"What?" Zedrick asked.
Luminga siya para humanap nang isasagot. Nagmukha siyang nilatagan ng exam na hindi nakapag-review. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. "I am-" Her stomach growled as her eyes grew wider. She hurriedly looked at him.
Mula sa pagkalito ay napalitan nang pang-iinsulto. "What Thaysky?" The mocking on his voice was evident on how her name rolled on his tongue slowly.
Yumuko siya at hinimas ang papansing tiyan. "I'm hungry," she spilled the obvious. She heard him chuckled.
"Okay. Where do you want to eat?"
She looked up and met his amused eyes. "I don't have any specific choice but I can eat anything." Tumango-tango pa siya.
Tinaasan siya ng kilay nito. "Anything?"
Tinuwid niya ang kanyang likod. Ngumiwi siya nang maramdaman ang hapdi mula roon. "Yeah. Let's go? I'm. Really. Hungry." Sinundan niya ito nang tingin noong lumapit at sinisilip ang likod niya. "Why?"
Walang patumanggang tinaas nito ang t-shirt niya at napamura sa nakita. "Where did you get that?"
Hinawi niya ang kamay nito. Pilit na humaharap. "Sanga. Kalmot lang. Malayo sa bituka."
His jaw clenched. "It's bleeding, Thaysky. Let's go to the Clinic."
Ayaw niya sana pero nakaramdam din siya ng takot na baka nga malaki. Bumalik sila sa kuwadra at ibinalik ang mga kabayo. Sinamahan siya nito.
"Anong nangyari?" bungad ng babaeng nurse. Ang atensyon nito ay nasa likuran niya.
"May sugat siya sa likod. Pakigamot nalang," sagot naman ni Zedrick.
Halos mapairap siya nang mamula ang babae.
"Follow me."
Bago sumunod dito ay tinapunan niya ng masamang tingin ang patay-malisyang si Zedrick. Nahuli niya itong nakatingin sa makinis at maputing binti ng dalagitang nurse. When he noticed that she isn't moving, he looked back at her. "Hurry up, Thaysky."
Umismid siya. Padabog na pumasok. Gustong-gusto niyang magwala pagkalabas sa Clinic. Walang ginawa 'yung nurse kung hindi ang humagikgik sa kilig habang kausap si Zedrick. Hindi niya tuloy matingnan kung maayos ba ang ginawa nito sa sugat niya.
"Do you eat Kare-Kare?"
Kumunot ang kanyang noo. "I don't know what kare-kare is. From which meat does it make?"
May kakaibang kislap ang lumandas sa mata nito noong tumitig ng saglit. Hindi na siya hinintay nito na sumang-ayon. He ordered kare-kare and even some unfamiliar dish.
They seated across each other on the far side of the restaurant. Hindi niya mapigilang luminga. Gawa sa matibay na kawayan ang buong bahay. Malawak at may ikalawang palapag. Lahat ng gamit ay organic at manmade. Ang lakas makadugong pinoy ng ambiance. Maraming kumakain dahil malapit sa eskuwelahan, simbahan at kalapit na subdivision. Mas marami ang couples na kumakain kaysa estudyante. May iilan pa sa isang mesa ay pamilya.
Habang nilalatag ng waitress ang order nila ay panay ang sulyap nito sa kasama niya. It bothered her if the people could be noticed her. Or if they did, what could they think of her? If girlfriend, of course, they will be afraid. And by judging the way they bore their eyes with Zedrick, they are yelling to her face that she looked like his siblings, a younger sister.
"Hey!" sigaw niya nang makitang tumapon ang sabaw sa mesa.
Humingi ng paumanhin ang babae at nagmamadaling kumuha ng tissue para alisin. Nang matapos ay muling humingi ng patawad at umalis. Tumikhim si Zedrick kaya lumingon siya rito. Tinaasan siya nito ng kilay.
"Spoiling food is a bad mannerism. If my Auntie would see that she will surely got punish." Pagsisinungaling niya kahit pa ang totoong intensyon niya ay palayasin ang babae.
The side of his lip rose up. "That means you will eat this all."
Bumaba ang kanyang atensyon sa mga hindi kilalang pagkain sa mesa. Napalunok siya nang makita ang puting may ginutay-gutay na laman, itim na ulam na nasa mangkok at sa kare-kareng may pagkakahalintulad sa Afritada. Nanatili ang titig niya sa puting ulam. Natatandaan niyang paborito iyon ni Eury. Hindi niya alam ang pangalan noon. Hindi rin niya alam ang lasa, pero tiyak na masarap kung nagustuhan ng mismong kapatid.
I'll taste it now. Gamit ng serving spoon ay tumikim siya.
Zedrick watched her carefully. "How is it?"
Tumango-tango siya nang manoot ang malinamnam na lasa ng gata sa kanyang dila. "Well, I think I'm going to love this one." Muli siyang kumuha. "What meat is this?" she asked innocently.
"It's vegetable, Thaysky. They called it Ginataang Langka." Sinalinan nito ng itim na ulam ang plato niya.
Namilog ang mata niya nang makita ang itim na sauce ay humawa sa puti. Sa tatlong putahe ay iyon yata ang pinakaayaw niyang tikman.
"Try it, Thaysky. Samahan mo nito." Kumuha ito ng puto at inilagay sa plato niya. He even taught her how to eat it.
Ginaya niya iyon at pikit-matang kinain. Halos maiyak siya noong malunok sa sobrang takot. Hindi naman talaga siya maarte. She ate ampalaya, which is one of her favorite vegetables. She even ate okra and kalabasa. She knew papaitan, alugbati soup, and picadillo. Kaya niyang kainin lahat ng iyon kahit ang laman ng kambing. Mga putaheng kayang lutuin ng kanyang Auntie Axis.
Zedrick's heartily laugh made her open her eyes. For some reason, it made her heart flutter. If only eating this dark dish would make him laugh all the time, well, she would be glad too.
Tinawanan din siya nito maging sa palpak na pagtikim sa kare-kare. Sabi niya ay walang lasa, iyon pala ay dapat sinasamahan ng bagoong. Nalaman din niya ang pangalan ng itim na ulam at kung saan gawa. Dinuguan.
Tawa sila nang tawa ni Zedrick nang matapos kumain hanggang maihatid sa Mansion nila. Pinangakuan siya nitong patitikimin siya ng iba pang Filipino food. Sumang-ayon siya sa ideya nito. Pabor sa kanya iyon dahil maiipon ang mga dahilan para magkita silang muli.
Nagpatuloy siya sa kanyang routine kada Lunes hanggang Huwebes na seryoso sa pag-aaral. At kapag Biyernes naman ay hyper siya dahil magkikita silang muli ni Zedrick. On her first two Friday's training were strict and focus. Zedrick was not harsh anymore. They were enjoying each other's company now. Pagkatapos mag-ensayo ay saglit silang tumatambay sa burol para panoorin ang nag-haharvest ng bulaklak. Kapag nasawa ay dumidiretso sila sa restaurant para tikman ang ibang putahe.
Hindi lang siya sa school natututo. Kahit sa simpleng pagkain ay lumalago ang kaalaman niya. Sa tulong ni Zedrick ay unti-unti niyang nasasanay ang sarili sa probinsiya. Simple ang buhay pero nakakaengganyo.
"May nakakita sa inyo ni Kuya na kumakain sa restaurant. Akala ko ba training?" Puna ni Paige habang inuusog ang tasa ng sopas sa harap niya.
Kasalukuyan siyang subsob sa pagguhit ng panibagong damit para sa nalalapit na audition. Sa tuwing kasama niya si Zedrick ay naiisip niya ang disenyo na iyon. It's cowgirl style, but modern and a little bit sexy. "What are you thinking, Amorsolo?" Hindi niya ito tinapunan ng tingin.
