Chapter 22 Mine Mariin ang kaniyang tingin sa akin habang hawak ako sa leeg. Hindi masakit pero hindi rin marahan. Nakaukit ang tensyon sa nanginginig niyang mga balikat at sa pwersang humihigpit para hindi ako tuluyang makahinga. Balisa kong nilingon ang paligid para hanapin ang nagtatakbong lalaking nawawala na ngayon sa pusod ng kagubatan. Umangat muli ang aking tingin kay Konstantine. Hawak pa rin ako nito sa leeg at pinagmamasdan, daig pa ang isang mikrobyong nasa ilalim ng lente. His large hand perfectly fitted on the hollow of my throat. I could feel his claws sinking into my flesh but not too deep to scathe the surface. His eyes were so intense yet remained so still and serene. He looked at me like I was more than the prey he had earlier, the predatory stance showing as he gri

