Chapter 4
WALANG IMIK si Bambi habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lani. Hinihintay niya ito magsalita at mag-umpisang magtanong pero wala siyang narinig mula mula rito. Ramdam niya ang panay sulyap nito sa kaniya, naghahanap ng tamang tiyempo parra magsalita.
Tinignan niya ang café na nilabasan, nakatingin sa pwesto ng sasakyan nila ang lalaki na nagpabayad ng pagkain sa kaniya. ‘My body and service are more than a hundred fifty pesos.’ edi inamin na rin nito na totoong bayaran na lalaki nga ito.
Sayang, gwapo pa naman. Sa kung sa bagay, karamihan ay kakapit sa patalim para mapunan ang kumakalam na sikmura at masuppotahan ang pang-araw-araw. Pero hindi siya mukhang dukha na kakapit sa patalim.
“So, paano mo kilala ang fafa na kasama mo kanina?” Anang boses ni Lani na para bang may kung anong malisya na pinahihiwatig.
Binalingan niya ang kaibigan saka ibinalik ang tingin sa harapan. “Hindi ko siya kilala, na-upo siya bigla doon.” pagsisinungaling niya.
Tumaas ang gilid ng labi ni Lani. “Naupo lang doon? Sabay ikaw ang nagbayad ng order niya. Don’t me, Bambi, hindi ka marunong magsinungaling kaya tell me.”
Nagpakawala siya ng isang mahabang buntonghininga. Huling-huli ng kaibigan ang kasinungalingan niya. “It’s nothing. Naiwan ang wallet niya at nagugutom na siya kaya—“
“At naniwala ka sa sinabi niya?” Walang emosyon na putol nito. “His Oystersteel and Everose gold Rolex watch is GMT-MASTER II, and that watch is worth Eight Hundred sixty-six thousand and five hundred pesos. Ikaw lang ang gaga na maloloko niya.”
“Malay natin, peke ang suot niya. Marami ang naglilipana na fake products na mas mukha original kesa sa totoo.” Pamimilit niya. It’s impossible. Sobrang impossible na makabili ang katulad ng lalaking iyon ng ganon kamahal na relo sa ganon trabaho. “Unless..”
“Unless what?”
“Nothing.” Nagpakawala siya ng isang mahabang buntong-hininga.
“So, kilala mo nga s’ya?” Pagg-uulit ni Lani ng tanong.
“Alam ko ang pangalan niya, ‘yon lang.” Mariin na sabi niya. “Nothing less, Nothing more.”
Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang magsalita at mas lalo na ang magpaliwanag na sa bandang dulo ay hindi rin paniniwalaan. At wala siyang pakialam kung panget ang tingin sa kaniya ng iba—maliban kay Lani na nag-iisa niyang kaibigan magmula kolehiyo.
“Okay, okay, chill ka lang, mare.” Ani nito.
Inihilig nya ang ulo sa glid ng bintana at tumingin sa labas ng sasakyan samantala itinuon ni Lani ang buong atensyon sa kalsada. Hindi maayos na sinagot ni Kayde ang tanong niya kanina, sinabi nito na ibabalik ang ID kaya nagpunta pero duda siya.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Hindi mawaksi sa isipan ang lalaki. Kung totoo ang sinabi ni Lani. Ano ang gusto mangyari ng lalaki? Dagdagan ang bayad? Hope not. Wala na siyang pera kung magdedemand pa ito ng malaking halaga.
Mabilis niyang binuksan ang passenger side door at lumabas. At sabay na pumasok sa Spa house kung saan sila huminto. “How’s the result?”
“Negative. Nakahinga ako ng maluwag sa halos isang buwan na stress at pag-ooverthink.” Ani niya saka dumapa. “It’s my treat—“
“Nah. Wala ka ng pera.” Hilig ni Lani na putulin ang sasabihin niya. “Na-curious talaga ako sa lalaking kasama mo kanina, familiar ang mukha niya at parang nakita ko na siya kung saan. Hindi ko lang matandaan kung saan.”
“Ayan ka na naman sa nakita.” Tugon niya.
“Seryoso.” Ani Lani.
“Oo na.” Ani Bambi na para ba pinipilit na maniwala sa sinasabi ng kaibigan.
WALANG IMIK si Bambi habang naka-upo at inaayos ang mesa bago mag-umpisa magtrabaho. Ang lahat ng maagang dumating sa trabaho ay nag-uusap, kaniya-kaniyang tumpukan at bulong sa mainit-init na chismis na umiikot sa buong kompanya.
Sa tagal ng panahon na nakikita araw-araw—tuwing umaga, na nagtutumpukan ang mga ‘to ay nakasanayan na niya. At ni minsan, hindi niya nakuhang makihalubilo maski dati ng nag-uumpisa pa lang siya sa trabaho. Ang tao na mahilig sa tsismis ay sila rin ang mahilig gumawa ng kwento. Ayaw niya malamatan ang pangalan.
“Bambi, naayos mo na ba ang binigay ko sa iyo nakaraan?”
Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa nagtanong. Ang ka-trabaho na isa sa pasimuno sa pagkakalat ng chismis sa finance department, si Angela. Kung ano ang kinabanal ng pangala, baliktaran ang katabilan ng dila.
Kinuha niya ang folder saka inabot kay Angela. “Sabihin mo kung may mali o kailangan baguhin.” Ani Bambi na wala ng maisagot ang kaharap.
“Alam mo na ba ang chismiss?” Gadgad ni Angela. Hinila ang pinakamalapit na upuan saka tumabi sa kaniya.
“Hindi ako interesado.” Matipid siyang ngumiti.
Inaasahan niya na aalis ang dalaga matapos ang sinabi niya pero muli pa itong nagsalita. “Naku, Bambi, kailangan mo maging updated. Malay mo makabangga mo na siya sabay wala kang alam sa mundo.” Wika ni Angela na iiling-iling.
Hindi talaga ako interesado. Wala naman mapupuntahang maganda kung updated chismiss at buhay ng ibang tao. Isip-isip niya.
“Balibalita na magpupunta ang iba sa mga tao mula sa main building para mag-observe. Sabi ng iba ay bibisita din ang iba sa mga kaibigan ng anak ng may-ari ng kompanya.” Mabilis na pagkwekwento ni Angela.
Kumunot ang noo ni Bambi. “Isang araw lang sila dito?”
“Nope! Three months! Exchange employee.” Alam na alam ang tamang salita pagdating sa chismis. “At may isa pa—“
“At may isa pa?” Gadgad niya. Sa dami ng sinabi, hindi pa tapos ang chismiss niya?
Nakita niyang tumaas ang gilid ng labi ni Angela ng mapansing interesado siya sa mga sinasabi nito. “Ofcourse! So, ito na nga ang isa, ang sabi ay dito daw gaganapin ang team building. Kaya maghanda ka na sa sunod-sunod na overtime.”
“Edi ba, sa main madalas ginagawa ‘yon?” Ngiwing tanong niya.
“Iyon nga. Iniisip ng lahat kung ano ang ginawa o pumasok sa isip ng nasa taas kung bakit lahat ata ng activity ay tinapon dito sa atin.” Iiling-iling na usal nito saka tumayo na. “Sige na, oras na para magtrabaho, kung gusto mo ng balita—alam mo na.” sumenyas ito na tawagan siya gamit ang kamay na umaktong telepono.
Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita muli. Baka abutin pa sila ng kinabukasan kung ipagpapatuloy nito ang chismiss na nasagap. Pinilit niyang ituon ang atensyon sa trabaho pero kahit sa kalagitnaan ay napapahinto ang iba para mag-usap-usap.
PAGKATAPOS ng oras ng trabaho, nag-aya mag-shopping si Lani. Kung siya ang tatanungin ayaw niyang sumama. Pagod siya buong araw at gusto niya ipahinga ang buong katawan. Pero minsan lang mag-aya ang kaibigan at naka-dipende lang iyon sa tuwing na-stress sa trabaho.
“Ano ang nangyari sa iyo ‘t bigla ka nalang nag-aya na lumabas.” Ilang araw pa lang silang hindi nagkikita pero ang itim sa ilalim ng mata nito ay sobrang laki.
“Sinong hindi mai-stress kung lahat ay ibinigay nila sa akin? Gosh. Ganon na sila ka-excited mag-retired sa trabaho.” Ani Lani na naiinis na tono. “Nga pala, mawawala ako ng ilang buwan—hindi ko alam kung hanggang kailan.”
“Hmm.” Huni niya saka nilingon ang kaibigan. “Tumawag ka na lang kung may problema.”
“Ikaw ang kailangan kong sabihan niyan.” Pagbabalik nito ng sinabi niya. “Kagagaling mo pa lang sa break up, baka makaisip ka ng di maandang bagay. Ayos lang sana kung siya ang sasaktan, pero paano kung sarili ang maisipan mong saktan.”
“Hindi pa ako baliw para gawin iyon ano.” Marahas na bumuga ng hangin si Bambi saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Sa totoo nga niyan ay nakakalimutan ko na siya kahit papaano—“
“Aba’t mabuti!” Nilingon siya ng kaibigan. “Hindi deserve ng g*gong iyon na isipin.”
Hindi na umimik si Bambi at nilasap ang mariin na hagod sa likuran. Ilang oras ang lumipas, matapos ang nakaka-relax na massage ay panay ng ikot nila sa mall. Bawat botique na pinapasukan ay kanilang nilalabasan ng may paperbag.
Masakit sa bulsa ma-stress ang babaeng ito, kulang na lang ay bilhin ang lahat ng matipuhan.
Marahas siyang bumuga ng buntong hininga, binagsak ang sarili sa bench na pinakamalapit sa pwesto niya. “Pwede ba magpahinga na muna tayo? Ang dami mong pinamili, hindi mo naman masusuot ang lahat ng iyan.” reklamo niya.
“Hindi nga pero ikaw, oo.” Umikot ang mga mata saka huminto ang tingin sa hindi kalayuan. “Ex mo ‘yon edi ba? Iyong mukhang paa na mahilig magtago sa saya ng nanay niya.” Ani Lani na puno ng sarkastiko ang tono ng pananalita.
Sinundan ni Bambi ang tinitignan ng kaibigan. At tila maliliit na karayom ang tumusok sa dibdib niya ng makita ang lalaking nag-iisa niyang minahal at pinangarap na makasama habang buhay ay may kasamang iba.
Malaki ang ngiti sa labi kasama ang ibang babae. At ang ina nito na hindi mapagpunan ang saya na nararamdaman na kahit kailan ay di niya nakita o naramdaman ng siya ang kasama ng anak.
Pinipigilan ang pagluha, sa mga mata ay makikita ang sakit na nararamdaman. Nagtama ang mata nila ng dating nobyo, si Nathan, na nagulat ng makita siya sa kaniyang kinatatayuan.
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Bambi, tumingin sa ibang parte ngunit gayon ang gulat ng makita si Kayde na may ngisi sa labi. Magpapalibre na naman ba siya?