#BYAHBook2_InHisArms EPISODE 34: THE UNEXPECTED FINALE Lakad-takbo ang ginagawa ni Kameon para makarating na sa unit niya kung saan alam niyang maaaring naghihintay ngayon si Khiro. Umaasa siyang nandun si Khiro. Kasunod naman niya sila Gabriel at Kristian na lakad-takbo rin na hinahabol si Kameon. Naiintindihan na ng dalawa ang nangyayari ngayon kay Kameon at pati sila’y nakakaramdam ng kaba. Ano naman kasing magiging dahilan kung bakit hindi makakarating si Khiro kaagad sa presinto gaya ng napag-usapan nila ni Gabriel? Malamang, ayaw man nilang mag-isip ng masama pero hindi nila maiwasan. Hindi nila maiwasang mag-isip na baka may nangyari ng hindi maganda kay Khiro lalo na’t alam nila na nasa paligid lamang ngayon si Howard at nagbabalak ng masama. Alam at kilala na ni Kr
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


