Chapter 12
Breath
Madilim ang langit ngayong hapon sa Legada. May nag-iikot pa ring mga madre na kung hindi itinataas ang krus o bibliya ay nagsasaboy naman ng insenso at agwa-bendita. Nakatayo ang mga tao sa tabi ng kanilang mga tarangkahang gawa sa kawayan. Ang mga bata ay pinatigil sa paglalaro upang makinig sa mga madre.
Nakatambay ako sa karinderya at naghihintay ng take-out na sinampalukan. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa maalikabok na kalsada kung saan tahimik ang lahat para sa maliit na parada. Kung hindi sumasabay ang mga tao sa dasal ay nagsa-sign of the cross. Paulit-ulit habang bumubulong.
Nang humangin ang mabining hangin ay hindi ko naramdaman ang kapreskuhan nito.
It was a very disturbing sight. Hearing such prayers in whispers before hitting crescendo all made it more troublesome. I was already thinking that the town itself was the reason why no one bothered to stay or even go here. The townspeople were its very own active cult.
"Miss, ang order mo," biglang sulpot ng may-ari ng karinderya.
Bahagya akong napatalon sa gulat. Tumango ako sa matabang ale at inabot na ang singkwenta pesos. Umalis itong muli para kuhanin ang sukli. Ayaw ko man ay napapatingin ako sa labas kung saan nagsisilabasan na ang mga palaspas na winawagayway sa ere.
Napatingin ako sa unahan kung saan naroon ang isang lamesang pinagpapatungan ng lumuluhang Santo Niño.
"Mahal na araw na ba, 'neng?"
Umiling ako sa bumalik na may-ari ng karinderya. Inabot nito ang aking sukli pero nang binilang ko ay sobra.
"Ay! Sobra po ang sukli!" kaagad kong puna.
"Naku, mali na ang tingin ko! Ang mga madre kasi! Kung anu-ano ang sinasabi! Hindi na lang tumahimik para hindi ako hirap gumalaw!" Ngumisi ito.
Kumunot ang noo ko.
"Aba ginoong Maria, napupuno ka ng grasya..." Isang bata ang nagdadasal sa gilid ko habang nagbibilang ang may-ari.
Sinipat ko ang kaniyang mga kamay habang nagbibilang ng pera. Mataba ang mga daliri na animo'y minamanas. Maiitim ang mga kuko at puro tungkab. Marami ring tama ang balat dahil siguro laging nasusugat ng kutsilyo. Binawi nito ang kanang kamay para ilagay ang sobra sa kaliwa pero nang ilahad ulit sa akin ay sobra na naman.
"Ang ingay mo! Hayop ka!" Lumaki ang mga mata ng may-ari sa batang naglalaro ng lupa habang nagdadasal. Nagtatakbo kaagad ang paslit palayo. Ngumisi ang ale sa sa akin, ang nangingitim na mga labi at ngipin ay lumalabas.
"Ingat ka! May suot ka pa namang krus," ngisi niyang muli.
Tinanggap ko na lang ang pera at naglakad palayo.
Gusto ko sanang pasalamatan si Mayor Ben dahil mayroon na akong kuryente sa bahay kahit papaano. Kaso ay medyo dumidilim na at malayo pa ang lalakarin ko dahil ang bahay ko ang nag-iisang nakatayo sa pinakadulo ng Legada. Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang mga madre. Sumama kaagad ang kanilang tingin sa akin lalo pa nang makita ang suot kong krus na bigay ni Gianna.
"Demonyo! Binuksan pa ang bahay ni Alondra! Nakawala na ang mga demonyo! Demonyo ka!"
Mas binilisan ko ang lakad. Lumakas ang mga panalangin ng mga madre.
"Ginambala mo ang kastilyo kaya minamalas kaming lahat dito! Isa kang demonyo!"
Sa dulo ay nakita ko si Mayor Ben kasama ng iba pang mga pari. Nakaharap ang mga ito sa kahabaan ng mga pananim, nagwiwisik ng agwa-bendita sa iba't ibang direksyon. Kahit na gusto kong magpasalamat ay hindi ko na ginawa. Kunwari ay wala na lang akong nakita.
Pagkatapos ng ilang minutong balisang paglalakad ay nakauwi na rin akong bahay. Maingay ang ugong ng lumang electric fan. Ang mga kuliglig ay humuhini sa gilid na sinamahan pa ng pagaspas ng mga tagak. Unti-unti nang kumakagat ang dilim. Kahit na tapos na akong kumain ng hapunan at nagkapagpahinga na ay buong-buo pa rin ang aking diwa. Napagdesisyunan kong bumisita ulit sa kastilyo.
Sa sobrang galit at takot ng mga tao ay kung anu-ano ng ritwal ang ginagawa. Kaya walang tumitira sa bahay na ito ay dahil siguradong hindi kakayanin ang trato ng taumbayan. Daig ko pa ang may sakit at kriminal. Bilang lang ang mga taong tumatanggap sa akin at ang tanging bubong na pinatuloy ako ay ang ipinagbabawal pa nila mismo. Kaya hindi ko matanggap at maisip na ganoon na lang nila isumpa ang kastilyo, ang mga maaaring naninirahan dito at kahit ang mga kalapit na nakatira.
"Magandang gabi, binibini! Nasa malayo ka pa lang ay kitang-kita na kita! Nagpahanda na ako ng iyong makakain at ang iyong kwarto---"
"Hindi naman ako magtatagal, Alejandro," putol ko mayordomo na siyang bumungad sa akin sa aking pagdating.
