HARUKA Bumalik na ‘ko, matapos ang matagal na paghihintay nagbalik na 'ko. Pero maraming nagbago, nararamdaman ko na mahalaga parin ako para sakanya pero bilang kapatid na lamang hindi na bilang nag-iisang babae sa kanya. Inilahad ko ang mga kamay ko para damahin ang sariwang hangin, ang liwanag na matagal kong hindi natanaw dahil sa kadilimang kinasasadlakan ko. Hindi ko inaasahan na makakalaya ako sa ganoong paraan, pero ang katawan ko mahina siya na parang isang pangkaraniwang tao na lamang hindi na gaya noong una. Ang lalaking minahal ko, nag-iisang lalaking tinangi ng puso ko pakiramdam ko unti-unti na siyang naglalaho sa ‘kin. Pinagmasdan ko ang lugar, sa ganoong kabilis na pagkilos nagawa ni Vlad na muling ibalik ang lugar na ‘to. Hanggang ngayon ba naniniwala ka pa rin

