Good news

3825 Words
LAST night, the three brothers were invited to their mansion for a dinner. Her auntie Criselda told them so, but Zedrick barely speaks with her. Kahit hanggang makauwi ay wala silang imikan. Hindi siya pinatulog noon, kaya bumangon siya at sinubukan itong tawagan. Wala pang ring ay binaba niya na agad at umiling. Her ego was telling her she doesn't do anything to upset him. She passed the freaking audition and his sunflower is a lovely idea. But any words from him is much, much better than anything. But he didn't at least say the cue word congratulations to ease her pain. Instead, he planted a heavy burden on her chest. "Is he mad at me?" she asked as she followed his movement when he joined his two brothers grilled the meat. Maaga silang sinundong magkapatid ni Brandon, at napagkasunduang sa rest house mag-picnic. Eury with her two ladies friend tried the fishing. Nakakainggit ang hagikgikan ng mga ito. She heard Brandon that the three will never get a fish if they are noisy, yet here they are. Girls and their unstoppable mouth. She sighed and eyed the romantic couple beside her. Gusto niyang palayasin ang dalawa. Masakit sila sa mata. Umihip ang malakas na hangin kaya umangat ang kanilang sapin. She hurriedly stood up to fix it before she glanced at their food. She is guarding those against any predator- cats or insects. Kumuha siya ng bato upang gamiting pabigat. "After this where do you want to go guys?" Joffrey asked. Sabay na lumingon si Paige at Benny dito, habang siya ay sinulyapan ito mula sa kanyang ginagawa. "Let's stroll... if that's okay with you guys," she suggested. "Tara. May tatlo namang sasakyan," si Paige. Nag-peace sign sa mga pinsan niya. Joffrey and Brandon agreed while Zedrick retained looking at her. It made her uncomfortable. Hinayaan niya kila Benny at Paige ang pagkain at pumasok sa loob ng bahay. Malakas doon ang wifi kaya gusto niyang makita ang mensahe ni Axis tungkol sa footage. Axis: You are indeed good at that. Axis: I'm still waiting for the new guy. Ngumiti siya at nagtipa ng reply. Nasa kalagitnaan palang siya ng mensahe ng may bastos na humila sa kanyang braso. Sa gulat ay kumuntik niyang mabitawan ang hawak at hindi sinasadyang na-swipe ang video call. Zedrick's serious face welcomed her. His eyes drifted on her phone before boring a hole infelt her face. "Give me your wounded hand," he ordered like a mad king who's angry with his captive. She frowned. "It's nothing. You don't have to-" Wala siyang nagawa ng hablutin nito ang kamay niya at walang pakundangan na tinanggal ang malaking bandage. Her face instantly distorted when she felt her flesh torn. The blood becomes dry that is why it stick with the bandage. "Really? This is nothing?" The sarcasm on his voice and how he looked at her made her knees tremble in fear. Palagi nitong ginagawa ito sa kanya, kaya sa huli ay tumatahimik na lamang siya. Walang tamang paliwanag ang titibag sa katotohanang kapalpakan. Pinaupo siya nito sa sofa upang kunin sa ilalim ng center table ang medicinal kit. Nilinis nito ang natuyong dugo bago kinuha ang alcohol. Sa takot ay hinila niya ang braso. Matigas naman nitong kinuha ang kamay niya at hinawakang maigi. Pumikit siya ng makita ang dami ng alcohol na nilagay nito sa cotton. Halos mapamura siya sa katakot-takot na hapdi na mararamdaman. "That's surely painful, Sky." Dumilat siya sa gulat. Nagkatinginan sila ni Zedrick at mabilis na hinanap ang pinanggalingan ng boses. They found Axis on the live screen watching them with a devilish grin on her face. "What the- How did you do that?" she asked, her brows were all flying up. "Oh, witty, Sky. You just called me and I simply answered it." Panay ang tingin nito kay Zedrick matapos ay mapang-asar na nag-peace sign sa kanya. Suminghap siya sa sobrang hiya. Hindi niya magawang sulyapan ito dahil pakiwari niya mapula pa siya sa kamatis na hinihiwa kanina ni Brandon