"Wala. Buti ka pa kasi, pinapakain ng trainor mo." Tumigil ito sa pagkain para lumapit sa kanya. "Kung yelo ka lang, malamang kanina ka pa lusaw. Si Ken kanina pa tulala sa'yo," bulong nito.
Tinabi niya ang ginagawa para kumain. Sinulyapan niya ang nginuso ng kaibigan. Nang magkatinginan sila ni Ken ay saka ito umalis. Naalala niya ang banggaan nito at Drake. Iniwan ni Paige ang dalawa kaya hindi rin nito alam ang nangyari. Wala naman silang nabalitaan na nahuli ang dalawa ng school discipline team kaya ipinagkibit balikat niya nalang.
"Gusto ka talaga niya, Ulap. Totoo bang may boyfriend ka na? Sayang, e."
"I can't like him. May iba akong gusto, Amorsolo."
Iniisip niya iyon hanggang makauwi. Noong huling pagkikita nila ni Zedrick, tinatanong niya ang sarili kung gusto niya ba ito o baka paghanga lang. Hindi kasi ganito ang nangyari sa kanila ni Kevin. Nagsimula sa pagkakaibigan na nauwi sa relasyon. Nasanay na magkasama. Walang kakaibang pintig sa puso niya, hindi gaya ng magkasama sila ni Zedrick. Her heart is beating fast each time she will caught him staring at her. There is something on his eyes as if there was a mystery that she needed to resolve. His eyes is pulling her into his world and she can't escape on it. She can't resist instead she let herself to be pulled.
Hindi nga lang siya tiyak kung may naghihintay sa dulo. Basta ang alam niya lang ay nananabik siyang makita ito. Masaya siya kapag kasama si Zedrick.
Wala sa sarili niyang sinilip ang notification sa i********:. Marami ang humihingi ng update. Oh yeah. I've been busy and forget about it. I need to follow up on my last post. It's been two weeks. But... how can I do it?
Natulala siya sa kalendaryo ng kanyang cellphone. Huwebes ngayon at bukas ay Biyernes na. Magkikita na naman sila.
The time run really quick. Hindi niya naramdaman ang buong maghapon dahil sa pagiging abala nila sa group work at oral recitation. Nagitla na lamang siya nang biglang magtayuan ang mga kaklase mula sa malakas na bell. Hudyat iyon na tapos na ang klase sa araw ng Biyernes. Hindi pa siya tapos sa lecture. Nataranta siya nang tumayo si Paige. Kilala niya itong mabagal magsulat pero naunahan pa siya. Ugh!
"Bilis, Ulap!" tukso pa nito.
Tatlo pa sila sa klase ang hindi tapos. Bakas ang pagkainip sa mukha ng guro nila noong sumulyap ito sa relo mula sa bisig bago sa kanila.
Damn it! Kumulot na halos ang sulat niya mapabilis lang. Nang matapos ay tumayo siya para ipa-check sa guro ang notebook. Binuklat nito ang naunang pahina bago tumingin sa kanya. I didn't skip, hello. Nakahinga siya nang maluwag nang magsimula itong pumirma. Nagpasalamat siya rito bago tumalikod. Binilisan niya ang pag-aayos ng gamit. Nilingon ang naunang lumabas na si Paige. Naabutan niya itong kausap si Benny. Sa gilid nito si Zedrick na patay malisya sa mga sumusulyap na estudyante.
"Bakit hindi ka pa ready?" Bungad niya habang minamata ang kasuotan nito.
He is wearing his school uniform. His ID laced told her that idea. He was studying at the Rios De Rima Colleges Incorporated. "Doon tayo sa amin. Magbihis ka na."
Tumango siya at tumalikod.
"Saan kayo, kuya?" Naulinigan niyang tanong ni Paige.
