We ended up eating the food on my condo. Ayaw umalis ng gago. Umuwi siya nang bandang alas-singko na ng hapon dahil may dinner sila ng parents niya. He wants me to come but of course, ayoko! Ano namang gagawin ko roon? Ex na nga lang, sasama-sama pa? Epal lang, ganon? Sumunod na araw ay bumalik na ako sa opisina. Lyra asked why I am absent yesterday and I have to lie about it. Makakalusot na sana ang mga pagsisinungaling ko kung hindi lang dumating si Trevor sa opisina ng lunch time. "What are you doing here?" Pabulong na anas ko habang kaming dalawa nalang ang nasa loob ng office ko. Itinaas niya ang lunchbox na dala. "Let's have lunch together." Napatampal ako sa noo at halos maluha na sa sobrang sama ng tingin sa kanya. Can't he get it? "Pwede ba, Trev, tigilan mo na ako." Walang

