Chapter 5

1120 Words
Jerson "Uhm, what's with the early thingy? Bakit maaga mo ako pinapunta dito sa school?" "I want to talk to you." Tipid na sagot ko. Halatang bagong ligo si Jashea at nagmamadali siyang pumunta rito sa school, basa pa kasi yung buhok niya at tumutulo sa uniform yung naiwang tubig. I woke up early and then I called her mga bandang six ng umaga. I was her alarm clock, I guess. "Ah? Hello? Ang aga-aga pa kaya and can't you see? Tayo pa 'yung tao dito sa cafeteria o!" Tinuro-turo pa niya ang mga bakanteng upuan. "I want some privacy." Tipid na sabi ko. "Pwede naman tayong mag-usap pag break time e, nasira pa tuloy 'yung beauty sleep ko." Pagdadabog niya. "Ganyan na ba ka kitid ang utak mo? Privacy nga, 'di ba? So, walang ibang pwedeng makinig except for the two of us." "Ouch! Wow ha! Ang sakit-sakit mo naman makapagsalita!" Naluluhang sabi niya. "Okay I'm sorry," I patted her shoulder to make her feel na sincere ako sa sorry ko,  "Gusto ko lang naman na makapag-usap tayo ng walang sagabal at hindi maingay." I explained. "Kailangan mo pa talaga akong pagsabihan ng mga masasakit na salita?" She sobs. "Okay, sorry na. Gusto ko lang namang sabihin sa'yo 'yung tungkol sa bagay na gustong-gusto mong malaman." I said. Biglang lumiwanag ang mukha niya at napansin ko ang kasiyahan sa mga mata niya nang marinig niya ang sinabi ko. Akala ko ba malungkot siya? "You mean sasabihin mo na saakin 'yung about sa bagay na 'yon?" Excited niyang tanong. "Or should you say, him?" "Oh my gosh! Him? Like his a guy?" Napatayo siya sa inuupuan niya. "Ah-huh." Tumango-tango ako. "OMG! So, may papalit na kay Ric?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa ibinato niyang tanong saakin. "What?! Hindi ko naman type si Ric a. Never. He is just my friend, Jashea." Sabi ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay, "Ow? 'Di mo siya crush ha? E bakit palagi kayong magkasama noon? Pag may practice kayo sa volleyball ni'yo? Marami ka namang team mates pero bakit siya lang 'yung palagi mong kasama?" "Uhm. Excuse me? For your information si Ric lang naman ang nakakaalam sa mga ka team mates ko na hindi ako straight so natural lang na siya lang palagi ang kasama ko." Hindi ko ba nasabi sakaniya yung tungkol sa bagay na 'yon? Kaya pala all this time 'yung akala niya may gusto ako kay Ric when in fact, I only see him as a friend. "Fine. Pero to tell you the truth, sweet kayo tignan ni Ric noon, akala ko nga mag jowa kayo e!" Gigil na sabi niya. What? Kami ni Ric, mag-on? Jeez, I can't imagine it!  "Jerson?" "Hmm?" "Tell me more about him, honey. I want to know him more and I want to meet him!" Mas lalo pa ata siyang naging excited na makita 'yung guy na tinutukoy ko kesa saakin.  "'Yon na nga eh, di ko pa siya kilala. Minsan ko lang din siya nakikita." I said in a disappointed voice. "Is that so? Don't worry sweetie, tutulungan kita. Hahanapin ko siya at kikilalanin ko. And once na makilala ko na siya, I will definitely tell you everything I know about him." Ngumiti siya saakin and so I did the same to her.  "Thank you, Jash." "You're always welcome, honey. Basta sumaya ka lang. Gagawi ko lahat." Sinabi ko sakaniya kung saan ko siya nakikita minsan. Well, hindi ko alam kung ano'ng section niya kaya hindi ko alam kung ano ang pangalan niya at kung saang building ang room niya. Dinescribe ko siya, maputi, matangkad, singkit ang mata parang lahat ng kagwapuhan ay  nasakanya na. Judging by his looks, I think he's also smart. "Haha! Really? For sure 'yang like na 'yan magiging love na sooner or later." Tapos tumawa siya nang tumawa, nakatingin tuloy saming yung mga tao. Alas siyete y medya na pala at unti-unti nang nagsisidatingan ang mga tao sa cafeteria. "Shh! Ano ka ba! Baka may makarinig sayo." Saway ko. Minsan kasi lumalakas yung boses niya unconsciously.  