#BYAHBook2_InHisArms EPISODE 21 Kasalukuyang nasa kusina ako habang nagluluto ng sisig na pulutan ni Howard na ngayon ay nasa living room naman at kasalukuyang umiinom ng alak. Napapabuntong-hininga na lamang ako habang nakatitig sa aking niluluto. Ilang araw na rin pala ang nakalipas ng hindi na ako payagan ni Howard na mag-isang lumabas ng condo unit. Nakakalabas pa naman ako minsan para bumili sa grocery o di kaya ay para pumunta sa laundry shop para magpalaba pero lagi kong kasama si Howard. Animo’y bodyguard ko siya na nakasunod at nakatingin sa kung anumang kilos ko. Pakiramdam ko nga, parang nasa Martial Law era ang mga araw ko dahil tinanggalan ng diktador na si Howard ang kalayaan ko. Muli na lamang akong napabuntong-hininga. Wala naman kasi akong magawa. Haw

