Chapter 14

976 Words
Jerson Nagising ako ng maaga, naligo at niligpit ko ang mga gamit ko bago ko tinext si Ric at si Jashea. Pagtingin ko sa relo ko, 10:43 na pala ng umaga. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa garage para tignan ang bagong sasakyan ko at namangha ako sa ganda, kulay blue pa talaga ha!  "Sorry ka na lang old car, hinding-hindi na kita gagamitin." Sabi ko tapos nakaharap pa ako sa old car ko. Noong isang buwan ko pa 'to binili, I mean binili ng mommy ko. Ano kaya'ng plano ni mommy sa saksakyang 'to?  "So, do you like it?"  Napatingin ako sa likuran nang may magsalita at nakita ko si mommy nakatayo sa harapan ng garage.  "Good morning, mom." Sabi ko at lumapit ako sakaniya para bigyan siya ng matamis na halik sa pisngi, "And yes, I like the color." "That's good. I'm happy that you like my present."   "Mom, I thought nasa office kana. It's already 10:45, bakit 'di pa po kayo pumapasok?" Tanong ko. Nagulat talaga ako dahil naabutan ko si mommy dito sa bahay ngayon. Usually, may trabaho sila sa weekends at hindi ko na sila naaabutan 'pag nagigising ako. "Actually, gusto ko lang naman malaman ang reaksyon ng anak ko pagkatapos niyang makita ang bagong sasakyan niya, and thank God you like it." Sabi niya.  "Thanks, mom." Sabi ko tapos niyakap siya uli, ganon din ang ginawa niya.  "Sige mauna na ako, late na ako e. May lakad ka?"  "Yes, with Jash and Ric." Sabi ko sakaniya. "Okay, take care baby!" Tapos lumabas na si mommy ng gate, naghihintay lang dun ang kotse niya.  Pagkaalis ni mommy ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko at pinaandar ito. Tinawagan ko muna si Jash at sinabihan siya na paparating na ako para makapaghanda siya. Pagdating ko sa bahay nila Jash ay naghintay ako sa labas ng gate.  "Bessy!" Sigaw ni Jash mula sa terrace nila. Kumaway lang ako sakaniya, naglakad na siya palabas ng gate habang hinahalungkat ang bag niya. Ano kayang hinahanap niya? Hanggang sa sinabi niya, "Wait lang,"  siya saakin at bumalik ulit sa loob ng bahay nila. O god, sana inuna ko nalang kunin si Ric no? Dito ba naman ako kay Jash matagalan. Tsk.  Habang naglalakad siya palabas ng gate nila kumaway siya saakin, "You look great today, bessy." Sabi niya.  "Thanks for the compliment." Sabi ko tapos binuksan ang door sa passenger's seat.  "Thank you." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay sinirado ko na tapos tumakbo ako papunta sa driver's seat.  "New car, huh?"  "Yeah, mom bought this yesterday. Sabi niya hindi ko na raw gustong gamitin 'yung old car ko kaya binilhan niya ako ng bago."  "Old? Bessy, last-last month mo pa 'yon binili."  I sighed. "Wala lang talaga ako sa mood mag drive this past few days."  Patuloy lang ako sa pagmamaneho habang hinahalugad na naman ni Jash ang bag niya, ano ba kasi hinahanap niya?  "Bessy, did you bring your phone with you?" She asked. "Why?" tanong ko. "I think naiwan ko 'yung phone ko sa bahay. s**t akala ko lipstick yung naiwan ko sa loob kaya binalikan ko. Phone ko pala!" Tapos tinampal niya ang noo niya.  "Lipstick?"  "Ahuh, for retouches, honey." Sabi niya sabay kindat saakin.  "I didn't bring my phone with me." Sabi ko. "Hays, ganon ba? Iti-text ko pa naman 'yung friend ko."  "Sinong friend? And wait, bakit di ka sumagot kagabi nung tinawagan kita?"  "Sorry, I'm busy ya' know. And ito pala yung number ni Elmar." Sabi niya tapos inabot saakin yung maliit na papel, kinuha ko ito at nilagay sa bulsa.  "Bakit ngayon mo lang 'to binigay saakin?" May binulong siya pero hindi ko masyadong narinig kaya hinid ko nalang 'yon pinansin. "Gabi na kasi nung mabasa ko ang text mo, I'm tired kaya natulog nalang ako tapos ngayon ko na ibinigay sayo." 'Di nalang ako sumagot. Medyo malapit lang yung bahay nila Ric kasi nasa kabilang village lang iyon. Pagdating namin sa bahay nila ay timing namang lumabas si Ric mula sa gate nila kaya bumusina nalang ako kumaway siya saakin and so I did the same thing to him. "Hey." Bungad niya. "Hey." "Punta muna ako dun sa tindahan, may bibilhin lang ako." Paalam niya saakin.  "Sama na kami." Sabi ko tapos tumingin ako kay Jash.  "No, I'm staying here." Sabi ni Jash tapos umiling. May kinuha siyang make-up sa bag niya at salamin.  "Okay." Sabi ko sakaniya at lumabas sa kotse. I want some fresh air.   Naglakad na kami  papunta sa tindahan na sinasabi niya at malapit lang naman 'yon sa bahay nila. Tahimik lang 'yung village nila, kung sabagay lahat ng mga tao rito may mga trabaho sa umaga tapos sa gabi naman todo panhinga rin sila.  Narating na namin 'yung tindahan na sinasabi ni Ric. Napansin kong may tao sa likuran ko pero 'di ko nalang pinansin. Nasa likuran ako ni Ric na kasalukuyan namang kausap yung may-ari ng tindahan.  Naramdamang kong papalapit nang papalapit ang mga tao sa likuran ko kaya nakadama ako ng kaba sa loob ko. Nanginginig bigla yung tuhod ko. Hinintay ko si Ric na matapos. Please, bilisan mo lang, ayoko na rito. Muntik na akong mapatalon nang hawakan nung tao ang balikat ko, dahil sa paghawak niya ay napatalikod ako at napaharap sakaniya. "Hi, Jerson." Bumungad saakin ang nakangising mukha ni Kit.  "Kit!" Napasigaw pa talaga ako dahil sa pagkagulat. Hindi ko inasahan na siya pala 'yung sumusunod saamin..  "Ric, dude!" Sabi ni Kit tapos nakipagshake-hands sa kaibigan ko.  "Magkakilala kayo?" Tinuro-turo ko pa silang dalawa.  "Siyempre, nasa iisang village lang kami nakatira." Sabi naman ni Kit di pa rin nawawala ang ngiti sa mukha niya. What's with him?  "Ah." Tapos binaling ko ang tingin ko kay Ric, halata naman ang pagkagulat sa mukha niya nang kausapin ko si Kit at tanungin ko 'yung tungkol sa kanila.  "Malapit lang yung bahay namin sa bahay nila Ric. May lakad kayo?" Tanong ni Kit.  "Oo, pupunta kami sa mall ni Jerson." Sa wakas sumagot nadin si Ric. Akala ko magmumukha lang siyang statuwa sa kinatatayuan niya.  "Sige Kit, mauna na kami." Paalam ko.  Naglakad na kami papalayo sa tindahan, nakailang hakbang na kami nang biglang sumigaw si Kit mula sa tindahan, "Jerson!" Na naging dahilan upang tumingin kami ni Ric sa direksyon niya.  "You look great."   Tumango ako tapos sumigaw pabalik ng, "Thank you!" Ipinagpatuloy na namin ang aming paglalakad pabalik sa kotse ko. Excited na ako sa lakad namin! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD