Chapter 22 Sobrang sakit ng ulo ni Rose nang magising kinaumagahan. Hindi na siya nagtaka dahil halos maubos niya ang dalawang bote ng mamahaling alak. Umaga pa nang magsimula siyang uminom ng alak hanggang sa dumating sina Cathy at Kyle at niyaya siyang pumunta sa bar. Hinilot niya ang sentido at naupo. Napakalamig ng kwarto kaya hinila niya ang kumot papunta sa dibdib. Nagtaka siya sa hitsura ng kama kaya inilibot niya ang paningin at doon niya napagtantong wala siya sa sariling kwarto. "Wala ka sa condo mo. Narito ka ngayon sa bahay." Napalingon siya at nakita niya si Cathy na napakaluwang ng pagkakangiti. Parang iba ang mga tingin nito sa kaniya, waring may halong panunukso. "Nalasing ako kahapon,"mahina niyang usal at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Tumango lang si Cath

