Chapter 9

1017 Words
Ang mundo ko ay naging masaya salamat sa Diyos nakilala kita." Pakanta-kanta si Joy habang nagluluto ng agahan. Niyaya niya si Kiel na mag almusal muna bago pumasok sa opisina dahil susunduin siya nito. "Ehemmm!" tumikhim ni Jane."Mukhang inspired ang beshy ko ha?" pakindat-kindat na tukso niya kay Joy, ngumiti naman ng pagkatamis-tamis ang dalaga bilang tugon. "Anong meron? Ang saya mo ha? Hindi mo naman birthday 'di ba?". pangungulit pa niya. "Wala, niyaya ko lang si Kiel na dito mag almusal bago pumasok sa trabaho." "Hmhm, Samantha Joy meron ka bang alam na hindi ko alam?" taas kilay na kastigo niya kay Joy. Napakamot naman sa ulo si Joy. "Beshy kami na." kagat labing pagtapat nito sa kaibigan. "Ha? Kayo na? Kailan pa?" hindi makapaniwalang tanong ni Jane. "Kahapon lang." "Beshy hindi kaya nagpadalos-dalos ka lang sa mga desisyon mo? Hindi ba masyadong mabilis? Hindi mo pa nga lubusang kilala si Mr. Guerrero e. Tapos sasabihin Ong kayo na?" nanlaki ang mga matang tanong ni Jane sa kaibigan. "Beshy tama naman siya kung mahal ko siya bakit ko pa patatagalin? Habang tumatagal makilala ko din siya." "Kaylan beshy? Kapag hulog na hulog ka na sa kanya?" Hindi nakaimik si Joy. " Kailan mo balak sabihin sa nanay mo 'yan beshy?" tanong ulit ni Jane "Mamaya beshy kapag nandito na siya kaming dalawa magsasabi sa inay." "Beshy basta mag-ingat ka sa mga desisyon mo ha, nandito lang ako support kita lagi. Happy ako para sa'yo. Sana maging masaya ka sa piling niya at huwag kang sasaktan kung hindi sisipain ko siya sa balls." Nagkatawanan ang dalawa. "Than you beshy." niyakap niya ang kaibigan ngunit agad napakalas sa isa't-isa nang may kumatok sa pinto. Sakto naman ang paglabas ng kanyang ina sa kwarto kaya't siya na ang nagbukas ng pinto. "Magandang umaga po mam." Bungad ni kiel "Magandang umaga naman iho pasok ka." agad namang pumasok ang binata. "Maupo ka muna at tatawagin ko ang anak ko." "Salamat po" Pumasok sa kusina ang Ginang para tawagin ang anak. "Anak nandiyan na ang bisita mo labasin mo na at ako na ang magtutuloy niyan." "Sige po Inay." lumabas na ang dalaga sa kusina. "Good morning" bati ni Joy kay Kiel. "Good morning sweetie" akmang halikan ng binata ang dalaga nang itulak nito ang nguso ni Kiel. "Why?" "Anong why? Mister nandiyan ang Inay baka makita tayo." "Why is there's something wrong we're in relationship naman ah." "Oo pero hindi pa alam ni Inay. Ngayon ko pa lang sasabihin." At hinila na nito ang kasintahan papunta sa hapag kainan. "Oh, kumain na kayo at baka ma-late kayo." anyaya ni aling Marina. Umupo na ang dalawa pati si Jane na nagingiti, pinandidilatan naman ito ni Joy. " Pagpasensyahan mo na ang naihanda naming almusal iho." Saad ni Aling Marina. Ang kanilang agahan ay sinangag, tortang talong, hotdog at tuyo. "Ok lang po lahat naman po kinakain ko, namimis ko na nga po ang ganitong ulam." Nagsimula na silang kumain "Matagal ka nang hindi nakakakain ganito?" tanong ulit ni aling Marina. "Ah, opo maghisa lang ho kasi ako sa bahay." "Ah eh nasaan ang pamilya mo." usisa Jane. "May iba nang pamilya si Daddy, si Mommy naman namatay noong ipanganak niya ako." pagsasalaysay ni Kiel. "Sorry to hear that." ani ni Jane. "It's okay " tugon naman ng binata. Si Joy ay tahimik lang na kumakain humahanap ng tiyempo para sabihin sa Ina ang kanilang relasyon. Tahimik na kumakain ang lahat nang mapagpasyahang magsalita si Joy. "Ah Inay may sasabihin po sana ako sa inyo." panimula nito. "Ano iyon anak?" nilingon muna ni Joy ang kasintahan bago magsalita, tumango naman si Kiel "Inay kami na po ni Kiel ." Natigil ang akma sanang pagsubo ni aling Marina ng pagakain dahil sa narinig. Ibinaba ang kubyertos, hindi nagsalita ang kanyang ina at nakatitig lang sa kanilang dalawa. Kinabahan naman si Joy dahil walang makitang reaksyon sa mukha ng kanyang ina. Tahimik lang sila hanggang sa magsalita ang kanyang ina. "Anak kailan mo lang nakilala ang binatang ito tapos ngayon sasabihin mong kayo na? Gaano mo ba siya kakilala?" "Mahal po namin ang isa't isa inay makikilala po namin ang isa't-isa habang magkasama kami " kinakabahang tugon ng kanyang ina. Napapailing naman ang Ginang bago magsalita. "Anak hindi sapat ang pagmamahal lang." Sumagot naman si Kiel "Mahal ko po ang anak ninyo, unang kita ko pa lang sa kanya kakaiba na po ang naramdaman ko, hindi ko man maipapangako ang lahat sa kanya papatunayan ko po ang pagmamahal ko sa anak niyo, iaalay ko po ang buong buhay ko sa kanya." madamdaming saad ng binata. Bumuntong hinga naman ang Ginang. "Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan at lolokohin ang anak ko ha." animo pagbabanta ni aling Marina. "Opo makakaasa po kayo nay."sagot ni Kiel. "Nay? Anak kita." Pambabara ni aling Marina napabuga naman si Jane ng nginguyang pagkain. Pati si Joy ay namula sa pagpipigil ng tawa. "Doon din naman po ang punta 'di ba?" nangingiting hirit ng binata. Kinurot siya ni Joy sa tagiliran. Napa aray naman ang binata. "Wag kayong magmadali, kilalanin n'yo muna ng lubusang ang isa't-isa para wala kayong pagsisisihan sa huli." Natahimik naman si Kiel sa tinuran ni aling Marina. Matapos ang almusal ay nagbihis na ang magkaibigan. Habang nagliligpit si aling Marina sa kusina, hinihintay naman ni Kiel sa sala si Joy. Napapaisip si Kiel paano nga ba kung malaman ni Joy ang kanyang lihim? Mamahalin pa kaya siya ng dalaga o sa bandang huli ay iiwan din siya nito? Bahala na, saka na niya iisipin 'yon ang mahalaga ay ang ngayon. Basta mamahalin niya ang dalaga sa abot ng kanyang makakaya. Alam niyang mahal siya ng dalaga, maiintindihan naman siguro ni Joy kapag pinaliwanag niya ng maayos ang kanyang kundisyon. Saka na niya iisipin kung paano ipagtatapat sa babaeng mahal ang lahat. Hahanap lang siya ng magandang timing. Natigil ang kanyang pag iisip ng lumabas sina Joy at Jane sa kwarto bihis na ang dalawa at handa sa pagpasok sa trabaho. "Let's go." ani ng dalaga. Nagpaalam na ang tatlo kay aling Marina at gumayak na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD