Olivia Charlotte's POV Kakatapos ko lang I-bottle feed si Oli kaya ngayon pinapa burp ko na siya. Kakauwi lang namin kaninang umaga galing sa hospital. Medyo nahihirapan pa ako, pero I know naman na masasanay din ako. I know I will. Kailangan ko. Nang makatulog na ang anak ko agad ko siyang nilagay sa crib niya. Bigla naman ako may naalala sa crib na 'to. Ito yung binili namin ni Noah. I smiled bitterly ng maalala ang mga pinagsamahan namin. He's been there since I was 13. He's been taking care of me ever since. We're almost perfect for each other. But the day na sasagutin ko na siya, 'yun din yung araw na kita ko siya nakikipag halikan sa iba. I was so damn hurt and confuse. Kahit masakit para sa 'kin, hindi ako umalis. Kinausap ko siya. I gave him the benefit of the doubt.