para sa isda. "Go on. You two are looking good together. Bye, Sky. Call me when you are done with your Baby Boy!" What the flying f**k! Wala na siyang nagawa ng mamatay ang video call. Nahihiya niyang sinulyapan si Zedrick. Tinaasan siya nito ng kilay. "Who is she?" "My father twin sister. She's my Auntie Axis. I lived with her in Australia." Tumango ito, halatang hindi kuntento sa sagot niya. "And who's the boy from yesterday?" Kumunot ang noo niya. Sa dami ng taong nag-congratulate sa kanya ay hindi niya alam kung sino roon ang tinutukoy nito. Walang babalang pinahid nito ang cotton na may alcohol sa kanyang sugat. Nalukot ang kanyang mukha sa sakit pero tiniis niyang hindi maiyak. Alam niyang sinasadya nito iyon. "Which boy are you asking me?" she clarified, her tone sounded raging with wrath. His aura increases and the mockery and disgust of his eyes lingered on her body. "That boy who's handling over you the phone. Obviously, you two are exchanging digits." She let out a sarcastic laugh. "He is Silver. He is my coordinator. Of course, I should be updated on the Grand Prix, for goodness sake." His jaw clenched. "I'm part of the Olympic Association. You don't need him." Kumuha ito ng bandage at nilagyan ang kanyang sugat. Oh! "Okay... anyway thanks nga pala sa sunflower. At thank you sa panyo. Kung hindi dahil doon, siguro... hindi ako makakatalon." Her attention drifted on his thumb stroking her palm. It was very gentle and warm. Nahigit niya ang hininga ng tingalain siya nito. "Masakit pa rin ba?" Umawang ang kanyang labi bago umiling. Gusto niyang hindi pangalanan ang nakita sa mga mata ng binata. Hanggang sa magsakayan sila sa mga sasakyan para mag-stroll papunta sa Hidden Falls ay iyon ang iniisip niya. Posible ba 'yon? Posible bang magkagusto ang isang Zedrick sa gaya niya? "Carry the light thing girls. And Eury, huwag kayong maghihiwa-hiwalay," litanya ni Joffrey nang marating nila ang lugar. Manghang-mangha ang tatlong babae habang sinusundan niya ng tingin papasok. Ganoon siya ng unang dating nila noon ni Zedrick. Napuntahan na iyon ng magkakapatid na Hetch. Si Joffrey ang nagdala sa magkuya ng maka-graduate si Brandon ng High School. Simple ang lugar pero malawak. May tatlong Gazebo at isang comfort room. Halos okupahin nga nila ang lugar ng magsimulang magtanggalan ng damit sila Swanda, Kailli at Paige. Hagalpakan ang mga ito nang sabay-sabay na tumalon sa tubig. A shivering of excitement gushed through her veins. Her eyes found Benny who's excitedly jump from the falls. Tumawa siya nang umangat ang lalaki. Gusto niya na ring lumangoy. Agad siyang tumakbo ngunit napigilan ng may humila sa damit niya. "You can't jump that falls alone," a baritone voice warned her. Nakakaloko niyang nilingon si Zedrick. Sa harap nito ay walang patumangga niyang hinubad ang suot. Ipinagmamalaki ang kanyang black sided ripped one piece. Pumito si Joffrey na lumagpas sa kanila, tangan ang mga kagamitan. Sumusunod dito si Brandon at Eury na katuwang ng panganay na Hetch sa pagbubuhat. "Let's jump now?" tukso niya. Lahat ay sumubok sa falls bukod kay Eury at Brandon na busy sa inihaw na isda. Kung hindi dahil sa panunudyo ni Kailli at Swanda, baka hindi nagpalit ng damit ang kapatid niya. Parehas ang suot nila. Ang ipinagkaiba nga lang ay kulay at pinatungan ng shorts. Habang kumakain ng barbecue ay sinusundan niya ng tingin ang kapatid. Hindi ito marunong lumangoy. Good thing that Brandon is a seafarer and expert on swimming. They both climb up on the wall and checked on the surface of the water. Eury is obviously afraid of heights. Ilang beses itong umatras abante sa tuwing tatalon na. "You can do it!" sigaw niya. Naiiyak sa takot si Eury, pero dahil sa sinigaw niya ay nagkaroon ito ng tapang. May sinabi si Brandon dito kaya tumango ito at tinanggap ang kamay ng lalaki. Everyone laughed when Eury's loud voice echoed when she jumped together with