HINDI alam ni Bambi kung anong magigingreaksyon niya ng makita si Kayde sa labas ng building. Magdadalawang lingo na ang nakaraan mula ng huli sila nitong nagkita at nagkausap—mas matagal pa ang araw na ‘yon kesa sa magkasama silang dalawa. Hindi alam kung papaano niya ito pakikisamahan. Naiinis at nagagalit siya pero ano nga ba ang karapatan niya? Wala. Hindi sila—walang ibang namamagitan sa kanila maliban sa one-night stand na nangyari kaya hindi niya dapat nararamdaman ang ganito. Hindi dapat. At ngayon, nasa harapan niya na si Kayde, hindi niya na alam kung paano ito haharapin. “Kayde?” Banggit niya sa pangalan nito. Baka namamalikmata ulit siya na nakikita niya ang binata. “Baby, I miss you.” Malaki ang ngiti sa labi ng binata ng magtama ang mga tingin nila. “Kakarating ko pa la

