The rain has stopped but we waited for two more days for the soil to dry. Nang nakakasiguro na sina Mang Pando na safe nang lakaran and lupa lalo na sa gilid ng mga bangin, siya pa mismo ang naghatid sa amin palabas ng Sitio Lejos kasama ang dalawa pa nilang kabaranggay. Nagpasalamat kami ni Tristan sa pagtanggap nila at nangako na gagawan namin ng paraan na matulungan sila sa problema nila sa tubig. "Yes Lola, I'm okay. Wala pong masamang nangyari, malakas lang po talaga ang ulan kaya hindi kami nakaalis agad," I heard him talking over the phone as we reached the main road. "Nagpapanic na si Lola, akala nabawasan siya ng isang gwapong apo," he whispered to me at pumulot naman ako ng maliit na bato para ihagis sa kanya. "Kapal mo!" I said while laughing. "Opo Lola uuwi po ako kaagad

