Samantha Joy's POV Inabot ni papa ang kamay ko kay Kiel nang makarating kami sa harapan n'ya. Niyakap naman ni Kiel ang aking ama at bumeso kay inay. Ako nama'y bumeso kina doc Albie at Daddy Vincent. "Kiel alagaan mo sana ang prinsesa ko." Nakangiti ngunit naluluhang saad ni Papa. "Makakaasa po kayo Pa , 'Nay." Sunod akong niyakap ni kiel at akmang hahalikan sa pisngi nang awatin s'ya ni Albie. "Mamaya na naghihintay na 'yung pari oh, atat ka masyado eh." sita ni Albie natawa naman ako at ang tao sa paligid nang sumimangot si Kiel. "Na miss ko eh." Nangingiting bulong pa nito. Iginiya na n'ya ako papalapit sa altar at nagsalita na ang pari para sa seremonya ng aming kasal. Tumikhim muna si Kiel bago sabihin ang kanyang wedding vow habang hawak ang aking kamay na tila pinpigilan n'y
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