Tumawa lang siya dahil sa sinabi ko. She's so noisy! Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng cafeteria, halos lahat ng nandito ay mga freshmen. 'Yung iba nag-aaral habang 'yung iba naman at nagki-kuwentuhan habang kaumakain. Patuloy lang ako sa pagmamasid hanggang sa nakita ko si Lenon. Huh? Di ko siya nakita na pumasok. Nakatingin siya saakin, nang mapansin niyang nakatingin din ako sakaniya ay yumuko siya at binasa ang librong nakabukas sa lamesa. Wait?! Did I just see him looking at me? I don't believe it! Hindi ba siya galit saakin?  Sino naman ang hindi, kung karoon ka ba naman ng issue sa unang araw mo sa school at sa isang lalaki pa. Nakaramdam ako ng hiya kaya isinubsob ko yung mukha ko sa lamesa. "Hoy anong nangyayari sa'yo? Ba't biglang nagchange 'yung mood mo?" Nagtatakang tanong ni Jash. Umiling lang ako. Ayaw ko siyang sagutin dahil alam kong hindi niya papalagpasin ang isasagot ko. "Wait, nandito ba siya?" Umiling lang din ako. "If that's the case, Bakit nga? Bakit nagbago 'yung mood mo?" "Wala Jash, pumunta na tayo sa room." Aya ko sakaniya. "Tsk! Okay let's go." Inayos ko na agad ang gamit ko, buhok, at makusot na uniform dahil kay Jashea. Ganon din ang ginawa ni Jash, conscious kasi ako pagdating sa buhok ko. Ayaw kong magmukhang halimaw sa banga. Habang naglalakad kami sa corridor papunta sa room ay naalala ko ang sinabi ni Ric. "Jash?" "Hmm?" "Nagkita pala kami ni Ric kagabi tapos sinabi niya na mamamasyal daw tayo paminsan-minsan." Sabi ko sakaniya. "O? Nagkita kayo?" Tanong niya. "Yes, kagabi. Pauwi na ako non nang makita ko siya, tapos sumabay ako sakaniya pauwi. Nagkwentuhan kami, nagkamustahan." Sabi ko. "Ah. Sabihin mo sakaniya na mamamasyal tayo sa weekend." Aniya. Napangiti naman ako sa sinabi niya, miss na miss ko na din si Ric matagal-tagal na rin kaming hindi nakapagbonding. Tumango lang ako bilang sagot tapos ibinalik ko ang tingin sa daan. Pagpasok namin sa room ay nadatnan ko ang mga classmates ko na nagkwe-kwentuhan at nagbabatuhan ng papel. Ang ingay din ng section na 'to. Pero okay lang, kahit papaano ay magi-enjoy ako sa isang taong pamamalagi rito. Umupo na kami sa kaniya-kaniyang silya. Maya-maya pa ay dumating si Lenon at nakita ko na naman siyang tumingin sa akin. Ganyan na ba ako ka feelingero? Hindi naman ata. Binaling ko nalang ang tingin ko sa labas. Nakaharap lang ako sa bulletin board nang magvibrate ang phone ko, agad ko itong kinuha at tinignan ang text. Fr: O935783**** Hey Jerson, Good Morning. It's Ric, ano? payag ba si Jash? - Oww it's Ric!  nagpalit na pala siya ng numero? Bakit hindi naka save ang number niya? Hayaan na nga lang. Bigla nalang sinipa ni Jash ang upuan ko mula sa likod, napansin niya ata na may binabasa ako. "What?" Tanong ko. "Sino 'yang nagtext sa'yo?" Hinila niya ang upuan niya papalapit sa'kin. "It's Ric." Sabi ko. "Buti nalang at nagtext sayo si Ric, sabihin mo na mamamasyal tayo sa weekend." Sabi niya. "Sure."Tapos nagsimula na akong mag type then I sent it to Ric. Napansin kong may nakatitig sa'kin, pero 'di ko nalang pinansin hanggang sa dumating na ang teacher namin. Tumatayo 'yung balahibo ko 'pag tinititigan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD