NANGINGINIG na umupo na lamang si Jean sa lapag sa pagitan ng kama niya at ng bedside table. Niyakap ang mga tuhod at isinubsob ang mukha. Sa bawat pagkulog ay napapaigtad siya at bahagyang napapatili. Ni wala siyang kasama sa bahay. Maging ang ilaw ay nawala pa. She felt so helpless. Nagulat pa siya nang bumukas ang sliding door ng kuwarto niyang siyang daanan papunta ng veranda. Agad niyang iniangat ang tingin at bumungad sa kanya ang isang pigura na natatabingan pa ng hinahanging kurtina. Isang matinis na sigaw ang lumabas mula sa mga labi niya. “Hey, hey… It’s me!” ang sabi ng pigura. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon ngunit hindi siya sigurado kung feeling niya lang ay kilala niya ang boses. Malay ba niya kung nagha-

