Nahulog si Sachi sa matarik na hagdan ng mansiyon marahil sa emotional breakdown niya. Dahil sa ilang beses na pagtama ng ulo at katawan niya sa steps ng hagdan, nasugat ang isang bahagi ng ulo niya and he lost a lot of blood na kinakailangan pa niyang masalinan ng dugo mula kay Tito Isly. Na-dislocate rin ang balikat niya pati na rin ang isang tuhod niya. Nasa ICU siya ngayon dahil 50-50 siya. I was so shocked. Nanlulumo ako sa nangyari sa pinsan ko at sa nakikita kong pag-aalala ng lahat lalong-lalo na ni Azyra. For the first time, I saw him openly cry nang sabihin ng mga doctors kanina na 50-50 ang kalagayan ni Sachi. They only gave him 24 hours. Kapag hindi siya nagising sa itinakdang oras na iyon, mako-coma na siya nang tuluyan dahil sa damages sa ulo niya at sa katawan niya. Sobran

