Yngrid “PARTY? Seryoso ka diyan? Ano namang gagawin ko doon?” Gulat kong tanong kaya kumunot lamang ang noo niya na akala mo ay may nasabi akong mali. “Be my date, Yngrid.” Walang gatol niyang saad kaya umawang naman ang labi ko sa gulat. Date? Sigurado ba ‘tong si Devron? Katulong niya ako. Paano kapag nalaman nilang isa pala akong katulong ibig sabihin masisira ang pangalan niya ng dahil lang sa akin. Hindi yata nag-iisip ‘tong Amo ko. "Nag-iisip ka ba talaga?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya gulat naman siyang napatingin sa akin. "Of course, nag-iisip ako. Anong akala mo sa akin walang utak?" Bakas ang iritasyon sa boses niya kaya napatango naman ako. "Eh 'yun naman pala, eh. Sana bago mo ako tanungin para maging date mo dyan sa party, naisip mo sana na katulong mo ako at Amo

