SUOT ang komportableng dress ay ngumiti si Thaysky sa katabing si Eury. Kahalintulad ng kanya'y nakasuot naman ng conservative outfit ang nakatatandang kapatid. Long sleeves at below the knee and haba ng skirt, kung siya ang magsusuot noon sa Australia ay paniguradong tatawanan siya nang sagad ni Violet.
"Baduy ba?" tanong sa kanya ni Eury nang mahuling nakatingin siya.
"Actually, it doesn't matter how exotic or worst the dress. It is about the person who will wear it. Kung paano niya dadalhin," paliwanag niya.
Pero nanatiling nakatingin sa kanya ang kapatid. Mukha itong naninimbang sa sagot niya.
Ngumiti siya. "Nakakainis ka, ate. Kahit ano yatang baduy na damit ang ipasuot sa'yo ay maganda. Kahit yata plastic ng basurahan, magmumukhang high class kapag ikaw ang nagsuot." Smile ka na.
"You always make my heart flutter, Sky. Walang dudang kapatid kita."
Oh no! "Bakit hindi ka naniniwala? Hindi ka ba komportable?" She is worried now. May extra formal dress siya, kaso lahat ay maikli. Matangkad sa kanya ang nakatatandang kapatid, kung susuotin nito iyon ay magmumukhang micro mini skirt.
"Eury, ang ganda mo sa dress na 'yan," puri ng kanyang ina.
Sa likod nito sumusunod ang seryosong ama na nakatingin sa ate niya bago sa kanya. Nagtagal ang titig nito sa balikat niyang hantad bago sa above the knee skirt. Walang imik itong dumiretso sa bulwagan ng mansion nang maulinigan ang dumating na sasakyan. Sumunod ang kanilang ina at Auntie Criselda rito.
May gusto sana siyang klaruhin sa kapatid pero iniwan na siya nito para sumunod.
Pinagkubli niya ang mga braso. Visitor's never made her nerve feels excited. But she is curious about her father's word this time. She knew he loves talking about how important to graduate with latin of honors, how great he is on his field of work, and how proud he is for her sister. Cliché topics but it's been a long time to be involved in this kind of get together or his father's casual dinner with his best of the best friend.
May pagbabago kaya?
"Gregery!" A loud baritone voice made her family seemed pleasant and honor.
Sinalubong ng kanyang ama ang may katandaang lalaki at nag-shake hands. Lumingon ang lalaki sa kanila at pinuri. Malakas na tumawa ang kanyang ama, bagay na ikinamangha niya sa unang pagkakataon. His laughter seemed real and genuine. How she wish he had a very loving father.
"Kailan ba kayo umuwi?" Pinutol nito ang sasabihin upang bumaling sa kanila at ipinakilala. "Eto na ang inaanak mo, Eury Suniga." Proudness flickered on his voice when his eyes stayed at her old sister.
Lumapit si Eury at humalik sa pisngi ng lalaki.
Kinabahan siya bigla kung lalapit ba o hindi. Kung ipapakilala ba siya o hindi. Mariin niyang tinitigan ang ama noong bumaling sa kanya nang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. "And this is my youngest daughter, Thaysky Suniga."
May kung anong kiliti sa kanyang dibdib noong ngumiti at lumapit para gayahin ang ginawa ng kapatid. "Good evening... po," bati niya.
"Ang lalaki at ang gaganda na nilang dalawa, Gregery. Manang-mana sa ina." Biro nito noong bumaling sa kanilang ina.
"Benedict, palabiro ka pa rin." Ang kanyang ina na lumapit sa kanilang ama.
"My three sons with me." Bumaling ito sa bumukas na pinto.
Hindi na nasundan ni Thaysky ang sinasabi ni Mr. Benedict nang makita ang tatlong lalaki na iniluwa ng kanilang malaking pinto. Matangkad at matitikas ang dalawang nasa bungad habang ang nasa likuran ay natatakpan ng dalawa. The first two looks prominent and decent because of their fair skin and white uniform. She can't name if they work from the land or sea field.
Lumapit ang mga ito sa kanyang ama at ina para bumati. Nakita rin niya ang pagnakaw ng sulyap sa kanila ni Eury. Ang isa pa'y nahuli niyng tumagal ang titig sa kanyang nakatatandang kapatid.
Sinusundan niya ito nang tingin hanggang sa lumapit ng tuluyan sa kapatid niya.
"Good evening, Sir Gregery."
The familiar voice made her brows curled. Pumihit siya sa pinto at inabangan ang ikatlong pilit na natatakpan ng dilim. Tanging ang suot nitong itim na sapatos at slocks na itim ay sapat na para sabihing kagaya ito ng naunang dalawang lalaki. Their family were all prominent, high standard and good looking.
"Zedrick, Iho? Long time no sees." Her mother's voice made her more confused.