Brandon. The splash of water reach Benny and Paige. Tinawanan ito ng mga kasama. Habang siya ay matamang naghihintay sa pag-angat nang tumalon. "O, ayan na 'yung dalawa." Si Kailli na kumukuha ng barbecue sa gilid niya. Nakakapit ang mga braso ni Eury sa leeg ni Brandon habang ang lalaki naman ay inaalis ang tubig sa mukha ng kanyang kapatid. Nagtagal sila roon at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagnakaw ng halik ni Brandon sa nakatatandang kapatid. Umawang ang kanyang mga labi sa pagganti ni Eury ng halik. Saglit lang iyon at hindi napansin ng mga kasamang busy sa kanilang ginagawa. She likes Brandon? Kinain noon ang sistema niya at hindi napansin si Zedrick na kanina pa siya inoobserbahan. Tumayo siya roon at tinabunan ang sarili ng tuwalya. "You cold?" Nilingon niya si Zedrick na umupo sa tabi niya. "Nah, I'm just hungry. Gusto mo?" Nagulat siya ng sa mismong stick niya ng barbecue kumagat ito. "My second brother's recipe for barbecue is delicious," Zedrick moaned. Ngumiti siya. "He did it manually?" "Yeah. Among the three of us, he is the best in the Kitchen." Tumango siya bago sinulyapan ang tinutukoy. Palapit ang mga ito sa kanila. Sumingkit ang kanyang mata sa nag-iisang upuan sa tapat. She expect him to let her sister sat on the chair. Pero nagulat siya sa ginawa ng lalaki. Ito ang naupo at sa kandungan naman nito ang kapatid niya. They ate peacefully as if they aren't exist. Bumaba sa kanyang pagkain ang kanyang atensyon. Ang mga ngiti ni Eury kapag kaharap si Brandon ay ibang-iba kapag kay Simon. They were beyond friendship. Is she in love with Brandon? They all turned their gazed on the incoming car. Huminto iyon sa tabi ng Chevy ni Brandon at bumaba ang seryosong si Simon. "Hinahanap ka ni Sir Gregery," sabi nito habang ang buong atensyon ay kay Eury. Kumalabog ang kanyang dibdib. Walang nakakaalam na uuwi ngayon ang ama nila. Nagkatinginan sila ng kapatid niya. Kung siya ay kabado, takot naman ang nakita niya sa mata ng kapatid. Lalo nang ibalik nito ang atensyon kay Simon at napabitaw sa kamay ni Brandon. Her mind isn't working while on their way home. Kanina pa siya tinatanong ni Paige na sumabay na sa kanila ni Zedrick. Pero ni isa ay wala siyang nasagot. Natatakot siya sa ibubugang apoy ng kanyang ama. Kahit nagpaalam sila, ang isama si Eury sa ganoong kalayong lugar ay delikado. The car entered the huge gate. Dumoble ang pintig ng kanyang puso. Kasama pa naman niya ang mga kaibigan at si Zedrick. Minsan na siyang napahiya noon. Kaya niyang lunukin iyon pero huwag sanang sa harap ng mga ito. Malayo palang ay natatanaw na niya ang amang naghihintay sa kanilang pagdating. Nasa likod nito ang kanilang Auntie Criselda at ilang tagasilbi. Pagkahinto ay agad siyang bumaba. She was about to say sorry until Joffrey greeted her father with a scandalous voice and confidence. "Magandang gabi rin, Iho. Kasama pala kayo sa mga dalagita ko." Their father approached Joffrey for a hand shake. Lumapit din si Brandon at Zedrick para bumati. Pagkaraan ay isa-isang minasdan ng kanilang ama ang natitira. Nakilala nito si Paige bilang anak ng Mayor na si Pakundo Amorsolo. "Kamusta ang papa mo, Iha?" "Okay naman po. Busy po 'yon sa bagong proyekto nila sa kalsada at nasalanta ng bagyo." "Ganoon ba? Kapag nagkaroon siya kamo ng oras. Bisitahin niya naman ang kaibigan niya. At hindi niya pa yata nakikita ang inaanak niya." Tumawa ito. "Nagkita na po sila kahapon. Pinanood niya po ang audition ni Thaysky." "Really?" Ang atensyon nito ay lumilingid sa mga kasama niya hanggang sa mapako sa kanya. He is laughing but she can't feel the happiness on his eyes. Especially when he scanned her outfit that only covered with Zedrick's big shirt. "I heard you passed the audition. What happen to your hand?" "Shallow wound, dad. Malayo sa bituka," she bubbly said, following his line of vision. He is staring at her sister then afterwards, Criselda. