Chapter 47 Alas otso pa lang ng gabi pero tulog na ang kambal. Marahil napagod ang mga iyon sa biyahe kaya maagang nakatulog. Matapos ayusin ang kumot ng kambal ay lumabas na ng kwarto si Rose at pumasok sa kwarto ni Leester para tingnan ang kalagayan nito. Nadatnan niya roon ang mag-asawang Monteero, pinagmamasdan ang tulog na binata. "Kumusta na po siya?" "Hindi pa rin siya nagigising, hija," sagot ni Charlotte. "Hayaan na muna natin siya. Ipapaakyat ko na lang ang hapunan niya mamaya kapag nagising na siya." "I'm sorry, tita, tito. Hindi ko akalain na may maaalala siya sa kantang iyon," tukoy niya sa piyesang tinugtog ni Nell. Alam ni Rose na may mga alaalang bumalik kay Leester nang marinig ang kantang iyon. Kung hindi niya pinatigil si Nell sa pagtipa ng piano, malamang sumabog