Mariin niyang pinanood ang bawat hakbang ng lalaki, hanggang sa tuluyang lumantad ang seryoso mukha. Umuwang ang kanyang labi at napalunok ng hindi halos makilala ang lalaki.
Kumurap-kurap siya at minasdang maiigi si Zedrick nang mabuti. He looks superior, fresh and very manly on his white bottom shirt. He smiled with her mother before his eyes drifted on her body.
Napahaplos siya sa hantad na balikat. Nakaramdam siya ng nag-uumapaw na hiya at gustong magbalot ng sarili. Bakit ganoon? Sanay siyang magsuot ng mga ganitong damit. Mas revealing pa nga at kung minsan ay skimpy dahil sa fashion sense niya. Pero ngayon sa harapan nito, para siyang sinisilaban sa sobrang hiya.
Nilagpasan siya nito para bumati sa kanyang mga magulang. Nahihiya siyang naupo sa tabing upuan ni Eury at pinuno ng hangin ang baga. I get it now. Kaya pala close sila ate kay Zedrick dahil ninong niya ang daddy nito. I didn't see that coming again. That's why Paige's father is my ninong too. They are all connected. Sa kanyang pag-angat ng tingin, nahuli niya sa pinto ng kusina si Simon na nagmamasid.
Inignora niya iyon at sumulyap kay Zedrick na papaupo sa tapat niyang upuan. Hindi na siya nito pinukulan pa muli ng tingin. Wari mo'y hindi siya kilala. Patay-malisya niyang dinampot ang kubyertos at nakinig sa usapan.
"Nalalapit na ang ikalabing walong kaarawan ni Eury. You all should come, Benedict." Her mother began with a little laugh. Lumingon ito sa katabi ni Zedrick na lalaki.
She assumed he is the second son. Among the three brothers, he had the softest features. His eyes that gently gazed to her sister, she knew that there's a mental conversation between the two. And when she caught her father looking to the second son, her conclusion filled an answer.
"Of course, Eunice. Hindi ako papayag na ang pinakamaganda kong inaanak ay mag-eightieth birthday na walang magandang regalo at makisig na makakapareha," Mr. Benedict took his wine glass and glanced on his second son.
Sumulyap siya kay Eury. Tutop ang mga labi nito at hindi magalaw ang hiniwang steak. She can't understand. Ilang beses niyang nahuhuli ang kapatid na may ka-text. Sa bawat text nito'y may kaagapay na matamis na ngiti. Zedrick is already block listed on her list. Simon and the second son remain on her option.
She took the glass of water to clean her mind.
"Thai? Hmmm. Thay sky? Did I say it right?" baling ni Mr. Benedict sa daddy niya bago sa kanya.
"Tays. Ki. Benedict," her father clarified his friend.
"Thaysky, it is my first time to see you. How's Casa De Rios?"
Nanliit siya sa kinauupuan nang bumaling sa kanya ang tatlong anak nitong lalaki. Tumingin din siya sa ama na ngayon ay matalim siyang tinititigan. Para bang binabalaan siya sa isasagot. She composed herself and answered, "Okay naman po. I think... I'm falling in love with this place."
Umalingawngaw ang malakas na tawa ng matandang Hetch. "Marunong ka pala mag-tagalog, iha?"
"Yes, Benedict. Kinakausap siya ng tagalog ng tita niyang si Axis sa Australia. I advised her to let Thaysky learn her true born language." Her father interrupted before completely changing and close the topic between them.
"Brandon, buti at nakasama ka," her Auntie Criselda named the second son.
"Yeah. I asked my colleague for a swap route for the meantime. And besides—" Sumulyap ito kay Eury bago nagpatuloy "— I wanted to see someone."
"Then you will take a leave on Eury's birthday?" The oldest son butted in.
"Yes. My leave is already approved, though."
"About you, Joffrey?" Zedrick joined the topic. He is staring with his old brother before he shoved the meat on his plate and ate it.
"I'm still waiting for the confirmation. Anyway, how's your school? I heard Dorothy is clinging around?"
Humina ang boses nito pero klarado niyang narinig. I assumed Dorothy is a woman? Probably his schoolmate? Admirer? His longtime crush? She shifted on his seat. Scratch the last. Dorothy could be his ex-girlfriend. She called the attention of the housemaid and ask for a juice. Hindi niya pinukulan ng tingin si Zedrick.
"You know her," He lazily said.
"I heard you supported the school for the Grand Prix? That pretty awesome. I'll mark that on my calendar so I can take my leave. I wanted to support our representative. Do you have a bet?" Joffrey continued the topic, but Zedrick seemed off to the topic.
Hindi niya mapigilang uminit ang pisngi dahil patungo sa kanya ang usapan. Sumulyap siya kay Zedrick. Nagkatitigan sila kaya tumikhim siya.
That made Joffrey glanced at her. "Hello, Thaysky. You are here for vacation only, right?" tanong nito.
Lumipad ang kanyang atensyon sa nakatingin na ngayong ama sa kanila, bago kay Joffrey. "I've been here for almost a month and a week." Tumango-tango siya para ipabatid na tama ang kanyang kalkulasyon. "And I will stay for good so I can focused on my goal and make my parent's proud of it." Tinapunan niya ng tingin ang ama, ina at kanyang tiyahin na kapwa nakatingin sa kanya.
Lahat sila ay natigalgal sa sagot niya. Totoo naman kasi. Hindi man siya masipag sa eskuwelahan ay nakikinig naman siya at gumagawa ng assignments. Sasali siya sa Grand Prix para para maipagmalaki siya ng kanyang ama. Darating ang araw na makakamit din niya ang matamis na ngiti nito.
"Your little daughter will surely follow your footstep, Gregery," Mr. Benedict spotted.
Hilaw na ngumiti ang kanyang ama. Hindi niya iyon dinibdib o binigyang kahulugan. Mananatili siya sa kung ano ang tingin nito sa kanya. Pero hindi ibig sabihin noon ay pangangatawanan niya iyon. Magsisikap siya. Pagbubutihan niya. Maybe, a passing grade is not enough. At least her major subjects rise up will make his opinion change.
Matapos nang tanghalian ay nagpasya ang kalalakihan na maglaro ng gold. Lahat ng kanilang sleeves ay nakatiklop na hanggang siko. Mainit dapat ang klima pero kataka-takang makulimlim pero hindi malakas ang hangin.
She watched Zedrick hold the golf stick. He looked lean and tight. The same way with his brothers excluded the two old man. Yet, she can say that the two had the good score than the young ones.
Umirap siya sa kawalan. Golf sports never crossed her mind to get into. Noon pa man niya sinasabi sa isip na larong pangmatanda iyon. Boring. Time wasting. But it needed a wide space for more adventure and thrill.
Pumasok siya sa loob ng kusina para kumuha pa ng hiniwang mansanas. She is expecting Nanay Percy with her minions but she froze when she heard something.
"Hindi niya gagawin 'yon. Hindi ganoon si Brandon. Kakausapin ko siya. Papayag siya."
Kahit hindi niya nakikita ay tiyak siyang boses iyon ng kanyang kapatid. Mahina iyon pero may diin at gustong ipunto. Sino ba ang kausap nito? Dumiretso siya ng pasok. Mula sa gilid ng kanyang mata'y halatang nagulat si Eury at Simon. Dinampot niya ang hiwa ng mansanas sa mesa bago humarap sa mga ito. "Go on. Don't mind me," aniya. Pinakita niya ang hawak. "Kinuha ko lang ito. Aalis din agad. Bye!"
Nang bumalik siya sa garden ay nagtatawanan na ang limang lalaki, kasama ang kanyang ina at Auntie Criselda. Nakita niya sa unahan si Brandon na nagkakamot ng batok. He may be do a mistakes. He will lost if he didn't focused.
Kumuha siya ng isa at kumain. Muntik siyang mabilaukan ng mahuling pinapanood siya ni Zedrick. Kanina pa niya ito nahuhuling tumitingin sa kanya, pero hindi naman siya kinikibo.
"Son, Zedrick. It is your turn now," Mr. Benedict yelled.
Doon na napunta ang atensyon nito kaya bumaling siya kay Brandon. He is chatting with her father and Mr. Benedict. The smile on his face never faded when he speaks. So gentle. No wonder why her father wants him for her sister. They were both good person and prim. Compare to Zedrick that you have to pay for his smile. He is rough. While Joffrey is the half of the two.
"They need to get together so their feelings will grow, Gregery," Mr. Benedict suggested. His right hand tapped the left shoulder of his second son.
"Dad, she's graduating this year. She is pressure. Let's give her some time. Besides she needs to review for her entrance exam on her chosen course," Brandon answered.
He cares for my sister. Oh my gosh!
Tumawa ang kanyang ama. Ginaya nito ang ginawa ng kaibigan. "Your son always considered my daughter's feeling. You know when someone is in the middle of her chaos stage. She needed someone who will stay beside her. Cheered her. And you are the perfect person, Brandon. I'm counting on you."
Sumingkit ang mata niya sa hindi pagsagot ni Brandon. Mukha itong nag-aalala o nagdadalawang-isip?
Kung hindi siya gusto ng kapatid ko at ipipilit ang arranged marriage, masasaktan si ate. She follow all their favor and whim just to end up failed? Pagak siyang natawa. Minsan nang magmahal ni Eury ay mapupunta pa ito sa taong hindi nito mahal. Pilit na tinago ang totoong nararamdaman. Iyon ay para sa huli ay puwede siyang pagbigyan ng kanilang ama. Pero paano ito magtatagumpay kung sarado ang isip ng lahat sa taliwas ng sinisigaw ng puso ng kanyang kapatid.
