Chapter 3- Memories For Keeps

1503 Words
ALINTANA ANG banda nang magsimula na itong tumugtog at mas lalo pa itong sumigla nang magsimulang kumanta ang vocalist na si Rosette. Nakakaindak ang tugtuging bumabalot sa paligid sa pagkanta ng banda sa kantang, "Ang Huling El Bimbo," ng Eraserheads. At ewan ba niya ngunit para siyang nililipad sa kung saan sa tuwing kumakanta si Rosette, lalo na't di hamak na magaling talaga ito sa pagkanta. Isabay pa ang magandang blending ng boses nito mula sa mga music instruments. Katulad kagabi ay nagtungo pa rin sila sa resto na 'yon kahit nagdala siya ng kahihiyan. Bagay na hindi naman matanggihan ni Samuel dahil sa kagustuhan din naman nitong makabingwit ng babae. Nanatili lamang siyang nakikinig hanggang sa dumating ang bridge ng kanta. No wonder how he was smiling for the whole song. At tila nagbibigay iyon sa kaniya ng relaxation sa kabila ng realidad ng buhay. In fact, they used to go for a vacation for enjoyment, and it was the motivation of their company for all of their employees like him. "Hey, Fifth, you are smiling, hah?" pagpuna sa kaniya ni Samuel. Katulad nang nangyari kagabi ay um-order muli sila ng alak habang nakikinig sa song performance ng bandang kinabibilangan ni Rosette. Natural na iyon sa kanila bilang magkaibigan, ang maging bonding ang pag-inom ng alak. Pero dahil ayaw na rin maulit pa ni Fifth ang nangyari kagabi ay siya itong nag-control sa pag-inom. "I think I need to enjoy this night," makahulugang aniya. At sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang umakyat ng stage si Fifth upang sabayan sa pagkanta si Rosette. Ikinabigla iyon ni Rosette habang hindi naman inaasahang magugustuhan iyon ng madla. Nevertheless, mabuti na lamang ay pamilyar siya sa kanta. He never used to look away his eyes from this woman, without any reasons, and Rosette would finally just go with the flow of what he wanted to happen. "Magkahawak ang ating kamay, At walang kamalay-malay.. Na tinuruan mo ang puso ko, Na umibig na tunay.." Magkasabay nilang pagkanta sa koro. Hanggang sa matapos nila ang buong kanta. At alinsunod ang malakas na palakpakan sa kanila ng mga tao. And how funny why people would recognize him as a performer. Subalit ang sandaling iyon ay pinutol ni Rosette nang isinama siya nito patungo sa may guest room. Halatang dismayado ang itsura nito at nakompirma niya lang iyon nang magtagpo ang kanilang mga mata. "Bakit ka pa ba nandito? Sinira mo ang performance ng banda, e." Nakatingin sa kawalan si Rosette habang nakapamewang nang sumali sa usapan nila si Jed na isang pianist sa grupo. Hindi niya akalaing nakasunod na rin pala ang mga ito sa kanila. "Uy, boss, ang galing kaya niya, nagmukha ngang romantic ang performance, e, 'di ba, guys?" anito. At saka nagsitanguan ang iba pa nilang mga ka-banda. Subalit tila hindi nagustuhan ni Rosette ang kaniyang narinig. Dahilan para sandali itong mapapikit. At sa isang iglap ay napadilat ito nang magawa niyang magsalita. "I didn't meant to ruin your performance. Ang totoo niyan ay nag-enjoy akong kasama kang mag-perform at sana lang ay nag-enjoy ka rin." Napangisi lamang si Rosette. "Honestly, I would willing to take this moment to say sorry, again." Sandaling natigilan sa sinabi niya si Rosette. Subalit sadyang mataas talaga ang pride nito, dahil na rin sa kawalan nito ng interes sa isang katulad niya. "Sorry? At sa ganitong paraan talaga? Kung gusto mo talagang mag-sorry, matuto kang rumespeto ng tao. Saka, halatang nakainom ka pa rin, o, kaya hindi ako naniniwala sa sorry mo.” Doon na nagawang sumali ni Jed sa usapan. "Sandali, boss, nagso-sorry naman na 'yung tao, o, saka lasing lang siya kagabi." "Iyon na nga, e. Lasing siya at tapos ngayon naman ay nakainom din siya. Kaya wala akong ibang iisiping iba kundi masama ang balak niya. Kaya, p'wede ba? Kung ikasisiya mo ang panggugulo sa performance namin, makakaalis ka na," ani Rosette na unti-unting nagpaalis kay Fifth. Without knowing them that coincidentally, she has a monthly period-- that's why she become easily irritated at all times. At kung bakit hindi maintindihan ng dalaga kung paano nagawang mas pagandahin ni Fifth ang performance nila. And that moment, they wouldn't thought that their talent manager, Ms. Savana has able to tell them a good news. "Soul Magnificent, congratulations! Dahil dinagdagan ng manager ng resto ang talent fee n'yo!" Nagsitalunan sa kasiyahan ang mga kabanda niya habang si Rosette ay tila napahiya sa katotohanang hindi mangyayari 'yon kung hindi dahil kay Fifth. "Yes! Ang galing naman kasi ng vocalist natin, e! A-at ni kuya!" wika pa ni Jed. Ngunit hindi pa man sila nakaka-get over sa magandang balita ay muli na namang may sinabi si Ms. Savana, "At hindi lang 'yon, nagbigay din ng tip ang ilang customer na nagustuhan ang performance. At heto pa, nagre-request pa sila ng another moment para sa kilig scene kasi medyo nakakabitin daw." Rosette just speechless and a little bit of her would realize that she regret everything that she have said. Sa katunayan ay dapat nga na maging thankful pa siya dahil mas tumaas ang ibinayad sa kanilang talent fee ng manager ng resto, bukod pa ang mga tips mula sa mga customer na sadyang nagustuhan ang kanilang performance at dahil iyon sa lalaking kinaiinisan niya simula pa lang. "Congrats, guys!" masayang wika ni Oliver, ang isa sa guitarist. "Congrats!" ganting wika ni Rosette, subalit tila may hinahanap-hanap ang mata niya. Dahil batid niyang nasaktan ang damdamin ni Fifth sa nasabi niya kanina. Kaya naman sa gitna ng kasiyahang iyon ay hindi niya magawang maging lubusang masaya lalo na't malaki ang kasalanan niya sa isang lalaking nakatulong sa kanila financially. Hence, before the night ends, Rosette was able to find the room of Fifth. Dahil na rin sa tulong ng kaniyang mga kabanda. And since, it was their last day, she would willing to lower her pride for the sake of her peace of mind. Aniya'y hindi naman na sila magkikita nito kaya mabuti pa na wakasan niya na agad ng kabutihan ang naitulong nito sa kanilang banda. Hanggang sa madatnan niya ito sa may harap ng karagatan. "Fifth, may naghahanap sa'yo!" Boses iyon ni Ryan na nadatnan siyang tumutungga pa rin ng beer doon sa may dalampasigan. Matapos niya kasing maihatid sa k’warto si Samuel ay pinili niya na munang mapag-isa. "Kanina pa kita hinahanap kasi may taong gusto kang makausap," wika pa nito na bahagyang nagpalingon sa kaniya. "Kung sino man siya ay wala akong pakialam. Basta, gusto ko lang mapag-isa--" natigilang aniya. "K-kahit ako?" nauutal na wika ni Rosette. "R-rosette.." He stood up after saying her name. Tila ba mabilis nitong nabago ang malungkot na mood niya. At kahit medyo nahihilo na siya dala ng alak ay malinaw niya pa rin nakikita ang magandang ngiti nito. Ibang-iba ang awra nito kumpara no'ng una at huli silang magkita at labis niya iyong ipinagtaka. "Ah, sige, maiwan ko na kayo, Fifth. At pagkatapos ay kung p'wede, bumalik ka na sa room," pakiusap ni Ryan. "Okay, Ryan," tanging sagot niya. At saka niya binalikan ng tingin si Rosette. "Bakit ka nandito? Pagkatapos mo akong paalisin kanina--" "No, wala akong intensyon na masamâ, wala akong balak na awayin ka ulit, ang totoo niyan.. ay gusto kong humingi ng sorry." Nakakunot ang noo habang nakangiting wika nito at aaminin ni Fifth na first time niyang makitang ngumiti ang dalaga. Bagay na nagbigay ng dahilan sa kaniya para sandaling matigilan. Iisipin na sana niyang panaginip lamang ang lahat. Pero muli na naman itong nagsalita, "I'm sorry, Fifth. At gusto ko lang din magpasalamat.. kasi kundi dahil sa'yo ay hindi malaki ang ibabayad sa aming talent fee bukod pa ang tip galing sa mga customers." Napayuko pa ito sa harapan niya at makikita ang pagsusumamo sa mga mata. Doon niya nabitawan ang bote ng beer na hawak-hawak niya. "At dahil sa'yo ay malaki ang maitutulong sa akin nito financially lalo na sa kinukuha kong kurso. Thank you and sorry sa mga nasabi ko sa'yo." Hindi makapaniwala si Fifth sa mga narinig. It feels like a dream that this woman could appreciate his presence, for the first time. Kaya naman kinuha niya ang pagkakataon na 'yon para samantalahin ang kaniyang kagustuhan na mas makilala pa ito. "It may sound strange but, the first time I saw you, I just couldn't help myself, para lang mapalapit sa'yo." Sandali pa siyang napangiti habang nanatiling nakikinig sa kaniya ang dalaga. At doo'y klaro niya nang sinabi ang mga katagang nais niyang hilingin dito. "Pagkatapos ba nito ay p'wede na tayong maging magkaibigan?" umaasang aniya. Nakita niya naman ang sandaling pagkunot ng noo nito. "Pero, last night na namin dito." "Walang problema, p'wede ko naman makuha ang number mo, 'di ba?" Doo'y unti-unting napatango ang dalaga bilang pagtanggap nito sa inaalok niyang friendship. "Akin na ang phone mo." Inabot niya ang kaniyang cellphone rito at ito na ang kusang nagtipa ng numero nito sa screen at nang sandaling iyon ay hindi niya namalayan na malapad na pala ang ngiti niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD