"ATE Jean, you're here!" Patakbong lumapit sa kanya si Myla pagkababa pa lamang niya sa tapat ng bahay ng mga Monteverde. O bahay nga ba iyon? It was more like a mansion. "You took a cab?" sunod nito nang mapansin ang sasakyang binabaan niya. "Yeah. I can't risk driving yet." sagot niya rito. "Tinawagan mo sana ako! Nasundo sana kita." sabi nito. "Or better yet, kinatok mo na lang sana si Kuya Apollo. Tutal dito din naman ang punta niya. Nagkasilbi man lang siya." "Baka imbis na isabay ako, sagasaan pa ako n'on.Mahirap na." pabirong sabi niya. Ngunit inaamin naman niyang pumasok na din sa isip niyang magbaka-sakaling makisabay dito, kung hindi lamang nakita niya itong sumakay ng kotse kasama ng babaeng kaakbayan nito nang nakaraang araw. Umurong na lamang ang kakatiting na lakas ng