Kung sana pala naging malaya nalang ito gaya niya. Para makapag-explore ito. Kahit mapunta ito sa taong hindi niya mahal ay sapat ng karanasan na nakasama ang taong mahal nito.
Malungkot niyang tinitigan ang kanyang ama. He is the same. Tumayo siya para pumasok sa loob.
Sa mga taon na nalayo siya sa pamilya ay natamasa niya ang kalayaan. Nagpapasalamat siya dahil doon. Hindi matatawaran ang saya na naramdaman niya sa lahat ng mali o tamang ginawa niya. Marami siyang natutunan. She learned how to control herself from temptation, liberation and drugs. Though she'd fueled her stomach by different alcoholic beverages. Hindi niya iyon maitatanggi. Laking pasasalamat niya sa kanyang Tita Axis na body conscious. Napanatili niya ang payat na katawan at healthy lifestyle.
Dipende sa tao kung paano dadalhin ang sarili sa kalayaan niya. Nilagay niya sa pedestal ang salitang respeto sa sarili, sa gayon ay maalala niya ang kanyang limitasyon. Rerespetuhin ka ng kapwa mo kapag pinakita mong marunong kang mag-control o magdahilan dahil alam mo ang hangganan ng lahat. Maraming hihila sa'yo sa makamundong bagay kapag malayo ka sa pamilya mo, pero siya ang magpapatunay na nagawa niyang tibayan ang sandigan. She is pure. She is virgin. Believe it or not.
Iyon marahil ang dahilan kung bakit ipinagpalit siya ni Kevin sa kanyang kaibigan. Marami pa siyang hindi alam na akala niya ay alam niya na lahat. Pero sa rami ng mga kuwento sa kanya ni Violet, nagkakaroon siya ng ideya at mind experience. The side effect was that her wildest dreams become dirty. And until now, she is trying to avoid it, especially with Zedrick Dominique Hetch.
Tulala siya sa malaking antigong larawan ng kanilang pamilya nang tabihan siya ng kung sino.
"They are your ancestors?"
The temptation's effect truly depends on a person how she/he handle it. If Zedrick is like drugs, maybe she will avoid it. Unang dahilan ay mapapatay siya ng kanyang ama kapag tinikman niya ito. Drugs is literally not good to anyone. And she is not crazy to even think about of trying it.
"Possibly." Tinuro niya iyong babaeng nakaupo sa kanang bahagi. Kahawig niya ang babae. Bibihisan lamang siya ng lumang kasuotan ay walang maipagkakaila. "She looks like me," she chuckled before she glanced at him.
Seryoso ang mukha nito habang minamasdan ang kamukha niya. Inaasahan niyang tutuksuhin siya nito. Ang huling pagkikita pa naman nila ay malaking kahihiyan. He tempted her by showing his juicy abs. Pangalawa iyon sa kanyang dahilan. Zedrick is basically a human version of Zeus. He had a bulky body, hard muscles, and intense aura that every girls will surely drooled off.
One of the weaknesses of the female is an attractive man. Zedrick is not an attractive man because he is the leader of those attractive men. A real temptation that her human body and weaknesses cannot resist.
Lumingon ito sa kanya. "Did you really posted the video on your f*******:?"
Kumurap-kurap siya. Ang seryoso kasi nito. Mukhang binabantaan ang kanyang kapangahasan at pagkakalat ng video nito ng katawan. Gustuhin man niyang sarilinin iyon ay hindi puwede. Galit pa rin siya kay Kevin. Their last conversation made her even more eager to burn them to the sea of regret and madness.
Umiwas siya nang tingin bago tumango. Mula sa gilid ng kanyang mata'y kitang-kita niya ang tuluyang pagbuhos nito ang buong atensyon sa kanya.
Ikatlo ay bata pa siya. Kahit maghubad siya sa harap mismo ni Zedrick, baka humikab lang ito. Masyado pa siyang bata sa mga mata nito.
"Did it worked?"
"I guess, yes. He assumed you as my new baby boy." Sagot niyang bahagyang natigilan sa dalawang huling salitang binitawan. Dagli niya itong nilingon.
Tumaas ang kilay nito. Kung makatingin ay parang may kakatwa sa kanyang mukha. "Baby boy? Really?"
His small voice sends shivered all over her body. Malapot siyang napalunok. "Did you hear that?"
"Hear, what?" Kumunot ang noo nito.
Wala naman talaga siyang narinig. Gusto niya lang takasan ang topic. "My dad is calling me. Good bye, Baby boy." Tinalikuran niya ito at agad na lumakad. Bago siya tuluyang makaliko ay naulinigan niya ang halakhak nito at tinuran.
"See you on Friday, Baby girl."