po, Manang. Kanino po iyang kape? Pagtatanong ko kaya nagulat na lamang ako ng ibigay niya sa akin ito at saka siya nagsalita. “Dalhin mo na kay Senorito ang kape niya. Nasa garden siya at nagpapahangin. Ito na rin ang pagkakataon na maayos mo siyang pasalamatan, Yngrid.” Saad ni Manang kaya wala na akong magawa kundi ang sundin siya' Palabas na sana ako ng kusina pero bigla na namang sumingit si Gelene dahilan para mawala ang kaba ko kahit papaano sa biglaan niyang pagsulpot. “Para kanino ‘yan, Yngrid?” “Kay Senorito.” Tipid kong sagot kaya napatango naman siya at tuluyan na akong nakapasok sa garden.  Pagpasok ko ay nakita si Senorito na may hawak ng kung ano. Kaya tahimik lamang akong lumapit para tingnan kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Siguro sa sobrang okupado ng isip niya ay hindi niya namalayan na nasa likod ko na pala siya at kitang-kita ko ang ginagawa niya. Hawak niya ang picture ko at nakatitig lang siya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD