Nagtungo silang tatlo sa mall, hindi s'ya kinakausap ni Kiel. Hindi man lang s'ya nito nililingon kapag may tinatanong s'ya iiling at tatango lamang ito bilang tugon. Mabuti na lang at kasama nila ang anak kaya kahit papaano ay hindi siya naboring. Sa mall nagmistulang chaperone si Joy ng mag ama. Parang may sariling mundo ang dalawa at nagkakasundo sa lahat ng bagay. Sumusunod lang s'ya sa kanila kahit na sumasakit na ang paa sa kakalakad. Nang may makita si Kassie sa toy store ay hinila na naman ang ama para mamili ng laruan. Nakakita siya ng upuan sa harap ng toy store umupo muna s'ya doon at hinubad ang flat shoes, bahagyang hinilot ang mga binti dahil medyo nanakit dahil siguro sa kakalakad. Pagkaraan ng limang minuto minuto ay tinungo naman nila ang isang kilalang fast food chain. D

