CHIEF JONATHAN POV--- Tatlong araw na hindi kami magkasama ng aking asawa. Miss na miss ko na sya, gusto ko syang puntahan pero mas mahigpit na kabilin bilinan ni Mama na hindi pwedi magkita ang magkasintahan bago ikasal. Hindi naman kami magkasintahan ni Mia, asawa ko naman sya. Sobrang tiniis ko nalang hanggang sumapit ang araw ng aming kasal. "Cheers! para sa kasal bukas ni Chief." Sabi ng mga nasasakupan ko sa trabaho.Nandito kami sa bahay namin ni Mia, may kunting salo salo ngayong gabi. Meron din kina Mia, ganito talaga ang kasalan sa probinsya.Sponsor naman ni Mayor ang reception sa kasal na gaganapin sa gym sa munusipyo.Bukas na ang araw ng aming kasal. "Salamat, sa inyo. Bukas hindi kayo mamawala." matamis na ngiting sabi ko sa kanila. "Kami pa ba Chief." sagot ni PO1 Magsays

