“Ate!” Napalingon ako sa kapatid kong tumatakbo palapit sa akin. Bigla na lang gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ng maalala ko ang kamuntikan niyang pagkawala. Hindi ko alam ang nangyari ng mga oras na iyon dahil nawalan ako ng malay. Ang sabi sa akin ni Nico ay bigla na lang tumunog ang aparato at nakita doon ang marahang t***k ng puso ng kapatid ko. “Bakit kenjo?” Tanong ko ng makalapit siya sa akin. Agad niya akong hinila papunta sa sala ng bahay at bigla ring umalis. Isang tikhim ang umagaw ng pansin ko at nakita ang taong tatlong buwan ko ng tinitikis at pinipilit kalimutan. Nakatayo ito at mukhang fresh. Baka naka move on na? “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko gamit ang blankong ekspresiyon. “Ahmm. Hi! I’m Lex Nicolai Ybañez.” Nakatayo ito sa harap ko at nakalahad ang kam

