Nagtaka si Julieth nang magising siya sa isang hindi pamilyar na lugar, ang huling ala-ala niya ay ibinilin niya si Gerald para iligtas dahil pakiramdam niya anumang oras ay mamatay na siya ng mga oras na ‘yon. Malalim ang tama niya kaya panigurado na hindi ganoon kadali iyong maghihilom, pasalamat na lamang siya at nabuhay pa siya. “Gising ka na pala…” si Pandora na bahagyang tinulak ang pinto para tingnan siya, pumasok ito ng makitang gising siya. “Pandora—“ Pinilit niyang maupo, isinandal niya ang likuran sa headboard ng kama hanggang makalapit ito at naupo sa gilid ng kama. “Pasensya ka na kung kinuha ka namin kahit hindi ka pa nagigising, nag-aalala sa ‘yo si Master dahil may banta sa buhay niyo. Gusto kitang tanungin kaya ako nandito.” Tinitigan ito ni Pandora sa mata, nakalarawan

