Olivia Charlotte's POV "Liv! Samahan mo ako sa section 2B, mag papasa ako kay Ma'm Faura ng project ko!" Yas said. I just nodded at binaba na ang fashion magazine na binabasa ko. "Di ba tapos na ang submission na 'yan? Buti pinayagan ka pa niya" Tanong ko kay Yas habang nag lalakad kami patungo sa classroom ng section b, ando'n kasi ngayon si Ma'm Faura. "Syempre! Ako pa ba! Malakas ata 'to!" Pag yayabang niya. Napailing na lang ako. "Liv.. ikaw na lang mag pasa" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya ng nasa tapat na kami ng section 2B. "Ba't ako? Ako ba ang may-ari ng projetc na 'yan?" "Nahihiya ako! Mga 2nd year kasi ang mga students ni Ma'm dito!" I rolled my eyes at her "Eh ano naman kung sophomore sila? Dahil ba freshie tayo? Hindi naman 'yan mga nangangagat!" Sabi ko