Hindi niya na narinig ang sinagot ni Zedrick dahil nakalayo na siya. Habang nagbibihis ay napapangiti siya. Ang salitang sa amin ay patunay na dadalhin siya sa bahay nito. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at agad nagmadali sa pagbalik.
Naabutan niya itong may kausap na dalawang senior na babae. Ang isa ay may binibigay ang cellphone kay Zedrick.
"Crush ka ng ate ko. Pinapakuha niya ang number mo," turan noong nag-abot ng cellphone.
Umismid siya. Sa lahat yata ng idadahilan para makakuha ng number ay iyon ang pinakasablay. Lumapit na siya. "Baby boy, what are you doing?"
Nilingon siya ni Zedrick. Tinaasan siya nito ng kilay. Samantalang ang dalawang babae ay napaatras at umalis agad.
"What is that?"
"I'm helping you. See... it works."
Inilingan siya nito at nilagpasan. Tumakbo naman siya para makasabay dito. Nangingiti siya habang sinasabayan ang malalaking hakbang nito. Doon sila dumiretso sa parking. Nakita niya roon ang Wrangler nito.
"Hindi ko gagamitin si Kidlat?" tanong niya rito.
"Pinakuha ko na kay Caesar kanina pa."
Tumango siya. Umikot para makasakay sa passenger side. Habang sinusuot ang seatbelt ay pinapanood niya ito. "You are late today," puna niya.
"May defense kasi kami. How's school?"
"Normal. Nothing new. How's your defense?"
He stepped on the gas before he answered, "Nagkaroon ng problema kaya natagalan ako."
Humarap siya rito. Ito naman ay casual lang. Nagawa pang lumingon sa kanya na biglang natahimik. "Does your school far from here?"
"Medyo."
Kumunot ang noo niya. Sa biyahe nilang kuwarenta minuto ay ang aga na nila gumising. Paano pa kaya ito? Tapos kapag Biyernes ay tinuturuan pa siya. Naalala niya ang pagtulong nito sa pag-aani. "So, you are waking up so early?"
"I stayed on our rest house. From there it will be five minutes far from my school."
Ngumuso siya. Marami pa siyang lugar na hindi napupuntahan. Gusto niyang makita ang school nito. Gusto niyang mapuntahan ang rest house nito. Humilig siya sa back rest at pinanood ang pagmamaneho nito. Ganoon siya sa mga nagdaang ilang minuto hanggang sa mapansin niya ang hilera ng mga bulaklak.
Napaayos siya sa pagkakaupo at dinungaw iyon. "These are sunflower, right?"
"Yes."
Umikot ang sasakyan kaya nagkaroon siya ng view sa iba pang bulaklak. Hindi siya makapaniwalang makakapunta siya rito ng malapitan. Nakikita niya lang ito sa burol. Saglit siyang natigilan at nilingon si Zedrick.
"Who's the owner of this flower farm?"
Huminto ang sasakyan. Bumaling sa kanya si Zedrick pero hindi sinagot ang tanong niya. Ginaya niya itong bumaba. Lumapit si Caesar tangan ang dalawang bagong pitas na sunflower.
"Boss, ito na 'yung pinapakuha mo." Nang maibigay nito ang bulaklak kay Zedrick ay tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Good afternoon, ma'am."
"Oh, hi. How are you?" she said.
Nagkamot ito ng batok. Bumaling sa kanyang kasama. Si Zedrick naman ay humagalpak ng tawa. "Kaya mo 'yan. Sagutin mo."
"Tang ina ka boss. Hindi mo sinabing spokening dollar 'to!" reklamo ni Caesar.
"Nakakaintindi ako ng tagalog," singit niya.
Lalong humagalpak nang tawa si Zedrick habang si Caesar naman ay pulang-pula sa sobrang hiya.
Doon sila sa likuran nagpunta. Mayroon doong mga bakod na nakaayos. Sapat na jumping obstacles bukod sa pinakadulong mas mataas. Nag-warm up muna siya. Umikot ng dalawang beses. Sinabi ni Zedrick na hindi niya kailangang madaliin. Kapag hindi niya kaya ay huwag pilitin. Nagpaalam din itong iiwan siya saglit.
Sa unang subok niya sa maliliit ay ganado pa siya, pero noong sa pinakamataas na ay agad siyang tumigil. Pilit siyang binabagabag ng alaala ng kahapon. Pumikit siya at inisip ang dahilan kung bakit siya bumalik sa pangangabayo. Kailangan niyang makuha ang loob ng ama. Para sa pagsusumikap ni Zedrick na turuan siya. Sa suporta ng kanyang tiyahin at ina. Sa bawat pag-aalala ng nakatatandang kapatid.
Bumalik siya sa kaninang puwesto para kumuha ng buwelo. Tinitigan niyang maigi ang apat na obstacle. Humugot siya ng hangin bago sumigaw, "Hiya!"
Tumakbo si Kidlat. Muli niya itong nilatigo para sa sapat na bilis. She gripped the leash and prepared her body for a small jump. When finished the three obstacle, she eyed the biggest one. Isa rin sa mga dahilan niya kung bakit siya sumali ay para patunayang hindi siya mahina. May tiwala siya sa sarili. May tiwala siya sa kakayanan ni Kidlat.
Buong lakas na tumalon si Kidlat. Sinabayan niya ito sa gayon ay parehas silang lumutang sa ere. Ngumiti siya nang maramdaman ang kakaibang kiliti sa tiyan. Kidlat, salamat. Nag-unahan ang luha sa kanyang pisngi noong matiwasay na nakalagpas sila. Kinabig niya agad ito para tumigil.
Wala namang kumpetisyon pero walang tigil ang pagluha niya. Tracy, did you see it? I can finally jump. Tumuwid ang kanyang likod sa narinig na palakpak mula sa likod.
Marahang lumapit si Zedrick habang patuloy na pumapalakpak. "That's impressive."
Sa isang kilos ay nakababa siya. Pilit itinatago ang bugso ng damdamin. "Magaling lang talaga si Kidlat." Nanginig ang boses niya.
"Are you hurt?" Pilit itong dumudungaw sa kanya.
Yumuko siya at napamura sa sensitibong parte ng kanyang sarili.
"Boss, miryenda muna kayo ni ma'am." Si Caesar na biglang sumulpot tangan ang pinggan ng nilagang mais.
Tumikhim siya sa naabutan nitong position nila. Binalya niya agad sa dibdib ni Zedrick ang tali ni Kidlat at agad dumistansiya. "Thanks, Caesar," aniya matapos palisin ang luha sa pisngi. Sinulyapan niya ito.
Kay Zedrick ito nakatingin habang nakangising-aso. "Iba talaga si Boss," tudyo nito.
"Are you done with your delivery?"
"Oh, s**t! Oo nga pala." Sa kakamadali na makaalis ay pinatong nito sa lumang drum ang plato. Tumawa siya nang muntik itong mapatid sa nakausling ugat ng puno ng manga.
"He is loyal to you." Tumawa siya habang sinusundan ang pag-alis ng isang truck ng mais. Pagbaling niya kay Zedrick ay naabutan niya itong lumalapit sa plato. Kumuha ng isa at pumangas ng dalawang beses.
"Masarap?" tanong niya.
Tumango ito. Muling kumagat ng dalawang beses. Mabilis siyang lumapit at tinitigan ang mais sa plato. Dilaw iyon. Halatang malinamnam. Muli siyang lumingon dito.
"Ayaw mo?" tanong nito nang hindi siya kumuha ng isa.
She watched his Adams-apple goes up and down when he swallowed. Tinaasan siya nito ng kilay bago kumagat. Tumingkayad siya at sumabay sa pagkagat. Kitang-kita niya ang pagtigil nito sa gulat. Siya naman ay ngumisi pa at humawak sa kamay nito para tuluyang makakagat. "It came from the farm here, right?" she asked while munching the corn.
