Olivia Charlotte's POV Ngayon na ang alis namin patungo ng Batangas. Nilalagay na ng mga kasama namin sa bahay ang mga gamit namin ni baby sa van. Dito na rin dumiretso ang kaibigan ko para sabay sabay kaming lahat. Nakapag 3D ultrasound na rin ako, at tama nga ang hula ko si Noah ang kamuka ng anak ko. Lalo na 'yung matangos na ilong niya. "Anong gagawin ng Chanel mo sa Batangas?" Sabi ni Andrew. I rolled my eyes at him "Walang basagan ng trip "Sabi ko sa kanya at kinuha ang chanel pearl crush mini ko sa kamay niya. "Wag mo na nga awayin si buntis, nag declutter na nga 'yan ng mga designer items niya para ipambili ng mga gamit ni baby" Yas said. "Huy Yas! Yung gift niyo kay baby ha! Yung Gucci na three piece set" Paalala ko sa kanya. "Wag ka mag alala, si Andrew na ang bahala

