Pagka-uwi ni Andrew sa kanilang bahay hindi niya inabutan ang ama, hindi rin alam ng kasambahay nila kung nasaan ito kaya nagtuloy siya sa library para magbasa-basa. Wala naman siyang balak umuwi kung walang lakad si Rain, aayain niya sana ‘to mag-dinner kasama kaso may lakad pala ito at ang mga kaibigan. Kaylangan nito ng time para naman sa mga kaibigan dahil madalas sila na lang ang magkasama. Malaki ang library nila sa second floor na kalapit ng kuwarto ng ama, madalas siyang nasa lugar na ‘yon hindi para magbasa kundi para alalahanin ang kanyang Ina na madalas ay paboritong lugar ang Library dahil mahilig itong magbasa-basa. Mas close siya sa kanyang Ina noon kaya sobrang laki ng kawalan ang naramdaman niya ng mawala ito ng biglaan. Nakita niya ang isang libro sa ibabaw ng mesa, kaha