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Sana ay nasuportahan ko ang aking anak." He looked back at her. "Mag-iingat ka sa training mo. Sa mismong araw ng laro ay uuwi kami para suportahan ka. Anak ko." Tumingin ito saglit sa tatlong Hetch bago kinausap si Simon para sa ilang utos. She was left stunned on her position. Hearing those precious words from her father felt heaven. Parang kinikilit ang kanyang puso. "Hey." Nakangiti niyang binalingan si Zedrick. "Ha?" "Uuwi na kami. Answer my call later." Hinuli niya ang kamay nito upang pigilan sa pag-alis. Para siyang balde na umaapaw sa tubig. Gaya ng kanyang nararamdamang saya ngayon. "Do you want to come with us?" naguguluhang tanong nito. "What? No, Zedrick. You know I can't." Ngumisi ito at sinundot ang ilong niya. "Sinusubukan lang naman kita. You look constipated a while ago. Don't do it again, you are making me nervous." Ngumisi rin siya. "Kabado lang ako, pero salamat. Kung hindi sa inyo nila Kuya Joffrey, siguro nasa bingit na ako ng kamatayan." "Don't say that. You always had me." He cupped her cheeks and smiled. Buhat ng gabing iyon. Palagi na siyang pinapayagang gabihin basta't ihahatid siya. Sa isang linggo ay apat na beses siyang nag-eensayo. Sa backyard ng kanilang mansion kapag wala si Zedrick, kapag naroroon naman ay sa Farm. Caesar's family treated her really nice. They would cooked her different kinds of Filipino dish. Hindi nawawala sa mga iyon ang mais. "Ang ganda-ganda mo noong audition, Sky. Alam mo bang pinag-uusapan ka nila sa bayan. Crush ka raw ng anak ng Gobernador. Pati 'yung mayamang schoolmate ni Sir Zedrick ay interesado sa'yo. Si Silverano Bautista yata." Buong yabang na kuwento ni Mae habang sinusubuan ng pagkain ang bunsong anak nito. Nagitla sila sa pagbuhos ng mga hilaw na mais sa palanggana. Galit siyang pinukulan ng tingin ni Zedrick bago pinunasan ng towel ang noo at batok. "Sir, lahat iyan ay gagawing binatog?" Si Caesar na hindi makapaniwala sa nakikitang umaapaw na mais. Tumalikod sa kanila si Zedrick ng walang sinasabi. Nagkatinginan sila ni Mae at magkasabay na nagkibig balikat. "Who's Silverano, Mae?" pagpapatuloy niya. "Madalas siyang tawaging Silver. Tingin ko ay nakausap mo siya noon. O... Sir?" Kunot noo niyang nilingon ang likuran. Nagdaan si Zedrick pero likod nalang nito ang kanyang naabutan. "You know, Mae. I'll just follow him." Paalam niya rito bago tumayo at sumunod. Nagitla siya nang makasalubong ang binata habang hila si Kidlat. "Where are you going?" usisa niya. "I will wash him. He stinks," sagot ni Zedrick. Pinanood niya ito sa gilid. Kidlat likes how Zedrick caressed his body with soap and foam, especially when he shampooed the hair. Kung hindi nga lang lalaki ang kabayo ay iisipin niyang nilalandi nito si Zedrick. Who could envy the horse if the person who would clean you is half naked with an intimidating body? Kahit si Mae ay namumula kapag kausap ito. Hindi siya nagseselos, sadyang napatunayan lang niya na hindi lang siya ang nagkakaganoon sa harap ni Zedrick. Iyon nga lang kaya niyang itago ang kilig sa pamamagitan ng kalokohan. "Kasabay ng Grand Prix ang birthday ni ate. Gusto ko siyang surpresahin," basag niya sa katahimikan. "Then what is your plan?" "I want to ask Kuya Brandon how to bake a cake. I can't practice at home my sister would see me." "He can't teach you, Brandon is barely in the rest house. He usually out of the town because of his work. But I can ask our cook to help you." Pumayag siya sa plano nito. Each week, she will passed by on Hetch Mansion. At first visit she failed five times. Hindi niya inaasahan iyon. Kapag sa video kasi ay mukhang madali. Pero noong ginagawa niya na ay napakahirap pala. "Ano bang plano mong design?" tanong sa kanya ni Zedrick habang tinititigan ang Chocolate Cake na gawa niya. Nagmukha iyong colorful dahil sa ibat ibang kulay ng icing. Pinagtawanan pa siya ni Paige dahil mas mukha raw rainbow kaysa Choco Cake. Ngumuso siya. "How about a Sunflower Caramel Cake? She likes flowers an caramel so... what do you think?" "Ay bet, sagot ko naman ang bulaklak," suhestiyon ni Paige. All her preparation, training, and updates were arranged by Zedrick and Paige. Thanks to the two, everything was settle and in the proper place. She is fully conditioned. Kidlat is maintained by vitamins for the stamina and strong bones. Her mission for the birthday tomorrow will be ready later. "Bukas nalang, Ulap. Susunduin ka ba ni kuya?" "No, Amorsolo. Si Caesar ang susundo. Bukas pa kami magkikita ni Zedrick." "Okay. Ingat. Text-text nalang." They waved each other and parted roads. Today is Friday so everyone is excited for the weekend. Iilan din sa mga estudyante ang bumabati at nagpapabatid ng suporta. Ilang pasasalamat at kunwetuhan ay umalis na siya. Sa kanyang pagliko ay nabitawan niya ang plastic na naglalamang icing. "Oh, sorry!" A gorgeous woman ranged with Zedrick's age bumped her accidentally. "It's fine." Isa-isa niyang pinulot ang pakete na nagkalat sa paanan nito. Hindi niya maabot iyong isa, kaya ang mismong babae na ang dumukwang para matulungan siya. "There. Sorry talaga miss. Anyway, kilala mo ba si Thaysky Suniga?" "Yeah. I'm Thaysky, what can I do for you?" she innocently asked, through eyes, she's checking all the color of icing inside the plastic. "Really? So it was true." Kunot noo niyang tiningala ang babae. Ang kinulot nitong blonde na buhok ay lalong tumutulong upang paangatin ang mapusyaw nitong kulay na balat. Makapal ang make-up at halatang bihasa lalo sa perpektong ahit ng kilay. Inilahad nito ang kamay patungo sa kanya. "Ako nga pala si Dorothy. Zedrick's girlfriend." Napunta sa kamay nito ang kanyang atensyon. Hindi niya maintindihan. Anong pinagsasabi ng babaeng ito? Binawi nito ang kamay ng hindi niya paunlakan. Hilaw itong tumawa bago pinagkrus ang mga braso. "Marami mang nagsasabi na foreigner ang look mo. Alam kong nakakaintindi ka ng tagalog. Puwede bang layuan mo si Zedrick? Hindi ka nakakatulong sa grado niya. Hindi siya sumasali sa group work namin dahil palagi ka pala niyang tinutulungan sa training. Nakakasira ka sa pag-aaral niya. Hindi ka naman niya responsibilidad. Isa ka lang grade eleven." Humagod ang tingin nito sa kanyang ulo hanggang paa. "Malaking bulas ka para sa batch mo, pero maniwala ka. Hindi kayang ma-satisfy ni Zedrick sa ganyan katawan. You are just a kid to his eyes, pathetic bitch." Natulala siya sa gulat. Ilang beses siyang kumurap-kurap bago hinabol ng tingin ang papalayong babae. Did she called me, pathetic b***h? Pagak siyang natawa. "Ang kapal ng mukha niyang sabihin na-" I can't satisfy Zedrick with my puberty body! Tiim-bagang niyang nilunok iyon para dumiretso sa parking space. Tahimik siya biyahe kahit nang makarating at magsimula. Sineryoso niya ang ginagawa. Kahit pa ilang beses siyang ginagambala ng mga sinabi ni Dorothy. She can't ignore them especially the word satisfaction. It makes her irritated. Upset that why she born so late and not with the same year with Zedrick? The way Dorothy confirmed with her that she was Zedrick's girlfriend added some barrier on his high walls. She can't reach him while Dorothy can kissed him. They share bed. And I am just a burden for him. All along I thought we are okay. So he is just helping me. Yes, he wants me to join for the Grand Prix. That's all. Acid dripped into her heart. It hurts her. Tinapunan niya nang tingin si Nana Virgie nang tumayo ito. "Sorry, ano po ulit iyon?" "Ang sabi ko, iha. Maganda ang gawa mo. Talagang isinapuso mo ang turo ko. O- Iho. Kanina ka pa ba riyan? Ang bigat ng kanyang dibdib. Hindi niya yata kakayaning makita ito ngayon. Pero paano pa kung mula sa gilid ay tanaw niyang nakatingin ito sa kanya. He was still on his uniform. Tanggal na hanggang kalahati ang butones nito, lumalantad ang suot na sandong panloob. He looked