I don’t know what’s the big deal about that silly online quiz Meg sent me, but it wasn’t easy pushing it at the back of my mind. Drowning myself into work has always been a great way of coping para sakin at times like these, iyon ang defense mechanism na ginagamit ko. Kahit noong nasa Dubai ako, inuubos ko na lang ang oras ko sa pagtatrabaho kesa kung ano-ano ang maisip ko. Effective pa rin siya until now, ni hindi ko na namalayan ang oras hanggang coffee break na. Tsaka ko lang napansin na wala si Meg sa table niya. Wala naman akong maalala na half day siya ngayon. Wala rin akong alam na meeting na kasama siya nitong hapon. Sinilip ko kung nandoon pa ang mga gamit niya and saw her pink shoulder bag inside her pedestal. Tinawagan ko si Hannah pero hindi rin nito alam kung nasaan si