Nahuli niya itong nakatingin sa labi niya. She thought there's a dirt on the side of her mouth. She wiped the both side of her lips using her tongue. "May dumi pa?" inosente niyang tanong.
Mula sa kakatwa ay dumilim ang titig nito sa kanya. "Do you always do that to impress boys?"
"Ha? Whose-" Saglit siyang nag-isip. Nang maalala ang paghigit sa kanya nito noong magsuntukan si Drake at Ken ay ngumisi siya. "Ngayon ko lang ginawa 'to. What are you talking about?"
Bigla niyang naalala ang estilo noon ni Violet kapag gusto nito ang isang lalaki. Pilit nitong ilalapit ang mukha sa lalaki. Kapag namula o humalik sa labi ni Violet ay ibig sabihin gusto siya. On her case, Zedrick is impossible to fell on her young charisma. Basta't tititig ito sa labi niya ay sapat ng katibayan na may pag-asa siyang pumasa sa panlasa nito.
Muli siyang tumingkayad para ilapit ang mukha dito. Nawalan siya ng balance kaya sumandal siya sa dibdib nito. He even held her waist to support her. They were so close that she can almost smell his manly scent and minty breath. "You don't answer my question, Dom."
Namilog ang mata nito. Bumaba ang titig sa kanyang mga labi.
Nanatiling tikom ang kanyang bibig kahit pa sa loob niya ay gusto niyang ngumisi. She won. But then she got stunned when he pushed her a little.
"Young miss, you had two question. Which should I answer then?" Tinaasan siya nito ng kilay.
"Whatever. I know this is your families land. These corn and flower farm is obviously, yours."
"Hmmm... The last statement is correct."
Pinatong niya ang parehas na kamay sa batok nito. "I will say it again. This property is yours?" Puwede na siyang estudyante ni Violet sa panggagaya ng boses nito sa tuwing nang-aakit.
His jaw clenched. Kinalas ang kamay niya. Lumapit sa drum para ipatong ang kinakaing mais. "Precisely," sagot nito. Naglakad patungo sa poso.
May kataasan ang lupa roon kaya sumunod siya. Mula roon ay tanaw ang nagtataasang sunflower farm. Kapag diniretso iyon ay maaaninaw ang maisan. Siya ang may-ari nito at umaani? Akala ko ay engineering ang kurso niya? Impossible. Nag-aaral pa siya, hindi niya puwedeng pagsabayin ang pag-aalaga sa farm na ito sa pag-aaral. "You do this all by yourself?"
"Of course, I have my workers, Thaysky. Caesar is one of them."
Tumitig siya ritong nakatalikod naman sa kanya habang nakapamaywang. Humahanga siyang sa murang edad ay may ganito na itong kaalaman. Nag-aaral palang ay kumikita na ito. Naalala niya ang sinabi ng ate niya. Ang pamilyang Hetch ay kilala sa aviation field. Pero si Zedrick lang ang lumihis ng hilig. Marahil ay nakita ng binata ang interes sa business at kinuhang kurso.
"Paano kapag nasa school ka? Sino ang nangangalaga rito?"
"Katuwang ko rito ang ama at ina ni Caesar. Sila ang nakatira sa kubong malapit sa maisan."
Tumango siya. "Hindi ka ba nahihirapan? Nag-aaral ka, kolehiyo pa. Your studies need an attention, yet you are here with me. And then you're taking care of your farm. It's difficult... Dom."
Nilingon siya nito. "Dom?" ulit nito habang nangingiti. "Kapag gusto mo ang isang bagay, hindi mo maiisip ang hirap. Kadalasan mas nananaig ang pananabik at saya. Tandaan mo 'yan, Thaysky."
