Yngrid "Papa, bakit po tayo tatakas?" Puno ng pangamba ang boses ko kaya lumuhod si Papa at ilang beses na lumunok bago magpaliwanag. “Yngrid, napagbintangan kasi si Papa sa hindi naman niya nagawa. Huwag kang mag-alala, may tutulong sa atin. Hindi nila tayo papabayaan.”Pagpapalakas niya ng loob ko dahil sa murang edad ay naranasan ko na ang mga ganitong karahasan. Kahit ipakita ni Papa na matapang siya ay mas nanaig pa rin ang takot sa mga mata niya. Bigla naman niya akong niyakap at mabilis na binuhat ng marinig namin ang sunod-sunod na putok ng baril sa baba. Dahil doon ay nagsimula na akong manginig sa takot, buong lakas inihagis ni Papa pababa ang lubid at mabilis na bumaba habang buhat ako. Pero bago pa kami makaapak sa lupa ay napasigaw na lang ako ng nadaplisan kaming dalawa n

