Moonlight POV Amusement Park “Hindi ka pa ba lalabas?” Nakangiting wika ni Moonlight sa nakasara niyang pintuan. Naroon si Vlad na pinagbibihis niya ng angkop sa suotin ng tao at may balak siyang pagdalhan dito. “Saglit lang! Bakit ba parang nakakatawa ‘tong pinapasuot mo sa ‘kin?” asik nito, damang dama niya na magkasalubong ang kilay nito na lalong nagpangiti sa kanya. “Anong nakakatawa? Dalian mo na nga!” Sigaw pa niya dito. Walang tao dahil linggo, nasa simbahan ang lolo at lola niya. Hindi alam ng mga ito na tatlong araw nang kasama niya si Vlad, umaalis lang ito bago sumikat ang araw. Ang mga katulong nila ay nabawasan, dalawa na lamang dahil nang umalis siya ay wala na itong halos mga gagawin, pinamalengke niya ang isa kahit walang bibilhin samantala ang isa naman ay dayoff.