He is against the sun. His bulky body and stance looked magnificent and strong. And he is right. When you like what you are doing, you'll see only the happiness of it. The feeling of achieving the finish line with a smile on your face. Not minding the hard work and wasted time. You'll just enjoy the moment because you want it to happen.
"Saan ka niyan bukas?"
"Every Saturday is delivery. I am here in the morning to assist it and in the afternoon I have to go back to the rest house to study."
Tumango siya. Inaalala ang walang kabuluhang Sabado niya. Wala naman siyang matandaan na espesyal bukas. Lalo kapag Linggo bukod lamang sa pagsisimba. "Puwede ba akong sumama sa'yo? I'm bored in my room. Besides, I need to follow up my post. Do you still remember it?"
"I will study. I need to be at peace."
"Promise. Hindi kita guguluhin. Gusto ko rin makarating sa ibang lugar. Gusto kong makita ang rest house niyo. Dalawang taon nalang. I will enter your world so I need to visit your school too. Magpapaalam ako ng maayos."
Huminga ito nang malalim. "I can't help you now with your stupid mission. I need to study and review."
"Drop the mission. We can do that later. I just wanted to explore this province," she murmured.
"Regardless. Let's schedule your visit next week. Okay? Ihahatid na kita. Magpapaalam tayo sa Tita mo."
Halos magliwanag ang buhay niya sa sinabi nito. Bukas o sa susunod pa, ang makita ang lugar nito ay sapat na. Ganoon nga ang nangyari. Pagkauwi'y masigla niyang niyakap at hinalikan ang tiyahin niya ng pumayag.
"Basta at ihatid mo siya, Iho. Hindi puwedeng gabihin iyan," paalala ng kanyang Auntie Criselda.
Kumakaway siya sa papalayong sasakyang Wrangler. Nakangiti siya nang tumalikod. Iniisip niya na kung anong gagawin doon sa susunod na Sabado. Dahil nalaman niyang may malapit na fishpond sa rest house nito ay isasama niya sa listahan ang fishing. May swimming pool din. She will swim too. I hope he is alone there. The idea of being with Zedrick alone on that house looks romantic. She can watch him study while she is cooking for him. Kahit pa ang alam niya lang lutuin ay tinola.
She is humming her favorite song when she passed through Eury's room. Agad siyang tumigil nang makarinig ng iyak. Lumingon siya sa pinto at napansing hindi maayos ang pagkakasara noon. Lumapit agad siya at sumilip. Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng makitang nakasubsob si Eury sa kama at humahagulgol.
Umabante siya pero natigilan nang damputin ng kapatid ang unan at ibato sa sahig. Ang iyak nito ay puno ng galit. She need to give her a private space and respect. It is not the right time to intrude. Dahan-dahan niyang sinara ang pinto. Saglit na natulala sa sahig.
Eury is crying why?
Pumasok siya sa kanyang kuwarto upang mabilis na makapagpalit. Doon siya dumiretso sa pool side para matapos ang ginuguhit niya. Doon din niya napagpasyahang gawin ang lahat ng assignment niya. Mag-aaral nalang siya magluto bukas at sa Linggo.
Lumipas ang isang oras ay natapos niya na ang English, Science at Essay. Habang binubuklat ang math notebook ay narinig niya ang boses ni Simon.
"Eury bakit naman ganyan? Akala ko ba ako. Bakit naging siya?"
Tumuwid siya sa pagkakaupo at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Lumingin siya sa parking space nila. Tiyak siyang doon galing ang boses.
"Simon-"
Halos humaba ang leeg niya nang marinig ang mahinang boses ni Eury. Tumayo na siya at lumapit sa kanilang Nissan Patrol. Mula sa side mirror ay kitang-kita niya ang pag-iling ng kapatid bago umalis. Pumikit si Simon. Ang nakakuyom nitong braso ang mapapatunay na galit ito. Sumunod ito sa ate niya kinalaunan.
Is it because of Brandon? Tumalikod siya roon at ipinagkibit balikat. They can solve it for sure.