Parang napahiya ito at nanlumo ang mga balikat pero sa isang segundo lang din ay nakabawi agad.
"Kung ganoon ay maghahanda ako ng mainit na tsokolate!" Nagtatakbo ito paalis.
I was left alone in the great hall with my footsteps echoing as I walked around. Large curtains hanged on the side of the room, shielding away any possible moonlight at night or sunlight at day. There were doors and doors everywhere but all were locked.
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ngunit sinundan lamang ang ilaw mula sa siwang ng nakabukas na pintuan. Unti-unti kong binukas ang pinto, lumalangitngit kasama ng tunog ng aking mga yapak. Rows and rows of bookshelves stood mighty and tall as the home of the thousand books occupying the humongous library. Torches hanging on the wall lit the vacant tables and chairs at the other side. A small staircase lead to its second floor where another set of bookshelves could topple over themselves like running dominoes.
I saw Konstantine casually sitting on an armchair big enough to support his back, the brown leather material being highlighted by the crackling fireplace by his side. He seemed to be reading a book, but his head was leaned back and his eyes were closed.
As I approached, I could hear his breaths that almost sounded as deep as his groans. I could make it the frown that was marring his forehead even as he slept. He looked and sounded like a sleeping lion.
"How many times do I have to tell you that it's rude to stare?" His mouth barely moved.
Napalaki ang mga mata ko. Napaatras ako nang kaunti, umiinit ang mga pisngi. Mas lalo lang umakyat ang dugo ko sa mukha nang unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata. Naroon ang isang klase ng pagod at antok na kahit anong tulog ay mukhang hindi maaalis.
"Hindi ko sinasadyang mang-istorbo. Matulog ka na ulit..." Napanguso ako.
Parang hindi rin lang ako nito narinig nang isarado ang hawak na libro at tumayo. Napatingala ako.
"To what do I owe the pleasure of these nightly visits of yours, my lady?" He lightly bowed, eyes glinting wildly with the fire.
"Hindi ako makatulog." Napaiwas ako ng tingin.
Dumaan ang katahimikan. Kahit na hindi ko nakikita ay naiisip ko na ang pagtaas ng kaniyang kilay.
"Hindi ako makatulog kasi may iniisip ako. Hindi ko pwedeng ipagsawalang-bahala na lang basta."
"For I moment there, I thought you wanted my company. My ego is hurt but I guess it is fine, yes? It is fine." His sharp incisors showed themselves when he gave a small smile.
Nagkibit-balikat ako.
Nagsimula nang maglakad si Konstantine, taas-noo at matindig ang malapad na dibdib. Habang nasa sa kaniyang tabi ay hindi ko masundan ang malalaking yapak ng mga binti nito. Suddenly, he turned around that I almost bumped into him. I muttered my apologies before having the courage to look at his eyes.
"Please, my lady, sit. You must be tired from your long journey." He motioned the long table nearby.
Naupo ako roon, pinapanood siyang nakatayo at nakababa ng tingin sa akin. Pinigilan ko ang pag-iinit ng mga pisngi.
"Now... tell me what is bothering that beautiful head of yours?"
Napanguso ako ngunit hindi na rin nag-atubili.
"Legada de la Reina," I loudly announced. It gathered another perfectly executed arch of his dark eyebrow.
"Why do you let these people condemn and crucify your castle? Everything they are saying about it is all lies. This castle is not evil and not haunted. Why are you letting these people ruin your name?" My voice slightly rose.
Napailing ako at muling napaupo. Hindi ko na nalamayang napatayo na ako dahil sa namumuong galit. Walang karapatan ang kahit na sinong umapak sa ibang tao lalo na kung puro kasinungalingan lang naman ito. I just couldn't get it why the whole town was adamant about crucifying this entire magnificence of a structure.
"Do you believe in God?" Konstantine suddenly asked, his voice chillingly low, resonating within the walls.
"Yes," I answered unblinking.
"Then why the crucifix?"
Napatingin sa suot na krus na bigay ni Gianna. Sinipat din iyon ni Konstantine. He wasn't fazed by it and in fact, he looked slightly bored. Inalis ko iyon at nilagay sa isang tabi. Only then did he sit beside me.
"Do you?" I asked him back.
"God..." He breathed, his eyes neutralizing as he looked at the wooden cross. "Has forsaken me from a very long time and continued doing so. Yet I do not blame him for it."
So, it was a yes.
"They say the devil lives here," I whispered.
"Maybe," he nodded. "And what if I am the devil?"
"They say God will burn you and this castle. They say this place is the root of all evil and the sole reason of all the bad things that has been happening to Legada."
The low sound of his chuckle echoed in the dark, floating and reaching to the very end of his dungeon. It was chillingly cold and demonic that it sounded like a torment. The lone sound bumping from wall to wall was even more disturbing than the town earlier.
"Lies? In the name of God? God is sick of this town. They make him p**e and bathe in shame. It is no wonder He abandoned them."
I wasn't able to form a reply. The hatred and rage in his controlled voice overflowed where it was supposed to be hiding. He used a voice so low yet so harsh that I tasted the lifetime of his disgust over this town in his single breath. Legada de la Reina hated him but he loathed it for a lifetime.
The fire crackled in silence.
"I'm dying..." I blurted out. Konstantine squinted his eyes at me.
"I'm already dying." I repeated again. "You might as well be dead for hiding in here for so long. In this castle. Hated and hunted like an animal. You're already dead to this town but I cannot let you do it to yourself. You need to live, Konstantine. And I will see to it that the both of us can walk free in this town. Even if it's my last breath."