worn out and drowsy. But he said he is single. Paige can proof that too. Binalikan niya ang nakaraan, kahit ang bawat pagbisita niya sa rest house nito. Matatawag bang in a relationship ang lalaking magdadala ng grade eleven na babae sa bahay nito ng sila lang? He prepared her an intimate brunch that even Kevin didn't bothered to give her. Calls at night. Sweet talks and holding hands? "How is it?" "Ang ganda ng pagkakadisenyo niya. May magaan siyang kamay. Maganda rin ang mga gawa niyang disenyo," si Nanay Virgie na ang sumagot. "Design?" Huminga siya nang malalim. Hindi siya puwedeng magkaganito bukas. Kailangan nilang pag-usapan ito. "I made some designs for clothe. It's on my phone. Habang naghihintay na maluto ay pinakita ko kay nanay," she explained with him. "May future ka sa baking, iha. Puwede rin naman iyang pagguguhit. O, siya maiwan ko na kayo. Bukas nalang, Iho. Good luck sa competition mo, Iha." Pagkalabas nito'y katahimikan ang agad na namagitan sa kanilang dalawa. Her body instantly froze when Zedrick's hand stretched on her side. He is so closed that she can feel how warm he is against her back. Even his manly scent immediately attacked her. To resist it, she closed her eyes. But the sound of the keys and phone made her looked on the table. "The cake looks yummy," he murmured before he left her and took a glass of water inside the fridge. "Thanks. Tomorrow is the competition. After this we don't have any more reasons to see each other. You can have your time for your girlfriend, Dorothy. And I can fo-" "What are you talking about?" His voice is low but it sounded growled of an angry beast. It send shivered down her spine. "That you and Dorothy had a relationship." Lumapit ito at pagod siyang tinitigan. "It's not true. Believe me. She is just my classmate. That's all." Pumiksi siya ng subukang nitong hawakan ang kamay niya. Pero tuso at bihasa nitong kinulong siya sa mesa. Hindi siya makatakas, lalo sa mga titig nitong nang-aasar. "Is this the reason why my baby is sulking?" His both arms on her side curled around her waist. God knows how she wanted to push him, but her whole body were against with her. Kaunting lambing pa nito ay bibigay na siya. Matalim niyang tinitigan ito, pero mas nagmukhang umaasa ang kanyang mga titig. "Wee?" tudyo niya. Humigpit ang yakap nito sa kanya. Leaning his head against her while sniffing her hair. "Gusto mo na ba talagang magkaroon ako ng girlfriend?" Hindi siya nakasagot. The thought of Dorothy with Zedrick hurt her so bad. Naninikip ang dibdib niya. "Hey?" He lifted her chin so he can see her eyes. "Anong iniisip mo?" "Of course. You're in your right age so, you can have a girlfriend while I can't." Umiwas siya nang tingin matapos ay ngumuso. "That's why I can't court you. Your still young and-" "Excuse me. I'm not a kid anymore. I have a different culture than those stereotype." Tinaasan siya nito ng kilay. "So, you mean you don't imply courtship? Can you be my girl then?" "O-okay lang." Tinakpan niya ang mukha sa sobrang hiya. Nag-iinit ang pisngi niya, lalo ng tanggalin nito ang kamay niya at pinatakan siya ng halik sa labi. "No more kissing with other boys, okay?" Naitikom niya ang bibig sa gulat. He is not her first kiss but it felt like one. "Hmmm... okay." He c****d his head and gave her another smack. "No exchanging digits." Mahinahon siyang tumango habang binabasa ang kanyang ibabang labi habang tulala sa mamulamulang labi ni Zedrick. Naalala niya ang sinabi ni Violet na kapag hinalikan ka ng lalaki, para mas lumalim ay ibuka mo ang iyong bibig at humawak ka sa batok nito. Give me one more kiss. Zedrick teased her nose. "Let's go. Baka hanapin ka na sa inyo." "Ha?" Where's my another kiss? She looked confused on his luscious lips then after his eyes that hide his hidden desire. "Ihahatid na kita. You should have a good rest tonight."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD